Wednesday, January 26, 2011

Love Extends

Well, napagisip isip ko na totoong lumalawak ang circle ng pagmamahal ng tao.

Matapos kasing maipanganak ng isang bata, maliit lang mundo na ginagalawan niya. Limited lang sa kanyang ama at ina ang puwede niyang mahalin. Yung iba na may kakambal puwedeng mayroon na silang nadaramang love sa loob pa lang ng sinapupunan.

Paglaki nila mararanasan nilang makipagkapwa. Parang lumalaki yung bakuran na ginagalawan niya. Yung mga peers at cliques niya minsan ang nagiging center nito.

Ang galing talaga. Hindi nauubos ang pagmamahal. Lalong lumalawak ang sakop nito habang tumatagal. Habang dumadami ang tao na nakikilala natin, lugar na napupuntahan natin, pangyayari na nararanasan natin.

No comments:

Post a Comment