Tuesday, August 30, 2011

late preparations and sunset miracle

Ang Modnik ang pinakahinihintay na finale sa buong celebration ng Buwan ng Wika noong haiskul kami. Ito ay ang pinagsamang sayaw na etniko at sayaw na moderno. Gamit ang mga tugtuging etniko at kasuotang niluma na ng makabagong sibilisasyon, sasayaw ang mga fourth year students gamit ang makabagong dance steps. Sa ganitong paraan napakikita na ang kulturang Filipino ay buhay at marunong makitiyempo sa daloy ng panahon.

Noong first year pa lang kami, ang laki ng doubt namin kung magagawa namin ito. Para kasing noon ay sabayang bigkas lamang ang kaya namin. Sa second years naman napatapat ang timpalak para mga awiting-nayon gaya ng Paruparong Bukid et al. Sa mga third year naman ay ang .... ang??? hindi ko na matandaan. Haha! Parang duladulaan yata gamit ang wikang Filipino. Hindi ako sure.

Sa ilalim naman ng patnubay ni Ma'am Meng Veridiano, isinasagawa nga ang Modnik sa pinakaaraw ng awarding ng lahat ng nanalo sa lahat ng level at pati na rin ang pagwawakas ng celebration. At nagkaroon nga ng contest noong fourth year kami. Ngayon, hindi natin alam kung meron pa rin nito. Sana meron pa.

Ang gamit na saliw ay iisa lamang para sa lahat ng maglalaban; OLPH, MIDES, SD, SIL, at SM. Kay Joey Ayala yung tunog, ngayon, bahala ang mga participants kung ano ang dance steps kasi dun magkakatalo.

SD ako noon, ako ang namahala sa music ng lahat ng contestants kaya dapat neutral ako Hindi kami nanalo pero second place kami. OLPH ang nanalo kasi pilot section sila, naandun ang magagaling. Pero sa natatandaan ko, dahil sabado yun at wala na kaming pasok sa hapon, eh nagselebreyt pa rin kami. Sa Gregoria, magkakasama kami at masaya kami na mga SD. Sila Bryan, si KC, si Dianne, si PJ, at marami pang iba. Parang nalasing yata ako noon at si Bryan hindi maka get over kasi bumuga siya ng apoy so lasang gas lahat ng kainin niya pati na ang Emperador Brandy.

At siyempre paguwi ko noong gabi ay natulog na ako. That ended a beautiful day of August 30 2003.

________________________________________

Samantalang noong August 30 2009, araw naman ng Linggo, nagkaroon ako ng chance na makita si Faye bandang 5-6pm. Lagi naman di ba? It's always at sunset na nakikita ko siya. para siyang Empress of Dusk. Antagal kong hidni siya nakita kaya naman sobrang masaya ako noon na makita siya. College pa siya noon. Puno pa ako ng pag asa noon. Akala kasi namin yun na eh. Ngayon graduate na siya at nakapasa naman siya sa licensure exam ng nursing. Isa na siyang ganap na nurse. Mabuhay siya! Sana hind siya umalis ng Pilipinas para dito niya gamitin ang expertise niya.

I will always look at this day in a positive way, I hope you do also.

Good night!!!!!! =)

No comments:

Post a Comment