Wednesday, September 7, 2011

of nights without sleep and falter

Akala ko noong una lahat ng call center nasa isang maganda at magarang building na gaya ng Discovery Building sa likod ng St Francis Square. Hindi pala ganun lahat. Hindi ko naman talaga alam ang buhay ng isang call center agent until tonight. Hindi naman kasi natuloy ang pagpasok ko noong 2008 sa Telus for the reason na nagaaral pa ako ng college noon at full time agent ang kailangan nila.


Last Monday, I had the time. Gusto kasi ng center nila Roy na magkaroon ng isang writer para sa website nila and for other direct transactions na kakailanganin ng writer para sa company profiles. Gusto niya akong ipakilala sa amo niya. Baka sakali raw na magustuhan ko rin yung working environment nila at ako mismo ang mag apply. Kaya lang.... tamad na nga ako magsulat [promise]. Yang lagay na ito ng blog ko ha, tinatamad pa akong magsulat nito. Ano pa kaya kung sipagin ako. Well, sakaling sipagin man ako. I have no time na talaga to write for other people. I love writing when it is for my own research that I have to pour out the words from my lumang baul like supercalifragilistic ababababa..... brouhaha... /// .Pero yung sabihin mong susulat ako ng ganito-ganyan at babayaran ako, neknek mo. Hindi sa nangaasar ako pero. Let's face it! Tamad akong sumulat. I love writing [2nd na to ha] when I write for other people and I have no intention of leaking it out. Kaya magingat tayo sa WikiLeaks. Isipin mo kapag sumulat ako kay Santi or kay Trisha or kay Kenneth and its not meant to be shared to the whole wide world pwede siyang kumalat dahil sa WikiLeaks na yan! Hay Julian Assange, what have you done! ?


Gabi kami pumunta ni Roy sa San Pablo para sa misyon niya. Hindi ko maintindihana ang sarili ko noong mg aoras na yun. I have no security. At anytime, I can feel like i will be cornered or caught offguard. I don't know pero hindi ako excited. Well, let's talk about passion some other time. I believe that when your not completely happy for something, you can't go for it.


Somehow masaya naman yung environment. Magaan. Very light and warm ang mga tao sa working place na pinagugulo lang talaga ng mga naglalaro kasi at the same time nga ay computer shop din siya. Happy ako na nakilala ko sila. Gusto ko yung mga personalities. In just a while, I get to know other people with different interests. Different talaga from mine. May isa lang silang katrabahong babae bukod sa boss na hindi ko nakuha yung name. may dalawang bakla, hindi ako ganun ka sigurado dun sa isa. Hindi kasi ako marunong kumilala kung sino ang bakla eh. Basta alam ko I respect them in so far as they are not harm. Friend ko si Joel Quenral and I believe he is a good person. Kaya ganun na lang din ang respect ko sa mga tulad niya. Provided they are no harm, for me they are great. Nakilala ko rin ang cool na cool na si Mark at ang naging pinaka close sa akin ...si Andre. Mabilis lang siguro talaga akong gumawa ng friendship. Para patunayan ang claim na yan, kailangan natin si Ralph at si Ate Riva. We just established friendship via net and look, once na ipanganak na ang Santi ng buhay ko, ninong talaga si Ralph. Si Andre parang gusto ko ring maging ninong ng anak ko in the future. Hope that friendship can be maintained.


2am na ako nakauwi sa bahay. Imagine? Sa visit pa lang hirap na ako na mapuyat ano pa kaya kung isa ako sa kanila. Baligtad na mundo. Nakataob na araw, Alanganing Paggising. Yan ang buhay ng isang call center agent. Ang sarap lang pakinggan na may accent sila "Do ya hav ya pc right next ta ya?" pero hindi maikakaila na iba ang buhay na nila sa ordinaryo. Na totoong mahirap ang buhay at marami ang nagtitiis na ganito dahil sa pagnanais na makaipon. Pero sino ang naghahangad na magtagal sa ganito? Ngayon pa na mas maraming tao ang nagtatanong ng "ano ang misyon ko" at kung sino sila. Lahat ng tao ay may pagnanais na magkaroon ng phenomenal living presence. Pero lahat maaaring isaisantabi sa tawag ng pangangailangan sa barya dahil sa masidhing kalam ng sikmura at pandidilat ng mata. Tell me, these are all a dream. That these too shall vanish away. Pero hindi! It's always been a reality and will always be. Ang pangangailangan ng tao na maaaring sa unang tingin, mahigitan ang mas matatayog na layunin ng buhay. Being a would-be-sage, I can't help but wait for that tday na pwede kong ipamulat that there are far greater things more important than just living. And it can't be found in a call center domain.

No comments:

Post a Comment