Sunday, February 27, 2011

Superconfident

The liturgy for today possesses varied messages. Rich in values, the readings appeared to be a complicated set of literature to analyze. I decided to divide my commentaries and now here are the things I want to share for this Sunday...


The Undaunted Concern of God for Humanity


It is God who created and preserves the universe. The first reading and the Gospel itself presents the love of God and the dependence of human race as contingent beings. God is a father who does not forget nor forsake His children. God not only cares for man but also for the entire creation. Man is the most important creature for God and He will never neglect us even the less important ones are always provided by God.

The Worthy Servants

The least common denominator of the second reading from Saint Paul's letter to the Corinthians and the narrative from Saint Matthew is the stewardship of man to God. Since God is a god who never neglects His creation, humanity must do their best to give something back to God by serving Him with all our hearts and minds.

Only One God

We were told by religion classes that there is only one God. That seems very academic for people who are used to classroom set ups. Meanwhile, we can say that we need to ponder on the oneness of God even more. Saying that there is only one God means we should not look for another object of worship. We must not worship mammon. Anything or anyone that occupies that "supposed to be" place of God is another god. It is time we look deep into ourselves and interrogate our hearts if we are worshiping our careers, or our loved ones.

Worrying is a Sin

Can anyone of us add even one minute to our lives by worrying. We are told to be dependent on God because He will always do the rest. Things we cannot do, we have to lift up to God. God is always there to support those who trust in Him.

Seek First the Kingdom of God

If we think of God first, He will rejoice and be glad to us. We may be able to receive money and power as long as they are only second to our desire to please the Lord and to attain teh heavenly rewards that awaits the people who trust in Him.

Sunday, February 20, 2011

Robotics

There was a movie I watcher years ago. The movie was entitled "Bicentennial Man" which starred Robin Williams and I don't know if readers are all familiar with the plot. A robot reached the point of becoming fully human, though a mechanical one, experienced grief, love, success, and even death. The film was engaging. I really would love to see it again.

The movie made me reflect of what it is to be a human person. Paradoxically, here was a robot who wanted to act humanly while there are persons who acts like robots. Every human individual must strive to make their lives worthwhile here on earth, able to improve and grow not just in physiological terms but in psychological, social, and spiritual aspects also. I am not in a position to extensively discuss such human requirements which will make this reflection purely intellectual. I just want to wonder about Christianity's challenge for all believers to avoid robotic Christianity.

Robotic Christianity is a word which I myself coined after reading Matthew chapter 5. It is doing the commandments without understanding the objectives. Robotics is basically about commands. Robots will operate only if there are commands from the user. Commands are executed through buttons or even voice commands. Several robots are highly intelligent that they can translate into binary system the human language. Amazing! By this we become prosthetic gods. Many Christians act in this way. They follow the commands because they were told to do so. I was not an exemption. Before, I am only following the rules of the Bible and of the Church to please people and to secure myself in fear that I may be punished. But regular participation in the Holy Eucharist must transform and purify us. We must evolve.

It is from the beginning God's intention to empower man and not to enslave. God graced His 'crown of creation' with total freedom to decide for himself. Not only that, man was given with intellect too so he can decide with epistemic certainty. Each one of us is free to choose whichever college degree we want, careers, spouse and religion. We are free to choose between good or evil, yet Christians must not be thorned between these two choices. Christians are to choose between what is good and better.

God wants to delight on us. He wants us to do good but in doing so, it must be our personal choice to do it. That's how much God loves us. He does not want to make robots out of us.

In finding the central them on this Sunday's readings, I am entranced by how explicit the parallelism in the First Reading and the Gospel Reading. In the first reading taken from Leviticus 19;1-18, God, through Moses, challenges the Israelites to be holy as He is holy. In the Gospel taken from Matthew 5;38-48, Jesus told the listeners of his sermon to be perfect as our Heavenly Father is perfect. Going back to the first reading, God issued the order for His chosen people to be obedient to the laws of conduct. This is the very first instance we heard God saying "You shall love your neighbor as yourself" [Lv 19;18]. Jesus cited and posited this but he went further. Not only are we to love our neighbors only but we must also love our enemies. Jesus is totally radicalizing the Jewish norms and the law of God. Jesus once again underscored that at the core of all laws is love. It is love that keeps the Divine Law very legitimate.

Now Saint Paul, in the second reading, completes the liturgical teachings today. God endowed man with intellect but many never attained wisdom because they did not meditate on the laws. The psalmist affirmed that a godly person makes it a habit to mediate on God's laws day and night. This way a person can reach a level of wisdom as love itself unfolds gradually, the love which is at the center of the laws. Without understanding the within the letters of the law, it will be a burden to perform the commandments because it will appear futile to us. Who can say that giving your right cheek to be punched is easy or wise? Who told us to go as far as two miles when we were only asked for one mile? Who can say, it is wise to love your enemies and pray for those who persecute you? The wisdom of this world does not operate this way! That is why, what appears to be wise in this age is foolishness in the sight of God while it is foolish for the wise of the world to follow Christ. Saint Paul is telling, we have two choices. It depends on us, how we will use the intellect and the freedom to choose [both coming from God by the way].

Jesus came to this world to let us understand the essence of the law. When a person loves absolutely, it is no longer a burden to obey. The person is free. To do good is his freedom and God will be glad because it is the person doing it out of his own volition and not a robot.

Wednesday, February 16, 2011

Veracity

Katatapos lang kanina ng defense nina Alger. Hinihintay ko pa ang update sa kung ano ang resulta. Kahapon lang nila ginawa ang system. Kakaiba. I have to say, magandang experience ang makasama ang group nila sa ganoong sitwasyon. Willing naman ako para tumulong sa abot ng makakaya.

Tungkol sa isang sales and inventory system ang thesis nila Alger. Gagawa sila ng isang system para mabilis ma-monitor ang galaw ng sales at inventory ng isang store o company using computer rather than manual ledger. Palibhasa'y IT ang course nila, sa sentence construction lang ako makakatulong. Editing ng mga sentences pero hindi sa system itself.

Pagbibiyahe Patungong Tiaong Quezon

Ala Una ng hapon nang dumating si Alger sa bahay. Nagkuwentuhan muna kami dahil hinihintay pa niya ang tawag ng isang ka grupo niya na makakasabay namin para pumunta sa Quezon. Sa Tiaong kasi gagawin yung system dahil yung isang kakalse nila na hindi nila ka-group ang tutulong para gawin yun at sa Quezon siya nakatira.

Tinatamad kami pagsapit ng alas dos, kasi naman umulan pero tumila rin pagsapit ng alas tres. Umuwi muna siya para maligo. Ganoon rin ako. Suot ang kulay bule na Tshirt at pantalong maong na luma, nakasinelas akong umalis ganap na ikatatlo ng hapon. Nagkita kami sa may paggupitan at doon ko rin nakita for teh first time ang isa sa mga ka-roup niya--si Edwin Bueno. Matagal ang biyahe patungong San Pablo paano'y patigil tigil.

Pagkadating namin dun, bumili at kumain pa ng street food si Alger. Nilakad namin patungong Ultimart kung saan naroon ang paradahan ng jeep na tatahak sa Tiaong. In short, naghintay pa kami ng ilang minuto bago yun mapuno.

Habang binabagtas namin ang daan patungo sa Tiaong, hindi ko maipaliwanag ang sarap na nararamdaman ko habang namamasdan ko ang luntiang tanawin sa labas ng jeep. Sa mga puno ng niyog na pantay pantay ang hanay at ang mabababang damo na tila tinabasan ng mga intelhenteng dwende.

Ang mga dampa na yari sa mga pawid na matatagpuan sa paligid. Ang hindi pa poluted na paligid at ang mga taong hindi namomroblema sa mga bagay na inaalala sa kalunsuran. Parang isang pangitaing nagbabalik sa akin sa kamusmusan. Huli kong binagtas ang daan na iyon noong isang taon bago ang kasal ni Kuya Jason. Ngayon lang muli ako makakapunta ng Quezon at naisip kong hindi ako nagkamali sa desisyon kong sumama sa Tiaong para doon sila tulungan. Ang una kasi naming balak ay gawin ko ang editing at i-send na lang sa e-mail.

Noon ko lang rin nakilala si Fritz Gerard Atienza Villarosa, ang kaklase nilang gagawa ng system. Tulog si Fritz noong dumating kami. Ginising pa siya ng lola niya, kasi nga naman katatapos pa lang ng defense nila. Babawi sana siya ng tulog pero dumating naman ang mga magpapatulong. Doon pa lang masasabi ko nang mabait si Fritz kahit ang daming aso sa bahay nila. Maya't maya maaari kang himurin sa paa. Inumpisahan na ang pagbubuklat ng mga laptop at doon na nga isinagawa ang pageedit ng Word Document at pagco-code ng system.

Dumating noong gabi ang isa pang ka-group nilang babae na hindi ko naman nakausap. Doon na rin kami naghapunan at ANG SARAP ng kain namin. As in namit gid! Beef stake Filipino. Bumili pa ng isaw sila Alger pero hindi na ako kumain nun. Tinuloy namin ang editing pagkatapos at binigyan kami ng isang dish na gawa ng ate ni Fritz. Ang ganda ng ate niya. Chef daw yun kaya mahilig mag experiment sa kusina. Kakaiba yung ginawa niya. Alam ko lang sagin yun pero parang cake na parang lappron sticks.

Hindi ko namasisilayan ang mukha ng ate niya sa oras na matapos ang editing. Yun nga ang nangyari. Bandang alas 10 umuwi na kami at iniwan sila roon. Magppupuyat pa sila eh. Pero kami ni ALger going home na. Sumakay kami ng bus patungong San Pablo at 11pm pa lang nasa Nagcarlan na kami. Halos wala nang bukas na bahay sa TIaong sa ganoong oras. May ilang tindahang nakabukas pa pero malimit na ang tao sa kalsada. Maagang magppahinga ang mga tao roon di gaya sa Manila kahit ala una na ng umaga marami pang tao.

Great experience though. Natuwa ako na sinamahan ko sila I met new friends at san magkita pa kami pero kung hindi ok lang. Sa pagbaba ni ALger sa jeep, nag good luck lang ako sa kanya at ngiti ang isinukli ng kaibigan. Maliwanag ko itong natanaw dahil sa ilaw na nagmumula sa patyo ng simbahan. Napakaliwanang noon parang umaga. May shooting nga pala sa may simbahan ng Sabel.

Sunday, February 13, 2011

Complicated

Paunawa;
Ang mga pangalan, lugar, pangyayari at iba pang detalye sa kuwentong ito ay kathang isip lamang ng may-akda at hindi tumutukoy sa sinuman, saanman at anuman sa tunay na buhay. Anumang pagkakahalintulad at pagkakatugma ay hindi sinasadya at walang pananagutan ang may-akda sa kalalabasan.

As in wala akong pananagutan kahit anong mangyari.

Sino Ang Maligaya Bukas?


Matagal nang may pagtingin si Yangga kay Genevive. Tatlumpu’t limang beses na niyang tinangkang magtapat sa kaibigan kaya lang maging ang sexual preference niya ay hindi pa niya masabi. Pareho silang miyembro ng isang girl group. Actually lima sila. Masaya ang clique nila kaya ganun na lamang ang takot ni Yangga na mabuking ang sikreto niya. Kapwa sila estudyante ng AB Psychology sa DLSU Dasma. Bukod pa rito, alam ni Yangga na ilang araw na lang at sasagutin na ni Genevieve si Ralph. Maaring bukas na nga iyon. Dalawang buwan na itong nanliligaw at malakas ang bulungbulungan na may pagasa ito sa dalaga. Todo emote nga si Yangga nang marinig niya ang balitang iyon.

Sa isang tahimik na lugar sa loob ng La Salle Dasma naroon ang magkakaklase ng AB Psych para sa isang research. Ang Aklatang Emilio Aguinaldo. Sa isang table nagbabasa ng isang makapal na aklat si Genevieve at sa likod niya naroon si Yangga. Nakatitig ito sa kanya na parang hindi alintana ang research work. Ganoon rin naman, sa likuran niya nakatayo habang nagi-scan ng mga libro si Enzo. Ang ganda ng panahon. Hindi masyadong malamig at hindi rin napakainit. Tamang-tama lang para mag day dreaming ang mga taong ito.

May tracking business ang Mommy ni Genevieve sa Gen Trias Cavite. From General Trias, halos isang oras din ang biyahe ni Genevieve bago siya makarating sa La Salle. Inihahatid siya araw araw ng Mommy niya maliban ngayon. For the first time, nag commute si Gen dahil may importanteng lakad ang Mommy niya. Mula sa General Trias, bumaba siya sa Pala Pala, Dasmarinas. Habang hinihintay ang jeep na may sign board na DBB-C papuntang Kadiwa, tinititigan ni Genevieve ang Billboard ng Bench kung saan naroon si Gerald Anderson at Kim Chiu. Nais niyang isang araw lumabas ang mukha niya sa Billboard doon at lahat ng pupunta sa Robinsons Place ay titingin sa mukha niya.
Pagbaba niya sa harapan ng La Salle, isang guardia ang nakangiting bumati sa kanya. Maganda ang entrance ng La Salle, parang mga tisa ang bakod nito. Animu’y pader ng lumang simbahan subalit pagpasok mo rito ay ang modernong facilities na tulad rin ng matatagpuan sa Manila. Down Town ang tawag ng mga taga Greenhills sa La Salle Dasma at La Salle Lipa. Pero hindi maikakailang lahat sila ay mga La Sallista, iisang dugo at may matataas na pangarap.

Isang Estonian doctor [psychiatrist] ang tatay ni Genevieve. Sa Estonia lumaki si Genevieve. Iniuwi lang siya sa Pilipinas noong 8 taong gulang na at inalagaan naman ng Lola niya sa Imus. Hanggang ngayon doon pa rin niya gustong tumira pero nasa General Trias ang Mommy niya. Exotic ang ganda ni Genevieve. Mahabang kulot ang buhok niya na katulad ng kay Goldilocks. Katulad ng sa isang manikin ang ilong niya. Kulay green ang mata niya at walang pekas ang balat. Isa sa mga dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga binata sa kanya at ngayon ang isang tomboy. Lingid sa kabatiran ng marami, magaling ring sumayaw ng ballet si Gen. Nagaral siya nito noong nasa Europa pa siya dahil lahat ng kaklase niya sa pre school ay may ballet lessons.

Political science naman ang kurso ni Ralph. Gaya ni Gen at Yangga, graduating na rin siya this year. Hindi ganoon kayaman ang pamilya ni Ralph pero huwag ka, dream guy siya ng halos lahat ng babae sa College of Liberal Arts. Matunog ang pangalan niya para sa Magna Cum Laude. President siya ng isang org. Salutatorian siya noong Elementary at Valedictorian noong high school. Naging SK Chairman siya sa Silang at lingo-linggo nasa opisina siya ni Aring Poblete para sa meeting, o kaya magpapapirma, o to say hello lang. Limang beses nang nanalo sa male pageant si Ralph sa Silang at dalawang beses sa La Salle, hindi pa kasama doon ang iba’t ibang awards sa di niya napagwagian. Saulo na rin ni Ralph ang mga kalye sa Poblacion ng Silang. Papaano’y tuwing Mayo kasi escort siya sa lahat ng sagala. Minsan ang reyna Elena, minsan sa reyna emperatris at pati na yata reyna ng generator sa likod ng anda naging escort na siya. Eagle scout din si Ralph. Wala itong pinalampas na jamboree na hindi niya naattendan. Puro butas na nga ang scout uniform niya sa dami ng pin na isinasaksak rito. To top it all, magkasama sila ni Genevieve noong piyesta ng Silang two weeks ago. Nagkarakol na nakapaa ang mama ni Ralph na taon-taon nitong ginagawa. Kumain muna sa Jollibee ang dalawa pagkatapos ng misa. Noong gabi ng bisperas, sumakay sila sa caterpillar ride noong magtungo sila sa perya. Nanggagaling sa likod nila ang ingay mula sa mga Balubad boys na ang lalakas tumili. Makalawang na ang rides. Kaunting bilis pa at baka magkalasug-lasog ang sinasakyan ng dalawa. Mahal na mahal na ni Gen si Ralph as in hulog na hulog na ang loob niya dahil boy friend material nga ang binata. Ito ang na-realize niya habang nakasakay sila sa caterpillar at pinapagaspasan ng hangin ang kulot at kulay brown niyang buhok. Ang hindi niya alam, wala talagang nararamdaman sa kanya si Ralph. Perte ito ng malaki niyang disguise para ma-please ang mama at papa niya. Contract worker sa Saudi ang papa ni Ralph. Sa tuwing mag skype sila, ang tanong lang ng ama niya ay kung may accomplishments nanaman ba ito sa school, mataas ba ang grades niya, may awards ba siya, at kung may maganda na ba siyang girl friend. Hindi anak ang kailangan ng ama niya kung hindi isang trophy. Isang malaking trophy. Kailangan maging mayor siya ng Silang pagdating ng araw, maging summa, at magkaroon ng isang maganda at artistahing asawa. Laging ipinaaalala yan ng papa niya sa texts, sa tawag, sa e-mail at bago sumakay ng eroplano paalis ng bansa. Kung iisipin, hindi sila talo ni Gen at dapat ay sisterette pa nga sila. Ang nais niya talaga ay maging stylists sa parlor ni Emma Ruth. Oo bakla si Ralph. At balak niya itong itago habang buhay para lang huwag magwala ang papa at mama niya.

Si Yangga ang tunay na nagmamahal kay Genevieve pero sa takot na masira ang pagkakaibigan nila, hindi niya ito maamin. Ngayong gabi, bibili na ng isang boquet ng daffodil si Yangga upang maipagtapat na niya bukas, araw ng mga puso, ang nararamdaman. Namatay sa panganganak kay Yangga ang Mommy niya. Hepe ng Pulis sa Noveleta ang Daddy niya. Dating member ng SWAT ang tito niya bago maputukan ng labintador na sumira sa kamay nito. Nasa Philippine Coast Guard naman ang kuya niya. Ang mga ito ang kasama niya sa bahay. Sila ang pamilya ni Yangga. Wala namang rason para itago niya ang kasarian pero asiwa talaga siya sa pagiging tibo. Kaya pilit siyang nagdadamit babae, kilos babae at sumasama sa maiingay na babae sa may corridor papuntang Tanghalang Julian Filipe. Noong una, tinuturuan lang niya ng malalim na tagalog si Gen pero paglaon dahil sabay sila sa lunch at laging magka-group sa mga projects, nahulog na ang loob niya sa kaibigan. Kapag sinasabayan ni Ralph si Gen gusto niyang kumuha ng grenade launcher para itaboy ang binata pero wala naman siyang magawa. Matanggap man o kamuhian, handa siya sa kahihinatnan ng pagtatapat niya bukas.

Habang pinagpaplanuhan ni Yangga ang paglaladlad niya bukas, nakatitig sa kanya ang lalaking nakaupo sa likuran niya. Ang lalaking nagmamahal sa kanya—si Enzo. Matagal nang pinagiisipan ni Enzo na aminin ang nadarama niya kay Yangga. Alam naman kasi niyang walang nanliligaw kay Yangga at hindi ito nag-eentertain ng lalaki. Walang ibang lalaki sa buhay ni Yangga liban sa tatay niya, tito niya, at kuya niya. Iniisip ni Enzo na may pagasa siya kahit papaano. Dating kumukuha ng Engineering si Enzo pero dahil mahina talaga sa Math, nag shift siya sa Psychology. Medyo disappointed ang step Mom niya na siyang nagpalaki at nagpapaaral sa kanya. Mestisuhin si Enzo. Pinatitingkad ng mga balbas niya ang kaputian ng mukha niya. May kalakihan ang panga. Matangkad. Basketball player din siya at nagnanais na makapasok sa Green Archers. Hindi rin pumapalya sa gym si Enzo. Ngayon ay maganda na nga ang hubog ng katawan niya. Lagi itong nanunuod ng UFC. Hunk talaga kung susumahin. Isa ito sa dahilan kung bakit buo ang loob niyang magsabi kay Yangga ng tungkol sa feelings niya. Hindi pa man pumapayag, nagpareserba na si Enzo ng isang native restaurant sa Alfonso, malapit sa bahay nila, para sa date. Napaka-mahal ng pareserba roon kapag February. Walang patumanggang gumastos sa Enzo kahit hirap na sa trabaho ang step mother niya. Isang taon na rin ang lumipas mula noong makipag break siya sa dati niyang girl friend na taga- Cavite State University. Ngayon umaasa muli si Enzo na may magbubukas ng puso para sa pag ibig niya at inaakala niyang sa Yangga yun.



Sa labas ng library, naghihintay si Ralph kay Genevieve. Kaway ng kaway sa Genevieve kay Ralph, bukas sasagutin na niya ito. Lubusan naman ang panggagalaiti ni Yangga na nais makipagbakbakan sa may labasan. Gayunpaman, kahit kumakaway si Genevieve kay Ralph, plastic ang ngiti ng binata. Sa isang tao lang nakapako ang mga mata ni Ralph, ang taong kailanma’y hindi niya maaangkin—Si Enzo.

Heartily

Now is Eve of Valentines. People will greet each other tomorrow "Happy Hearts Day"for Valentine is also known as Heart's Day, a day of love. It is the heart, of all body parts, that represents our capacity to love. Our God, furthermore is a god of love. Our capacity to love others and ourselves flows from the God who created us. Oh, what an eternal stream/fountain of love.

God looks through the heart. God is concerned about the things inside a person and not the external. Jesus came to make us see the real beings that God values the most. The Gospel Readings for last week speaks of this thesis. Last Tuesday, Saint Mark shed us light on how Jesus spoke words of criticisms to the Scribes and Pharisees acting like they are perfect because they follow the commandments strictly. His disciples were caught not washing their hands according to the custom. Wednesday is a continuation. Jesus directly pointed out that he is looking at our hearts. It is not the food one eats that defiles a person but the words that came out from one's mouth. Whatever comes from the mouth comes from the heart. What is the sense of following the law physically when inside the heart are malice and hallow religiosity.

Following the law of Gad must be first a desire of the heart. God's law is a law of love. Maybe it wasn't stated earlier until Christ explained it. People became very ritualistic and superficial and so Christ is to remind them that the law exists to bind people in melodious living and to deepen their relationships with the Lord. We do not obey the law for no reason. It should bring out the best in us. We must be better Christians by obeying the law. We must be more loving. In performing the requirements of the law, purification follows.

Jesus was disappointed in seeing that the law failed to better the Israelites. Instead, their hearts became calloused and insensitive to the needs of others while inside of them they are sinning against God. That is mere hypocrisy!

It is not about fulfilling the law word-for-word on its surface. It is about understanding the components of love attached in it. Jesus never wanted to relinquish the law and the commandments given to Moses. He is after our transformation and understanding. To go beyond what the law dictates us to do.

Maybe you think you are OK because you do not kill, but for a Christian killing does not require taking away a life of an individual. If you are hindering the rights of anybody, you may be killing that person. Maybe you are not stealing anyones's money or property and that is good. You may however, have stolen ideas from someone claiming it to be your own. You may have stoles a dream from anybody and may have envied someone for having what you forever won't have. These are sins of the hearts. Even without being caught, God will know because He looks at the heart. We must be persons not only with happy hearts tomorrow but Christians with clean and immaculate hearts.

Thursday, February 10, 2011

Mirage

Once there was a girl whose name was Bernadette Soubirous. She's from Lourdes France. She said she saw the Virgin Mary and that was known as the Apparition in Lourdes. This phenomenon is one of my most appreciated apparitions of the Blessed Virgin.

For no apparent reason, February 11 is a very special day for me. A day of comfort. Our Lady of Lourdes also seem to be a devotion close to me. All important persons in my highschool life became a part of the OLL Class. Kuya Anthony was in Our Lady of Lourdes class 2000. I was first year then. When Genevie May, my great crush during those times, was in her third year high school, her section was OLL too. Dan Carlo, the man I consider my brother, was part of OLL class 2002-2003. I was part of Our Lady of Assumption. And so we graduated.

Leaving there behind is my sister Rizzel and her best friend, the love of my life... Lara Faye. Lo and behold, both of them became part of OLL Batch 2005-2006. I guess they all deserve the intercession of the Lady of Lourdes.

It is one of the most miraculous titles of Mary. The place where she appeared became a healing spot for people with different illnesses and they proved that they recovered from their sickness after coming in there. Specially miraculous is the water of Lourdes which comes from the spring described by Bernadette. Every day there are pilgrimages going in honor of the Lady of Lourdes. Pilgrims are eager to witness how miraculous is the place and the water.

However, for a long time, the vision was reduced into mere pop culture. People forgot the real essence of the apparition which is to bring us closer to God. This we should bear in mind always.

I want to believe that being in the section of Our Lady of Lourdes, my friends and loved ones became more passionate about God. I hope that until today, that we are all out of school and professionals, they still have in them the same fire as that of Bernadette. let us pray to the Lady of Lourdes to grant us her intercession so we may be more close to God.

Sunday, February 6, 2011

Illumine

Today we hear of Christ telling us that we are the salt of the earth and the light of the world. A favorite passage of mine in the Gospel of Matthew.

After celebrating my birthday yesterday,It is very vital to reflect on how I, after 24 years, became a light to the lives of many and what are my future discernment so I could shed light to people around me. How can I become a salt? A question which you can only answer if you knew the qualities and properties of a salt.

There are salt in the sea but they never have any meaning to a person until it is used at home. Even if it is at home, salt inside a jar glass won't make any difference unless used for food. Only when you cook a dish or bake a pie can you appreciate the usefulness of salt.

What is so Christian with salt is that you cannot bake a bread without it yet people never see a salt in a bread, a biscuit, or a pie. That is how we Christians work. We bring changes to the world but unnoticeable to others. For if we are noticeable, we will become the stars. We only have one star and that is Jesus.

You don't look at the light. You need light so you can look directly to an object without blurred disturbances. We are the light point to Jesus so that others could see Him with their naked eyes. Only with the light we can be able to walk a street at night and yet never lose sight.

We all need light. Jesus illumined the path for us. To illumine is what we should do so we can bring more souls to heaven, to Jesus. That is why Jesus is saying that if a light is placed underneath, what is the use of it. If a salt is stored inside the container and not applied to a dish, what then is its meaning?

If a person studies so hard, underwent all necessary trainings to become educated and yet never had a ministry in the Catholic Church or any Christian denomination, what then is that person's intelligence for? If a man possesses all wealth and large networks and assets but do not give alms to the poor nor donate in any charitable institutions nor give offerings every Sunday in the mass, then perhaps his wealth is meant to be burned and banished.

Why is it that too many people collect so many things? They collect money, friends, memorabilia, souvenirs, pictures,informations even wives and lose their focus in the end. Jesus is telling us that maybe we are too bombarded of collecting things but after collecting it we just look at it and say "Oh how marvelous is my collection."
When the essence of collecting lies when all collected things are put into greater works. You gathers stones to build a house. You gather water in a pale to wash something. You gather money to buy something that will make you better. You gather friends so you will have companions in the Christian work. And yes, you gather salts to pour it in a pan so you can cook.

We are the salt. If I just stayed inside my room and study until I die, what then is my knowledge for? Only when they are used in the glory of God can they become meaningful.

What is your treasure? Maybe God is asking you to give it away.
What are the things you are collecting for so long now? God doesn't need a gallery. He needs you to use it. We should not be contented in amassing more. We should be concerned in giving more.

Ethereal

Yesterday was my 24th birthday celebration.

Yes you heard it right... I am twenty four already.

Gustong gusto kong ihabol kahapon yung mga details about what happened sa birthday party pero I guess understood na hindi kakayanin. Although gising ako until 12.

Lahat ng tao kapag matatapos na yung day ng birthday nila nalulungkot. I am one. Pero para sa akin enough yung nagawang memories to be contented and hope for another year to come. I always expect that the future will be better. Isa yan sa mga hinahawakan kong beliefs. That makes life for me very easy and very promising.

Sa faebook status ngayon ng kaibigan kong si Edison Esquibel, kumuha siya ng quotation from Micheal Learns which says

"life has many shape,,, you think you know want you got untl it changes,,,and life will take you high and low,,, you learn how to walk and then which way to go, every choice you make when your lost, every step you take has it cause, after you tear your eyes you see the light somewhere in the drknest, after the rain hs gone, you feel the cycles,, and seen the sorrow in the wind,, someday it gonna make sense,,,"

Yung mga bagay na hindi natin maintindihan today, magiging malinaw kapag dumating yung tamang panahon and everytime na nagbe-birthday tayo, lumalapit tayo sa araw na mare-reveal yung meaning ng mga bagay na iyon.

I can certify that I just had one of the greatest birthday celebrations this year.

What's So Special

Two persons who are reigning as the most endearing to me nowadays made yesterday a special one. My brother Chad and my sister JS. Nagkitakita kami sa PNU kahapon ng umaga. I arrived at exactly 9:12 am at sinundo ako ni Chad sa gate. Wearing blue shirt and jeans looking at the gate to see me, I hold my breath and start grasping the moment as it presents itself with certain sentimentality. I not only grasp it. I seized it.

Huli ko pa kasing nakita si Chad noong graduation ko sa college. Ang isa sa pinakamatilik kong kaibigan at pinakamabilis na napromote sa kinship. After two years, I already considered Chad to be one of my siblings along with Dan Carlo and Kevin. My sisters would be JS, Rizzel and Myqeen.

Nagkakilala si Chad at JS sa UST kasi pareho silang member ng teatro tomasino. Nagkasama sila sa org pero magkaiba sila n kinukuhang kurso. Si Chad ay isang nurse at si JS isang teacher. Kumukuha ng masteral si JS sa PNU ngayon habang isang volunteer nurse si Chad sa Pampanga, his native place. Unpredictable ang future ng kapatid ko kasi ang hirap ng buhay ng mga nurse ngayon. Si JS, alam na nating makakapagturo siya sa college pagkatapos ng masteral niya sapagkat credited naman yun as license for tertiary education.

Nagkakilala naman kami noong 2007. Sobrang close na sila. Actually mag ate na sila. Mas matanda kami ni JS kay Chad ng isang taon. Kagay ni JS, hindi ko alam kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin ni CHad. Nagulat na lang kami na magkaibigan na kami. I miss seeing the three of us. And natupad yun kahapon. The three of us in one room, breathing the same air. Walking along the entire PNU campus. Waling straight to SM Manila to take our lunch and to celebrate the day.

Encounter With Friend Dimitri

I wasn't able to spend the whole day with JS and Chad. By 2:30 pm naghiwahiwalay na rin kami. Looking forward sa araw na muli kaming magkikita which is March 12.

On my way to Laguna kaninang hapon, Nakasakay ako sa van going to Alabang. Ang sarap ng feeling kasi ilan lang kaming pasahero noong una. Isang family lang yung kasama ko. Pero habang lumalayo, nadagdagan ang mga sakay. Isa sa sumakay ang dalawan magkabarkadang lalaki. Sila ang pinakamalakas na nagkuwentuhan sa van all throughout. Kahit noong mapuno ito palabas ng Victoria Homes.

There he was, DIMITRI as I always wanted to call him since hindi ko nakuha ang real name niya. Walang ginawa si Dimitri kung hindi ang magkuwento dahil na rin sa katatanong ng kasama niyang papangalanan ko na lang as Lyndon.

Unang tinanong ni Lyndon si Dimitri kung gaano ito katagal sa pupuntahan niya, one week ba? Sumagot si Dimitri "Hindi isang gabi lang"

"Ang laki kasi ng bag mo eh parang isang linggo ka" wika ni Lyndon.
" HAHA" ang bulalas ni Dimitri.

Nagsimula na silang magkuwentuhan ng walang humpay mula noon.

"Anong pinagkakaabalahan o ngayon, saan ka?"
"Hindi inaantay ko na lang yung result ng board"
"Ah oo nga pala ano, mahirap ba yung exam..? kakapressure?"
"Hindi naman,, mahirap dahil sa kung kamagaanak mo yung maya ari pero yung mga tanong hindi"
"Anong klase..."
"Sobrang basi pare pero sa sobrang basic pucha hindi mo malaman yung sagot. Yung tipong...di ba yung ini-expect nating tanong mga.."
"Oo yung mga ano..."
"Doon pare sobrang basic yung hindi mo inaasahang mga tanong. Halimbawa anong unang gaagwin mo kun may makita kang may sakit. Ak hidi ko na alam yun."
"Ah yung mga unang una pa,"
"Oo yung ganun"

Kung mapapansin, si Dimitri lang talaga yung nagdadala ng kuwento puro trigger lang ang ginagawa ni Lyndon. parang isang malaking tagahanga na nakakita ng artista. Si Dimitri naman ay nakahandang ibunyag ang buong buhay na parang nais niyang malaman ito ng bawat isang naroon maging ng driver. Naka-black polo si Dimitri. Mistiso pero mukhang may sira ang ngipin. Malaki ang labi na parang nasugatan sa isang away. Sa mga sandaling iyon, waal akong ibang asama kung hindi marinig siya at ano ang mga sasabihin niya, ang maging kaibigan siya sapagkat para siyang isang tao na sobrang masaya. Masaya ang buhay niya.

"Saka ano pare, yung mga laws, lilitaw yun sa exam. Mga gaya nung sa isang community, ilang nurse ang kailingan dun, ilang health wrokers dapat nandun...kapag dean ka ng nursing anong dapat itawag sa'yo"
"Pucha hidni ko alam yung mga ganun ah"
"Oo pur ganun... lilitaw yun sa exam."
"Dapat diyan leakage.." Sabay tawanan ang dalawa.
"Tapos yung toxicity ng drugs, tatanungin din yun. Percentage..."
"Kasama pa rin yun? Toxicity?"
"Magaappear siya mga ten questions sa buong exam, tungkol lang dun."

Maya maya pa umusad ang kuwentuhan sa hay ni Dimitri noong pumasok siya sa call center. Ipinasok siya doon ng kaibigang si Jessy Gregorio. Kaka-invite ko lang kay Jessie ngayon sa facebook. Baka sakaling makuha ko an tunay na pangalan ni Dimitri. Oo humahanga ako sa kanya. Sa ganda ng buhay niya. At isa yun sa magagandang regalong natanggap ko sa birthday ko. Anuman ang mangyai hahanapin ko muli si Dimitri. Gusto kong isang araw maginuman kami. Marinig ko siya muli at malaman pa ang ibang masasayang istorya sa buhay niya. Hindi lamang ang pagiging nursing student niya na naghihintay makapasa, hindi lang ang pagtatarabaho niya sa call center kung saan libre ang kape at milo sa vendo machine na lagi nilang kinukuha. Ang mga inuman nila. Saan siya nakatira. Ano ang pananaw niya sa buhay. Sino siya. Saan siya pupunta noong araw na iyon. Lahat iyon gusto kong malaman. Kalahati niya ay ako. May bahagi siya na nagpapaalala sa akin ng isang taong namatay na three years ago.

758 ang friends ni Jessy sa facebook. Maaarin isa doon si Dimitri and who knows, maging matalik kaming magkaibigan. Tulad ng pagkakaibian namin ni Chad na ngayo'y kapatid ko na. Noong malait na kami sa Festival Mall Alabang, nawala ang concentration ko sa pakikinig ng mga kuwento ni Dimitri nang biglang ngumalngal ang batang babae sa tabi ko. Ihing ihi na ang bata at umiiyak sa balikat ng mama niya. Kapag umihi siya mababasa talaga ako totally dahil katabi ko siya. Buti napigian niya hanggang sa festival. Pero kabado na ako noon kasi sabi niya hindi na niya talga kaya a napaihi na siya sa panty niya. Galit na galit ang nanay ng bata.

Next Celebration; Birthday Pary at Home

Hapon na nang makarating ako sa bahay. Mayroon nang handa. Sopas, Pansit, tinapay juice, at iba pa. Nakarating na si Isaac at Irish noong nasa San Pablo pa lang ako meaning hindi kami nagkita ni Irish. Sayang. Late ako.

Pero mahaba pa ang gabi at babalik si Isaac. Pagbalik niya dumating na rin sila Paulo, Paul at Alger. Nagkainan sila bandang 9pm at siyempre diretso na sa inuman. Bumili ng Emperador light si Isaac at Paul pero kay Alger yun pera. Ok lang akin naman ang pulutan eh...handa.

Ang layo rin ng naabot ng kuwentuhan namin. Miss ko na rin. Si Paul, huli kong nakainuman noong birthday ko 2010. Ngayon heto nanaman kami. Ang sarap naman. May celebration na sa Manila meron pa sa Laguna.

I always am grateful to these people [siguro kasama na si Dimitri] dahil andyan lang sila. Noong nag-text si Daryl na pupunta siya ng SM, on the way na ako pauwi pero ok pa rin. Thank you pa rin kay Daryl.

Sana next year, kasama ko na si Kevin, si Dan, si Dianne, si Shaira, si Rand at lahat ng mga taong gusto ng puso ko na makasama ko sa isang espesyal na araw. Ayoko pa rng mawala si Chad at si JS na mga kapatid ko pero sana andun pa yung isa kong bunsong kapatid--si Rizzel. Sana naroon rin si Dimitri at magkumpare na kami. Mairap hanapin ang tao na hindi mo talag kilala. Pero even if it will take a year para ma meet ko siya ulit. I will. Marami nang tao na inais kong makita mulina hindi ko na talaga muli pang nakasama, this time I don't want to mess things up.

Belated Happy Birthday Kuya Gerald and Ate Agatha!!!
And to me!!!!!

Wednesday, February 2, 2011

Microcosm

The thing is... we only need to look at one side and from there we will already have a grasp of how the whole looks like.

Some people doesn't even want to see or read the news. Ganyan nga kasi ang buhay dito. May idea na kaagad kung anong national situation sa mga headline pa lang ng balita. And it makes me very disappointed to hear that even people in the military ay sangkot sa kurapsiyon. We are looking up to them and now here they are proving themselves no different from the policemen.

Bata pa lang ako sirang sira na ang record ng mga pulis sa akin. Huli sila kung dumating sa mga action films na napapanuod ko noon. Ang laki ng tiyan nila. Nagpapaputok sila kung bagong taon ng baril [hindi labintador]. Sangkot sila sa rape cases kaliwat kanan at maging sa pagpatay ng ilang mga informers at criminal na maaaring magingay. Marami sa kanila ay iskalawags. Ang ilan sa kanila kulang sa good groomings and minsan pati na sa right conduct.

Kapag nasa istasyon lang ang mga yan. Nakataas ang paa sa desk nila habang nanunuod ng boxing at basketball o perlikula. In short, wala silang silbi kapag minsan. Pero siyempre dahil isa ako sa mahinang mamamayan, wala akong ibang tatakbuhan sa oras ng pangangailangan kung hindi sila. Suwerte naman nila. No choice ang Pilipino. Pero kung totoo si Superman, siya ang una kong tatawagin.

I have confess, noong Grade six ako ang pangarap ko ay maging isang Colonel ng Army. Gusto ko sana Marine pero mas mahirap ang training nila at hindi naman ako marunong lumangoy. Hanggang ngayon buhay ang pangarap na iyon sa akin. Siguro kasi, all my life hindi ko maipakita ang machismo ko. Una, lampa ako. Hindi ako tumaba from Age 1 up to now na magtu-twenty four na ako. Bumabawi lang ako sa characters ko sa mga stage plays, video games, at sa ilang bagay pa. Pero yung talagang maipagmalaki ko ang pagkalalaki ko... hindi talaga. That is why I wanted then to be a soldier.

Ang sarap lumaban. Pero siyempre when you mature hindi na gera ang gusto mo. You learn to be more diplomatic and placid. Pero hindi ko ma-outgrow yung sarap ng pakiramdam sa tuwing naka snappy outlook ka. Naka full battle gear at ang tikas-tikas talaga ng hitsura.

Alam ko na walang isa mang lalaki [tunay na lalaki] sa mundong ito na hindi nangarap maging isang tagapagtanggol ng inaapi, may hawak na baril at lumalaban sa masama. Lahat ng tunay na lalaki ay nais maging knight in shining armor ng isang babae. Hindi ako na-exempt sa pangarap na iyon.

Bawat batang lalaki pinahahawak natin ng laruang baril instead of cooking materials and dolls. Gusto nating mabuo sa kanila ang sense of being a warrior. Gusto nilang manuod ng mga power rangers, ng mga labanan ng ninjas at samurai kasi nga lalaki sila at dapat talaga na ang lalaki ay may kaalaman sa self defense at art of war.
Marunong dapat siyang ipagtanggol ang sarili at ang minamahal.

Mula noon, mataas na ang tingin ko sa mga militar. Pakiramdam ko mas astig sila sa pulis na apra lamang security guard sa tingin ko. Isa sa mga pinakahinahangaan kong tao sa military si General Generoso Senga. Naging Chief of Staff siya ng AFP noong 2006 bago ipasa kay Hermogenes Esperon ang AFP kasi nag retire din siya. Nagawa niyang protektahan ang pamahalaang Arroyo mula sa mga banta nila Ariel Querubin at Danny Lim. Napanitili ang kaayusan ng militar.

Ngayon damay si Esperon at si Senga sa mga itinuturong tumanggap ng pabaon at pasalubong sa AFP. Hindi basta 200,000 pesos lang ang pinaguusapan dito kundi milyon-milyong piso. Kaasar ito! Kung maging sa militar ay wala na tayong puwedeng maging magandang imahen sa mga bata, sino pa ang dapat nilang tingalain. Disappointed talaga ako na maging si General Senga ay dawit sa kontrobersiyang ito. Napakalinis ng paglabas niya sa AFP for retirement. Akala ko talaga iba mula kila Cimatu at sa iba pang naging chief of staff pero mukhang mababasagna ang malinis kong pagtingin sa kanya.

Nasa isang kritikal na sitwasyon ngayon ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Isang institusyon na inatasan ng Saligang Batas upang maging malinis at malayo mula sa anumang pakikihalubilo sa pulitikal na partisan. Isang ahensiya ang takda ay panatilihin ang kapayapaan ng sangkabansaan. Ngayon, pinamumugaran na rin ng mga ganid at mga hayok sa salapi.

Ano kaya ang patutunguhan ng mga ito? Obviously, ang DOJ ang sasalo sa mga hearing ginagawa ng Senado for further juridical process. In aid of legislation lang ang ginagawa ng senado sa ngayon. Hindi ito dadaan sa Ombudsman dahil puro retired na ang mga sundalong napapagusapan.

Gusto ko pa rin bang maging isang reserved officer ng AFP? Oo pa rin ang sagot ko sa kabila ng lahat. Dahil alam ko na hindi naman nila ako kagaya. Alam ko na hindi ako aabot sa pagiging Heneral. Alam ko rin na tungkulin ng isang tunay na mamamayan ang pangalagaan ang estado mula sa anumang banta ng kaaway. Ito ang tungkulin na hinihingi sa isang sundalo. Anuman ang bahid na nilikha ng usaping ito sa larawan ng Sandatahang Lakas, mananatili ang sagrado nitong gampanin. Hindi dapat panghinaan ng loob ang mga nasa PMA kung gayon bagkus ay dapat lalong pagtibayin ang loob upang iangat ang nakakahiyang pagkakakilanlan ng mga militar. Puruhin ito at gawan ng paraan na mabura ang mga mantsa na balak iwan ng isang lupon ng mga Heneral na hindi man sinasadyang sirain, ay nadungisan ang pangalan ng institusyong sa kanila ay umaruga at nagbigay ng saysay sa mundong ibabaw.