Thursday, December 30, 2010

Before Bidding His Last Goodbye

"If JP is alive could he be blogging right now?"

Sa unang never-before-seen episode ng Imortal sa Anino't Panaginip, pinakita ang conversation between Magnus and Dr. Jose Rizal. Siyempre hindi yun totoo. Natutuwa akong narecognize siya doon. The setting was in the prison on the night before the execution of Rizal. The one we remember today.

isa na si Rizal sa talagang maipagmamalaki ng lahing Malayo because of his great deeds kahit na iilang taon lang ang inilagi niya sa mundo, sobrang dami ng nagawa niya at naitatag niya. He is instrumental sa pagkakaroon natin ng kalayaan ngayon. Although hindi siya pinaka the best para sa akin, ok na ok naman ang mga napatunayan niya. He may not be as good boy as we can imagine pero matalino siya. Na-beat na rin ang record niya sa Ateneo. Hindi naman siya ang may pinaka mataas na grado sa Ateneo. May mas mataas na sa kanya, none other than His Excellency Luis Antonio Tagle. Hindi rin totoong well versed siya sa almost 40 languages. Yung iba nakakapagsalita siya pero hindi niya naiintindihan, yung iba kaya niyang isulat pero di kayang bigkasin at yung iba naiintindihan niya pero hindi kayang isulat at bigkasin. Hindi rin lahat ng panulat niya ay literary refined. Pero hindi natin maikakaila na may mataas na national value ang mga ito.

Alam natin na hindi perpekto si Rizal. Tulad natin, he is a human person at may faults din. Taong tao rin ika nga. Pero ang maganda sa kanya, hanggang sa kasalukuyan, pinaguusapan siya at dinadakila. One of the best teacher na puwedeng magturo sa isang Pilipino si Rizal. Hindi man natin siya nakakasama, ang mga nagawa niya ang patuloy na magtuturo sa atin.

Ngayong araw ng kamatayan niya, We can only look at the things he had done and hope we can in one way or another equate to the greatness of this man.

A salute to him on this very historic occasion!

2010 Personal Year End Review

2010 in a nutshell? Every month I always make an assessment before the end of the month. Ngayon time to revisit the entire year itself. It has been a year since I started blogging. Isang taon ang nabuo ko. Ano-ano nga ba ang mga bagay na muli-muli kong babalikan sa taong patapos na bukas?

Marami nga sigurong highlights na puwedeng maalala sa 2010. On a national level muna. Yung dalawang beses na pagboto, hindi ko malilimutan yun. Yung una is automated a historical act at isa ako sa nag partcipate. Yung Barangay election is manual naman. Siguro yung pagkakaroon ng bagong government. Yung inauguration ni President Aquino is one of the most en grande. Masasabi ko ring sobrang tatatak sa isipan ko yung August 23, Quirino hostage fiasco at yung effect nito kasunod noon yung Major-major ni Venus Raj na ewan ko ba kung bakit pinagusapan yun. Marami sa showbiz eh. Siguro yung Narnia at Harry Potter isa s amga naging hit. Ay... yung ano pala, Eclipse. Ako gusto ko yung Social Network. Justin Timberlake is truly a revelation. I mean magaling siyang music performer but the way he acts...cool.

On a personal level, sila Alger, Gerome, at Ralph siguro ang nangunguna sa mga personalidad na nakasama kong nagkulay ng taong ito. Noong birthday ko sila ang kasama ko. Noong birthday ni Myqeen, naginuman din kami. Noong piyesta sa Banago kila Keshia naginuman nanaman kami. Noong piyesta ng Nagcarlan, naginuman kami sa bahay namin at noong October sila pa rin ang kasama ko sa isang celebration. Siguro talagang meant for a year talaga ang samahan. Yung nangyari noong Monday, kasama ang clique ko noong highschool ay ang huling pinaka-masayang get together this year.

Masaya akong isipin na ngayong year marami akong nagawang kanta at marami akong nakilala sa net through facebook. Ang malungkot nga lang at di malilimutang mileston ay yung nangyari sa amin ni Faye noong June 15. Siguro turning point yun ng buhay ko at totally nabago talaga. Siguro this year din na madami akong napanuod na TV series. Mas madalas ako ngayon sa harap ng TV at net. Ang Naruto Shippuden siguro ang isa sa definition ng year na ito. Ang daming malalim na aral na natutunan ko sa isang simpleng palabas na aakalain mong pambata lamang, pero hindi pala. Kasi yung mga sinasabi ng show mas nakakarelate sa mga matatanda na.

Yung pagka feature ni Charice sa Glee as a foreign exchange student, grabe rin yun. Si Manny Pacquiao winning against Margarito. Si Bruno Mars conquering the universe with his music, grabe! Lahat yang mga yan, Filipinos. Siguro yung pagsikat ni Bruno Mars ang amazing sa lahat at ang hira i-figure out na Filipino siya. The best. Alam ko baka mag number one sa year end ang kanta nila ni B.O.B. na "Nothing On You" at ang iba pa niyang kanta sigurado sisikat din. Madami nangyari sa buong taon ito lalo na sa music scene. Ang PPO under Mr. Ochanine mas naging vibrant at ang Pinoy music mas maraming nagiging diversities. Ang kanta nila Rihanna at Slim Shady na "Love The Way You Lie" ay isa rin sa pinakasumikat pati na ang mga kanta ni Katy Perry. And how can I ever forget na noong July 02, after ng mahabang paghahanap at pagpapaikotikot sa Manila, to the point na halos makarating na ako ng Rizal, nabili ko na rin ang baton na pinakamimithi ko at binigyan ko ng pangalan as Lorraine. Ang sarap naman pala talaga na mayroon kang sariling baton. Mas natutunan mo kung paano magbalanse ng conducting choreography. Mas nae-express mo ng todo ang sentiments mo sa music na tinutugtog mo with an ensemble acting as your instrument.

Sa isang taon sigurado highlights na aabangan ang Pirates of the Caribbean with Penelope Cruz at last installment ng JK ROwling series na Harry Potter. Ngayon pinakagusto ko ang Hereafter ni Clint Eastwood. Mas lucky siguro for me kasi yea rof teh Rabbit ako.

Happpy New Year!!!!

Wednesday, December 29, 2010

Just Smile When Heavy Rains Fall

"I learned that neighbors are special as in between friends and relatives. They are there for good and bad times. People you can depend on and once-in-a-while you too will be responsible for them."


Hmmm.... disapointed? A little bit. Umasa kasi ako na on a 28 just like before will be a special day. 2005 nang umpisahan ang tradition ng maginuman sa petsang yun. Kami kami lang noon nila Regine, Rene at Isaac with Novellino as appetizer tanda ko pa. 2006, nagkaroon ng kumpletong mga members at sa bahay din ginawa. Naroon sila Edison [siya ang unang dumating at naghintay ng matagal], si Daryl, si Regine, si Jopeth, si Vicoy at Rufino. Noong 2007, sa bahay pa rin with tokwa't baboy as main pulutan. 2008 medyo mahaba kasi pagkatapos namin sa bahay sumunod kami sa Liliw kasi nagpa-party rin noon ang DM.

Birthday ni EJ ngayon. We were expecting for a children's party. Grabe ang ulan. Parang may mga crying ladies na sabay-sabay umiyak sa ibabaw ng ulap at kulang na lang kulog at kidlat July na ulit at hindi December. Si Jeng ang nagluto ng tanghalian ko kasi sa kabilang bahay lang sila natuolog kagabi. Dito ko na rin sila pinakain since very lonely naman ang Weednesday alone at naulan pa. Walang tatalo sa kuwentuhan naming tatlo nila Tare pagkatapos magluto ni Jeng, habang nanunuod ng TV ang mga bata. Somehow their presence lighten up my day. A rainy day is frequently mistaken as gloomy and dull. Hindi mo malaman ang gagawin lalo na kung hapon di ba?

Medyo sad nga dahil kung hindi naulan, baka masmasaya ang birthday party sa kabilang bahay. At gaya ng inaasahang kaugalian ng mga Pilipino, ang pagrarasyon ng handa sa kapitbahay ay di mawawala. I love eating spaghetti. Lahat ng taong mahal o kilalang kilala ako, alam na paborito ko ang pasta kahit anong luto. So nung binigyan ako ng spag at sopas, enjoy na enjoy ako at parang prelude na sa New Year. Kung hindi lang naulan, naroon sana ako sa kabila all throughout. Somehow, I thought of how a relationship which involves two neighbors is specialized. Hindi mo masabi kung parang magkapatid o kaibigan. Iniisip ko ba ito dahil magisa ako? I learned that neighbors are special as in between friends and relatives. They are there for good and bad times. People you can depend on and once-in-a-while you too will be responsible for them.

Kailangan nga bang minsan lawakan ko rin ang circle ng mga pinagmamalasakitan ko? Am I too centered to those special to me who have more than what I have? Am I too centered to persons who will only come in the future? Eh paano yan wala pa sila? Noong 2005 at 2006 umiikot lang ang buhay ko kay Faye at sa barkada ko noong highschool. Noong mahanap ko ang career ko, puro creativity at arts naman ang nasa isip ko at lately puro mga pangarap para sa future wife at children ang laman ng puso ko. Somehow, I was was losing sight of the people around. Minsan dahil sa pilit kong paglayo sa alaala ni Faye nalilimutan ko na kung sino ako para sa mga nagmamahal sa akin. Ayokong mawala. Gusto ko lang mabuo. Kahit mahirap ang mabuo na wala si Faye; wala ang CCP; wala sila Dan at Dianne; wala si JS at nasa America si Myqeen; wala si Pareng Kevin at si Bryan; wala ang pamangkin kong si Shaira; wala sila Kuya Anthony at sir Toby. Poignant as it seems, kailangan hindi ako mawala at umunlad pa nga holistically.

Sulit kaya ang buong magdamag ng December 28? Kaya ba nung pagtakpan ang mga dilim sa nagdaan at sa darating pang pangungulila? Sa 2011 kaya, masaya na lahat? Kasi pakiramdam ko kailangan kong habulin ang naunang Paul na ibinato ng isipan ko sa itaas habang nangangarap pero hindi ako makaakyat. Ayaw kong maiwan ng pangarap ko. Ayaw ko ring mawala. Gusto kong maniwala na ako pa rin ang Paul na hinangaan dahil sa perseverance, politeness, talents, at intelligence. pero ang totoo...everything, as in lahat, ay hindi enough. Sabi ni Aljur, "madali lang umaray pero hindi rin ako aayaw" matapos tanggalin ang cast sa katawan niya. Alam ko hindi rin ako aaywa. Hindi pa sapat ang lahat eh. May mga dapat pa akong patunayan. Gusto kong ako mismo ang makakita sa resulta ng pagbabago ko, hindi lang sa ka-ta-wan kung hindi higit sa lahat sa ka-ta-u-han. Hindi ko kailngang magpakitang gilas kaninuman, kahit kay Gen o kay Gerine. Sa totoo nga I like to work underground now. Lulutang at lulutang din naman pag may magandang nangyayari kaya't hindi dapat ipagpilitan. I cannot just waste lahat nmg pagpapatawad na ipinagkatiwala nila sa akin. Hindi ko masasayang ang sacrifices ng mga taong binanggit ko kanina. I cannot live in integrity before my children if I can't live a life credible before my neighbors who in the future will tell them about me.

One day I will, with all radiance, embrace not only a life of success but peaceful life indeed. It is the culture of optimism. A culture of hope.

Tuesday, December 28, 2010

December Highlights Constructing More Memories

"This Yuletide Season can never be complete without families, friends, foods, facebook and files. Can never find such happiness outside their realms"


Nagsimula sa isang simpleng chat sa facebook. Actually, nagsimula lahat sa pagka-miss, sa pangungulila sa isa't isa at nakaraang masasaya. Excellent times need excellent festivities. Biyernes, December 24, ng gabi nagka-chat kami nila pareng Sheshu at pareng Ayan. Pauwi na kasi si Ayan sa Liliw [as he announced via fb shoutout] kaya naisip namin ni Jejomar na ayain siya para sa quasi homecoming na all male lang sana pero kung magkataong andyan din ang DM eh di sige sama na rin ang girls [sinong may ayaw?].

Anyway pumayag naman sila. Try sana naming ma-contact sila Inno, PJ, at Noel pero mahirap. Si JM naman hindi na uminom. Kung nasa akin ang number ni Cyrus iti-text ko sana siya. Mahabang preparations lahat. Kahit walang kasiguruhan na ok ang kalalabasn. How, when seven years had passed and we can only hope that nothing changed?

Dumaan ang Deccember 25 and the day was very ordinary. I fixed no schedule for that day although I really wanted to make moments and post the photos on my micro-blogging wall. December 26, an ordinary Sunday pero puyat pa rin dahil inabangan ko ang awarding ng MMFF right after the special coverage of Regine and Ogie Alcasid's wedlock. Somehow, the awarding was disappointing, knowing that some of the entries deserved to win at least the awards na pinakyaw ng iisang pelikula. Alam naman ng lahat na bet ko ang "Rosario" but I guess hindi pa handa ang Filipino for that kind of movie. A story of a complicated woman made even more complicated by the cinematography and by Albert Chang. Si Gwen Zamora, sa production number, ewan ko... sobrang ganda niya noong gabing yun para sa akin.

Then come Monday. The most awaited. Kahapon, December 27, magka-text na kami ni Pareng Ric at gayak na for 7pm. Kahit alam naming wala masyadong darating. Ang gusto lang naman namin eh magkita kita kami. Buti nga at nariyan pa si Vhinky at hindi pa naluwas. Noong gabi nauna sila nagkitakita. Earlier than 7pm nung malaman ko na nasa Liliw na si Ric kasama si Bryan at Vhinks pero wala ang anino ni Jejomar. Alam ko iyon na ang muling pagkakataon para magkakita kami ni Dacles. Alam ko na noon rin makikita namin si Sheshu.

I arrived exactly 7pm sa Gracianos ng Liliw. Tatlo lang sila naghihintay. Wala ang barkada ng DM. Mhabang kamustahan sa aming dalawa ni Pareng Ayan. Pinakita niya ang bagong Canon DSLR niya. Isa sa mga pangarap kong maging regalo sa akin ngayong season, although Olympus ang trip ko. Ilang beses naming tinawagan si Dacles pero hindi pumunta, maliligo pa raw. Nahirapan din kami dahil wala kaming number ni Jejomar at hindi namin alam ang bahay niya. Nilisan namin ang Gracianos at pinuntahan si Dax. Naglakad lakad hanggang sa matagpuan namin si Sheshu. Buti na lang nakita namin kahit hindi alam ang bahay.

Next naming pinuntahan si Patrick para dun sana maginuman pero walang space kaya tinuro kami pabalik sa may Gracianos. Tawang tawa kami sa lugar na nadatnan mukhang Beerhouse talaga dahil sa mga lights. Hay.. pero no choice na kami at yun na lang ang oras para humanap. Kaya nag settle kami at umorder na ng isang case mucho. Ang saya ng gabi, buti sinamahn kami ni Patrick kahit papaano kahit noon lang siya nasabihan. Masaya akong nakasam ulit si Bryan at Sheshu. Masaya akong naroon si Vhinky para kay Ric kahit magisa siyang babae. Masaya akong naroon si Dacles at Ric.

Noong matapos kila Bryan na kami natulog. Tulugan nga agad eh. Dahil ba sa pagod o dahil gusto bumawi kinabukasan? Hala heto na nga ang pakiramdam na gusto mong isumpa ang beer. Sa umaga pagbangon ko alam ko na. Naglalaban ang ulo at sikmura ko. Parang sumakay ako sa bus na itinaob ng paulitulit. Kumain kami sa kanto, ng lugaw, libre ni Ayan. Ang saya ng kuwentuhan puro mga memories noong highschool. Sana nga highschool na lang kami ulit para hindi na maghiwahiwalay. Ngayon ko lang nabatid na ganoon ka indelible ng mga highschool expereinces. Lahat ng natatandaan ko, hindi pa rin nila limot. Ang galing! Sana mas napagigi ko pa kung alam ko na ganoon. Sana lahat ng magagandang alaala na kaya kong likhain noon ay ginawa ko para ngayon. Mas marami pang kabayanihan ang napagkukuwentuhan. In the same place, the same eatery, kung saan naganap ang tinukoy ko sa "ANG CHICKEN MAMI". Pangalawang hindi malilimutang experience doon mismo sa lugar kung saan nabuo ang DM noon.

Well, tulad ng lahat... naghihiwahiwalay rin ang magkakaibigan but only to look forward to another gathering, at hindi sa kung anupaman. Umuwi kami ni Ric at naiwang naglalakad pailaya sila Ron at Ayan. Ako masaya kahit gusto kong ihampas sa pader ang ulo ko sa bigat. Doon ba napunta ang beer kapag nainom na? Si Ric, naiwan sa jeep pagbaba ko habang ako preparing for December 28 kung may mangyayari nga. Pero hindi man matuloy ang nakaset for 28, ok na ako. Basta ang mahalaga may naglagay ng bagong flavor sa mga mithiing kong bumangon at umunlad. May mga handang sumabay as I travail the steps to greatness and all supports were given for that grand endeavor. Ayaw tumigil ng mga taong ito for believing in me. Why should I? Minsan tinanong ako kung gaano kahalaga ang mga highschool friends ko. They are on top as long as my wife and children are not yet. If there comes a time, I need to give up every single drop of my blood for these men and women of my teenage life, I will so long as it will not affect the future of my children.

Sasalubungin namin ang New Year, lalo na ako, with a new zest. Until that time, I will keep remembering how good each second with them was.

Sunday, December 26, 2010

All Parents Love Their Children

For the last Sunday of the year, 2010, we are celebrating the Feast of the Holy Family. Right after the celebration of Christmas day. Mary and Joseph are no longer couples, with Jesus, they are now a family.

A family, according to our study of sociology is the nucleus of every civil community. It is the immediate institution a person has to belong because of blood connection. A family which is composed of parents and children is the most common to all cultures although we can find tribes that are living with extended families. In some parts of Papua New Guinea, there are tribe where children does not recognize who their fathers are from their uncles and grandfathers, nor their mothers from aunts and older cousins.

Even in the most normal cases, we can find that family remains a mystery. The bond that is so universal urges me to think that there is someone Great enough to infuse the kind of filial relationship to each human beings. I love to think, from the vantage point of Christianity, that it is God. God from the beginning is in a family. The Trinity. He [God the Father] has a Son. That Son He gave away so we might be saved. The day, the world celebrates the coming of a new family member is the same day God mourned for letting His Son be in the care of another persons.

The family is always and forever a reflection of the Trinity. In our bird's eye view, the Trinity is an epitome of an eternal august family. The Holy Mother Church, being the index of God's operation and the mirror of the Trinity must always and forever likewise be a family.

What can we learn? From the first reading we read about the relationship of the Trinity being transported to the human families. Sons should respect their fathers and mothers just as Jesus always respects the decisions of the Father. Saint Joseph being an obedient son to God followed what the angel said to him in a dream.

Now we face a much larger family. The Church. Not only will we think of our immediate family but also of others. We are called to share our family to everybody and called also to join the family which resides in heaven.

Monday, December 20, 2010

Remember Summer Games Never Winter Slumber

I woke up while it was still dark. Darkness all there was. The cool temperature of the morning imagining the dews in green grasses outside.

Laging ganito. Hahatakin mo ang kumot at hihiling ka na sana huwag magmadali ang haring araw sa pagsalakay sa sansinukob.

Dalawang bagay. Masarap matulog. Gayunpaman, higit na masarap ang gumising. Gusto ko pa sanang patagalin ang paginat subalit kailangan kong patunayan sa sarili na may activation of life. Bumangon ako. Higit pa sa pasasalamat ko na nakatulog ako ay ang pasasalamat ko na nagising ako at nakabangon, akhit alam ko na ang sarap humiga. Sino naman ang hindi hihiling ng overtime sa kama kung December 20 na?

May mga taong hindi na mararanasan pa ang bumangon. Mga nahimlay na hindi na madadanas pa ang paggising. Oo, iniisip ko pa rin siya. Bakit ba patay na siya. December 19 noon, magkikita kami sa FEU as promised. Handa akong ilibre ang group nila. Isa sana yun sa pinakamasarap na hang out namin. Pero habang papunta ako dun walang sumasagot sa text. Noong makarating ako ng FEU saka pa alng may nagtext sa akin. Kapatid daw siya ni Chesk. Namatay na daw si Chesk kahapon pa. Hindi ako makapaniwala siyempre. Bakit sa gannon nahantong? Kung kelan nasa kasiglahan at vibrance siya ng buhay niya. Imposible! Ang energetic at walang sawang magkuwentong si Chesk Silvestre, patay na!

Wala pa sigurong makakaunawa ng nadarama namin. Sa nadarama ko. Bakit naman kung kelan may candidate na para pumalit kay Faye saka pa nagkaroon ng bawian. Parang kahapon lang din. Nakita ko ulit yung babae sa jeep noong October 14. Ang tagal kong hinintay malaman kung sino siya pero nakita ko kahapon may nobyo na pala. Hindi man lang ako nanghinayang. Siguro dahil inasahan ko na na meron nga. Ang hirap mag umpisa ulit. Ang hirap i-unlearn ng mga nakasanayan na. Pero talagang ganoon.

Ang activation of life, hindi natatapos sa nakabangon ka na sa umaga. Kung patuloy ka rin namang nakahinto sa panahon na iniisip mo lang... hindi rin gumagalaw ang buhay mo. Andoon ka pa rin. Nakatigil. Dapat may exercise at dapat may gumagalaw na mga bagay hindi lang ikaw. Hindi lang ang isip mo.

Pinakamagandang halimbawa na yata ang activity ng Pinoy Azkals. Gumawa sila ng indelible mark sa mundo dahil sa ginawa nila sa competition labang sa Indonesia. Kahit ang Indonesia nahirapan sa kanila. Very proud ang mga Pinoy. Dito nagkakasundo ang mga English at Pinoy. Sila Phil Younghusband, mga Pinoy-British descent yan. Pati yung coach ng Azkals British din.

Ang saya. Sports! Oo... activation of life. Isa sa pinaka worthwhile na activity sa buhay ng tao. Camaraderie, Obedience, at physiology. Lahat ng mga ito ay ilan lamang sa mga disiplinang nahuhubog ng sports. Ang isang pagal na isipan at lugaming kaluluwa kinakailangan din minsan ng dibersiyon kung kaya't isang magandang pagpapalipas ng oras ang sports. Hindi lamang ito palipas ng oras kundi isnag paghahandang pampalakasan. Sa bawat pagsubok ng buhay, kailangan ng tao ng agility, perseverance, endurance, speed. Lahat ito kayang i-provide ng sports bilang preparatory sa mga trabaho natin.

Ang isang buhay na hindi siguro nakulayan ng sports ay malamyang buhay. At nakakatuwa sapgkat kaya nang tanggapin ng bukas na isipan ng Pilipino ang sports na soccer, gaya ng pagtangkilik nila sa basketball. Ang sarap ng pakiramdam sa isang magulang na may anak na nag-e-excel sa sports. Alam ko hindi naman inasahan nila Nanay Medi at Ta Vic na magkaroon ng isang anak na into sports lalo na nga at babae pa ito--si Aira. Pero todo ang suporta nila. Kung ako gugustuhin ko rin na magkaroon ng anak na athlete. Lalo na kung isa kila Leuthor o Lance yun. All the way ang suporta na ibibigay ko sa kanila. Kung maaari ay sa Sepak o Soccer. I will eevn encourage them to have lessons in Aikido. Lalo na kung makakapaglayo ang mag ito sa bisyo at masasamang gawi. And among all that, encourage them even to join a fraternity. Yung frat na kilala ko ang vision-mission at ang mga founding members. Siguro dahil frustration ko ang frat joining pero hindi lang yun. Thta is to ensure tehir respectability and status in society lalo na pag college. Kailangan nila ng isang confederation that will protect tehir interest and support their objectives. Iba na rin ang may kinabibilangan... law of greagariousness. Bukod sa mga sarili nilang clicques.

Sports is one outlet I will allow my child to be into. Is aito sa mga bagay na dapat magpabangon at gumising sa dugo ng bawat tao.

Sunday, December 19, 2010

Can Father's Day Come Twice?

Wow! The last Sunday of Advent. The spirit of Christmas cannot be hindered anymore. More than any other Sundays of Advent, now is the prelude to Christmas.

Today we hear of prophet Isiah prophesying about the child who is to come, telling this to Ahaz. A reminder that Christ coming is foretold as in then Advent prayers we say "you whom prophets and sages long foretold". Only Jesus is given that reality. To be born and yet while not yet born, He already is talk of the people. I never knew of Hallie Williams until the time I watched the Twilight Saga. Nobody told me she will rise to fame. Actually, nobody told her. Nobody told us about Manny Pacquiao when we were eight or ten. No one. He only came to my senses when he won his fights. Jesus is so different that while he is not yet born, he already is.

Saint Paul would remind us in the second reading that this Jesus is the fulfillment of Prophet Isiah's foretelling. He is the one who is to come and the one to resurrect. No one like Jesus resurrected from death. Other denominations have gods but they didn't rose from the dead. Lazarus was brought to life again and so is the daughter of Jairus but they were only resuscitated by Jesus. Jesus is the only one who resurrected from the dead.

Now in the Gospel we hear about the one who will take good care of the child prophesied by Isiah. He is Saint Joseph, the patron of the laborers, patron of happy death, patron of good fathers, and the protector of the Holy Mother Church. He is the template of Christian parenthood. He may not be the index of advent like Saint John the Baptist but he is definitely one of the persons who prepared the way of the Lord.

This slogan--prepare the way of the Lord--is the nexus theme of advent. It is a call to all Christian. A preparatory program for Christmas. And this, like St. John and Isiah, Saint Joseph did.

Christmas is really near. The question is, are we preparing the way of the Lord?
Are we ready to change our ways?
Are we reflecting internally on the coming of Jesus 2010 years ago and in our hearts? Or are we just hurrying and rushing to the malls and party centers more than we do in the chapels?

Jesus was born in the inn and simplicity is all he taught that night. Why so worried of how to make an extravagant occasion? Jesus is asking for our time this advent, we are not yet late if we will try.

Wednesday, December 15, 2010

Ten Days Before Unwrapping Gifts

Just for a thought, today is a culmination of this half-month of December. A chain of milestone made this December a very very good one.

Sunday, December 12, nagkaroon ako ng pagkakataon na mapasaya ang sarili ko in memory na rin noong nangyari seven years ago. Although a Sunday, naging sobrang special pa rin naman ng mga activities. What about that? The first time na nakita ko si Jennelyn Mercado.

Monday, December 13, truly a milestone. Dinala ni Isaac si Irish sa bahay. Sa wakas ipinakilala na rin niya ang babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon at sana siya na nga habambuhay. Mabait naman si irish at mukhang desente. Mukhang ring inosente at hindi gagawa ng masama dahil na rin sa unang boyfriend niya si Vicoy. Go Vicoy! Sana maging mas masaya pa sila at sana makasama namin si Irish sa pasko. Ako pa lang kasi ang nakakikita sa kanya. SI Je, Jophet, at iba pa hindi pa niya knami-meet.

Noon namang Martes, December 14. Kahapon lang. Lumaya na mula sa 15 taong pagkakabilanggo sila Hubert Webb at mga kasama sa Vizconde Massacre. Talagang breaking news yun kahapon. Ang daming matututunan ng sambayanang Pilipino mula sa karanasang iyon ng mga Webb pero hindi yun ang discussion ko nayon eh.

Kasi nga ang December 15 ang pinakasummit ng lahat ng ito ngayon. Tomorrow start na ng panibagong season. Madaling araw pa lang alam na natin na may bago nanamang panahon.

Birthday ngayon ng kapatid ko [kuno], si Rizzel. Minahal ako bilang isang tunay na kapatid kahit na si Razzel talaga ang kapatid niya by blood. Hay... ang ikli lang ng pinagsamahan namin pero parang sobrang mahalaga ang lahat ng yun.

Parang noong 2006 lang, bumili ako ng ice cream para regalo sa kanya kahit hindi na December 15. 16 yata yun, sa bahay nila Arianne. Andun ang section nila for a project.Hindi ko malimutan yun, not because of the ice cream pero because it is the birthday niya na kasama ko siya ulit after 2003. Yun din kasi ang huling birthday celebration niya na kasama ko siya. Ngayon puro bati na lang sa text at on line.

Also, kanina, naganap ang isang hindi inaasahang suwerte ng buhay ko. Na retrieve ko yung nawawalang file na ang tagal ko na talagang hinahanap. Sobrang importante kasi ng sanaysay na nilagay ko dun. Pero dahil masaya ako na ngayon pa of all the days ko nakita yun muli... i-share ko na rin siguro yung laman ng file. Isang memoir entry na very personal at para sa akin may sentimental underlying message. Ang "Chicken Mami". Hope magustuhan ng magbabasa.;

ANG CHICKEN MAMI

Ganito tayong mga kabataan tuwing umuulan. Babala; lantarang pinasisipsip ng mga talata ang kung ano mang naganap sa aking buhay apat na taon na ang nakararaan. Ang umaga ay walang kabatiran…ito’y tahimik at may halong pamimilit. Hinahanap ko nga noong umaga at miryenda ang dilag ng aking buhay. Palibhasa’y ang aral ay pinutol. Hindi naging gaya ng dati ang pag-agos ng Biyernes na yaon. Sapagkat may inihandang programa sa kinahapunan. Wari’y nakapagtataka ang alon ng mga segundo. Kinakabahan akong sa hapon ay di kami kasabay sa awasan ng mga bata. Ang lahat kasi ng magsisipagtapos ay may panayam sa bulwagan. Doon kami’y makikinig ng mga pananalita ng mga napabantog sa kanilang larangan, sa napiling karera. Minsa’y naroon ang kaba, subalit tama yata sa akin ang awit ni Frankie J—ang naglalaban sa aki’y ang puso ko’t kinabukasan. Kapag ito ay naging krisis, ito ang pinakamasaklap at kakilakilabot! Kapag ang dalawang dapat na magkasundo ay naghiwalay ng sanga ayon sa takda ng Likas, ito nga ay tinatawag sa malaon na krisis. Kapag ito ay naging krisis ito’y nanganganak ng kalamidad. Kapag ito’y kalamidad ay manganganak pa ng kudeta ng kalooban. Sa sandaling kapwa na sila kudeta sa kalooban tiyak nang mangangank ito ng dili iba’t delubyo.

Dito nga kami nahantong, ang hapon ay dumagim. Ang ulap ay nagpaninsala. Umuugong ang mga tubig sa himpapawirin at malakas ang paglalaro ng hangin. Dito na bumuhos ang makamandag na ulan. Kahalintulad ito ng mga luhang pumatak dahil natabig lang ang mata, samantalang ang may-ari ng mata ay lugami sa mga awit ng nakaraang Oktubre. Naghihintay ng umaga kung kailan mapagkakasundo niya ang mga napilas niyang algahumat. Mga umagang mapagsusunong niya ang kapwa di-magkaayos na pita—ang pag-ibig kay Lara Faye at ang pangarap sa buhay. Noong hapong iyon pinagnilayan ang kung anong gagawin sa buhay, ilalabas na sulit, pagmumulan ng pera, kabuluhan sa mundo bilang tao. Subalit paano kung ang kasikatan at karangalan ay kapalit ng pagsuko ng isang dakilang pagirog na noon lamang natagpuan sa hinaba ng kasaysayan? Isang pag-ibig na mananatiling wagas habang buhay ang mga maaaring maging saksi. Hindi nga ba’t ipinanganak ang tao hindi lamang sa hanap-buhay kundi lalo’t higit ay upang magmahal ng kapwa? Bawat lalaki ay ipinahintulot na magkabayag hindi lamang upang maganak kundi upang magpahayag ng isang natatanging pagsinta sa isang babaeng mayumi at dalisay. Danga’t ang mga bituin nga ay nilikha upang sa gabi ay magbigay tanglaw sa mga magkatipan na tanging yakap ang sandata at sila ang tanglaw? Taimtim kong nililimi ang mga dunong na maaaring mahango sa mga taludtod ng aking mga kaisipang mangha. Hindi nga ba’t naging napakatabang ng kahapon ko upang sa isang iglap pagdating ng tamang gulang ay matagpuan si Lara Faye na siya palang dahilan ng pagsilang ko’t pakikihalo sa sansinukob? Mali kayang isipin ko ang lahat ng ito? Mali kayang sa isang hapon ay sisihin ko ng pabugsobugsong ulan na siyang palatandaan ng mga tinamaan ng bagkat kong pasanin sa buhay. Malamang oo, malamang rin hindi. Sagot kaya ito ng isang matinong Lalaki na makailang beses nang nagtagumpay sa digmaan? Isang saglit pa matapos ang palatuntunan, sinikap ko pang halughugin ang paaaralan. Umaasang sa kahit mataong paligid at sulok ay naroon siya, ang aking minamahal. Napilitan na nga akong sumama sa mga kaibigan ko. Ewan ko ba, kapag nasa Liliw ako pakiramdam ko’y panatag ang kalooban ko. Hindi na ako naghihintay ng mga hagupit sa kinabukasan bagkus ay nakalingap ako sa gabing hindi dapat mapalampas pa, saglit pang mapapalapit sa lunan na kanyang tinutulugan, sa tunay niyang tahanan. Gaano ito katamis. Kahit alam kong umulan at hindi lingid sa aking matyag na noon ay may bagyong parating, sige pa rin. Nauuhaw yata ako sa maghapong di naming pagsasama at sa mga nalalabi pang bukas na baka isang paggising ay humantong na sa pagtatapos. Ako ay may pinaghalong pangamba at pag-asa. Ako ang nagmamahal na takot at sigla. Ako ang binatang mapaghintay at mapagdusa. Ako ang hamak na mangingibig at duwag. Ako ang pinagsanib na kahapon at bukas. Ako ang pinagtabing ako at anino ni Lara Faye. Ako ang di napapansing ningning. Ako ang wagas na wakas. Ako ang ilaw sa tanghaling tapat. Ako ang hindi maipaliwanag ni Lara Faye na katwiran. Ako ang landas ng kanyang pagurong. Ako ang hiwaga ng kanyang kalikasan. Ako ang kalinisan ng kanyang minamantiyahan. Ako ang kalahati ng kanyang dinurog. Ako ang di maabot na nariyan. Ang luha ng mga kasiyahan. Ako ang paghihintay na dumating. Ang mga awit ko ay naging batas ng katahimikan. Ako ang pinsala ng kadakilaan. Ako ang hindi ko maintindihang ako.

Lumingon ako sa gilid ko at natanaw ko ang rutang tinatahak ng sasakyang-makina. Ito ang daanang mula’t-mula pa ay paliagi naming binabagtas noong kabataan. Dito ako nagkaroon ng muwang. Dito nahubog ang wisyo kong ganap. Humahampas nga ang amihan. May mga samyo rin ng ampiyas, parang talsik ng laway ng mga sirena. Ayoko ng lubos na kalamigan kaya’t ibinaling ko ang ulo palihis ng bintana at namasdan ko muli ang mga mukha. Sila’y sila Relmark, Joanica, Jenna, Roy, Karlo at Rene. Ang sasakyan ay kinabibilangan tuloy ngayon ni Ako, Relmark, Joanica, Jenna, Roy, Karlo at Rene. Ang sulatin tuloy ngayon ay kinabibilangan tuloy ngayon ni Lara Faye, Ako, Relmark, Joanica, Jenna, Roy, Karlo at Rene. Ang nangungulila ay Ako. Nais makasama ng akong ito sila Relmark, Joanica, Jenna, Roy, Karlo at Rene. Habang ako’y nangungulila at nagmamahal kay LaraFaye. Ang mga taong binanggit ko maliban kay Ako, ay nagbuhat sa iisang silid aralan na ang pangalan ay MIDES. Tatlong taon matapos ang paglisan sa paaralan nila Relmark, Joanica, Jenna, Roy, Karlo at Rene; nakamit ni Lara Faye ang pinakamataas na titulo ng pagiging isang mahal sa akin ang pagiging kabilang sa MIDES. Ang lupon na pinapangarap kong maging isa. Ang silid aralan na nais kong upuan, tapakan, sulatan ng tula at makipagkaibigan.

Pagbaba namin sa sasakyan, tumungo kami sa bahay ni Rene upang kumuha ng payong. Walang kuryente, walang ningas, walang dalidab. Ang bugso ng ulan ay tuluyang naghasik ng kalungkutan. Ito ang isa sa pinakamalungkot na dapit-hapon ng mga Pilipino, ito ang isa sa mga kinatatakutang maganap ng mga paslit, ito ang kalunos-lunos na klima para sa mga taong-lansangan, ang kapit-dilim na’y wala pang kuryente. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman noon. Masaya ako dahil kasama ko ang mga kaibigan ko, kinakalimutan ng isip ko ang mahal ko subalit ayaw ng puso ko, natatakot ako dahil baka hindi ako makauwi. Oo lahat ito bumabagabag sa akin isang tanawin na makulimlim sa loob at labas ng aking puso. Maging sa alaala ko’y hindi ko mawari ang kulay ng mga dinadaanan kong paklagatan. Dito ko ihahalintulad ang pahina ng buhay ko noong hapong iyon. Hindi ko maaninag ang katotohanan ng lahat sapagkat natimpla ang di magkakaayong pakiramdam at kaisipan. Lahat kami nagtipon-tipon sa dulo ibaba ng kalye, sa panulukan. Doon nagpasya sila na kahit man lamang humigop kami ng mainit na sabaw, isang putahe na nagmula sa kabihasnang Tsino, ang Mami. Mayroon itong mainit na sabaw na kinatasan ng karne ng hayop at may noodlesong tirintas, mahaba ito at sinasangkapan ng harina at itlog. May ginayat na dahon ng sibuyas, kinalalahukan din ng karoteng hinimay at paminta, pagkatapos ay bubudburan ng kalamansi upang lalong maging malasa. Pumasok sa isip ko ang mga Mista ko. Sila kasi ang tuwina’y kasama ko sa hapon noong nakaraang taon, bago ko pa makilala si Lara Faye. Hindi ko pa alam na dapat pala’y sa Liliw ako nagmamasid kapag hapon. Inakala ko na Kalabaw ang karneng lahok sa sabaw. Ito kasi ang pinagsimulan ng aming pagkakaisa. Nang kami’y nagsama-sama sa mamihan, nabuo ang mga luha, nabuo ang mga pag-asa, nakilala namin ang isa’t-isa, doon namin natutunan ang mga sariwang halakhak, mga ngiting walang pagkukunwari at mga latay na handang hilumin. Ang mga hapong iyon pagkatapos ng pahirap ang naging premyo namin sa sarili at panatang inaabangan. Kami ang bumuo ng isang kawanian na sa tambayan nagiging taos. Sa paghigop nagiging lubos. Ito kami, at doon Ako nabibilang noon—noong wala pa si Lara Faye. Biglang ngayon, laking gulat ko nang ang ihain sa amin ay bihong-sinabawan at ang karne ay manok, ang mantikay malinaw at walang lapot na gaya ng sa kalabaw. Oo, nagbago na pala. Napagtanto ko ang katotohanan na ang Ako ay dito kabilang. Na ang Ako noon ay iba sa Ako noong makilala na si Lara Faye. Salamat sa manok, salamat sa pagalala.

Nakarating ako sa bahay na gabi na at pumapatak pa rin ang bagyo. Doon ako nagmuni sa lahat. Wala pa ring ilaw at puyog di lamang ang katawan pati na ang damdamin.



Ang May-akda


Paul Caparos




_____________________________

Again gustong gusto ko lang i-greet ang kaibigan ni Lara Faye na si Rizzel ng HAPPY BIRTHDAY. Rizzel, I miss you extremely.

Sunday, December 12, 2010

Joyful Sunday

Let us think about our soul for a while now. It is Sunday and the heck of this busy world often makes us forget that it is Advent Season more than it is a shopping season.

Last Sunday I gave an entry which is a reflection about the coming of Jesus in Christmas, in our hearts, and in the parousia. The Sunday before that, I reflected on the meaning of waiting. Now we are about to complete the dissected statement reflection on the meaning of advent which is ...Joyful Waiting and Preparation for the Coming of Christ. Only one more idea is left for us to ponder, that is Joyful.

In line with that thought is our celebration of Gaudete Sunday which literally means joyful Sunday. Gaudium, root word of gaudete, is a Latin word which means Joy. One of the most maximized documents of Vatican II is Gaudium et Spes which literally translated as "Joy and Hope" that blinks us to the light of our mission as Chirstians to be bearer of happiness, peace and hope to everybody [alegra, paz, ezperensa].

I am about to start now a deeper look into the meaning of joy. I will start it by stating what joy is not so as to avoid ambiguity and confusion in the word.

> first of all, joy is not amazement. Amazement is simply a form of wonder. Joy is a deeper appreciation of everything. For example, one may feel awe with nature because of seeing it first time but after seeing it again and again, the awe is diminished. Joy is different. It makes one appreciate what nature presents even amidst the storms and famine. Joy is coming from within.

> Joy is not pleasure. Pleasure is very dependent on stimuli. If the stimulus is removed, one cannot enjoy pleasure anymore. Joy is not only achieved through sensation but obtained in peacefulness, calmness, and discipline.

>Joy is not even hilarity. being hilarious is a sign of too much immaturity while joy is a happiness that comes from responsible and sensitive personality. It is a manifestation of satisfaction brought by unending fulfillment while hilarity is often a mark of finding what is humorous even in the fault of one or even at the expense of another's shame.

In all those three concepts viz-a-viz joy, we find one lcd [least common denominator]. All of them are temporary. Joy is a an eternal satisfaction of the soul not brought by sensation or emotional feelings but by something more than that. I can say even that it is holistic.

In today's Gospel Reading, Jesus is giving us [through John the Baptist] reasons to rejoice. The joy similar to a blind man who regain sight. The joy in knowing that the lame are now walking, dumb are now speaking, poor are now hearing the good news. Of course, they are not only physical attributes. They are symbolic of Jesus' mission, something higher than that physical liberation. That can also mean to say that the confused are enlightened, the oppressed are emancipated, the weak and victims of injustices and sicknesses found solace in the Lord. They are all reasons to rejoice, to be in Joy.

Jesus is telling the disciples of John that it more than physical liberation from ailment bondage that He is here. Look, the sinners are finding joy in him also. They are turning from their evil ways and reconciling with the Lord is the first thing they want to do. That is the joy of advent. That is the celebration we want to remember today, Gaudete Sunday. That while waiting we can find joy.

Seven years ago, I found myself in the park waiting for my friends from another section to arrive. They were coming from Tagaytay City and just had their 3 day pre graduation retreat. I almost gave up in waiting. I was alone in there while some students are passing by seeing me without company. I am just telling myself that soon they are coming. And so they came. You could just imagine the joy in my heart seeing them again after three days of absence in my life.

We went to the house of one of my friends, Jenna. There they told me stories of how the activities went on. If not for my waiting alone, I couldn't have catch them as they come. That was one of the most beautiful I day I remember up to now.

So is every Christian allowed to experience such joy. I hope not exclusively today but all through the years.

Saturday, December 11, 2010

Remember Shoutouts Then Forget About Vampires

"Shoutout is that day to day update post of what is happening in you, your sentiments, your being you. "

Ang shoutout ang isa sa pinaka pinapasikat nilang teen oriented show. Although in just about 30 minutes, pinakakasya nila lahat ng kuwelang pakulo that may have soem bearing to adolescent viewers.

Hmmm... mukhang napepeke yata tayo minsan ng ABS. pino-front nila ang mga directors and after makuha ang trust ng audiences directors are leaving their projects behind. Napansin ko yun dati sa precious hearts, may isang flick na si Cathy Garcia-Molina ang director then noong lumaon si FM Reyes na ang director at walang kamalay malay ang mga tao. Ang "Kristine" na dati ay kay Rory B. Quintos ngayon ay napunta na sa kamay ng dalawang hindi ko kilalang male directors.

Pinakamatindi sa lahat ang pagkawala ni direk Chito Roño sa "Imortal" n aiilan pa lang ang nakakapansin. Inilipat na niya ang directorship kay Richard V. Somes na isa sa tatlong nagdidirek nito ngayon together with Jerry Sineneng and Trina Dayrit.

Ang Imortal of all the TV Series in the Philippines is the first to have a very interactive site and the first to launch a never-before-seen video clips na para bagang mga backgrounder na nakikita lamang natin sa Naruto whenever ikukuwento ang mga kabataan at nakaraan ng mga characters. Tunay na maganda. Tunay na kahangahanga at deserving talaga para pagbidahan ni Angel Locsin. The effects and the paragon of the video games with the contest for the best Imortal paper design. ANg galing. Ang Anino at Panaginip ay parang mga pinagtagpi tagping short films na gustong gusto mong abangan tuwing biyernes at kahapon nga lamang ay napanuod ko ang isa sa tatlong nailabas nang series. Ang istorya ng isnag vampira na nagtitinda ng appliances at ginagamit ang pangaakit ng vampira para makkuha ng mataas na sales na dahilan rin ng pagiging employee of the month niya. May sex scene ito kaya dapat ding gabayan ang mga batang manunuod. Anyway mahihirapan naman silang makapag sign up kasi mabusisi ang paggawa ng account sa site ng Imortal.

How about one more shout out?

Sunday, December 5, 2010

Reflections About Christ's Coming

Last Sunday, first week of Advent, I rendered a reflection entry about Waiting. I spiritualized it a bit. Now on a second Sunday of Advent, I want to deal with Coming. Anyway the word advent came from Adventus which literally means to come. Jesus is coming. That is the message of Advent. We have to prepare because of His coming. There are three Comings of Christ that I like to talk about because they are the theme of Advent.

1. The First Coming of Jesus as Messiah 2010 years ago. His incarnation being born of the Virgin Mary is not only commemorated but being made present by Advent. The Holy Mass is not only a remembrance but a way of making alive the Sacrifice of Jesus. So the Advent is making present again the story of Incarnation although in a very spiritual way now.

2. The Coming of Jesus into Our Hearts. The second coming of Jesus happens to each Christian personally. It can be while you are 12 or 34 or any age you are ready to accept Jesus as saviour and lord. The conversion of every Christian signifies the act of welcoming Jesus into their very lives. As of this moment you should have welcomed Him already otherwise the experience of Jesus' coming to your heart may be too late.

3. The Second Coming which Marks the End of the History. Christ will come again in glory. This we proclaim. And advent is an avenue which prepares us for that coming. We must be ready not only for Christmas or for a new way of life after receiving Jesus in our hearts. So much so, we must be ready to meet Him in the last day which we call the Parousia.

The Church, through the celebration of Advent reminds us that there are three comings of Christ we need to prepare for. Are we ready to meet Jesus for eternity?
Let us reflect on this thought as we face advent.

Friday, December 3, 2010

Clarifying Some Mundane Issues

"To protect life and not to prevent life. That is the only intention which makes it good"

The topic about the usage of condom is becoming hotter nowadays. It is in the middle of the legislative debate about the RH Bill that the Filipinos received the Vatican news about the Pope's allowance of the use of condom. Does the pope really allows the use of condom as contraceptive?

The definite answer is NO. The pope only issued a special consideration. By special consideration we mean any permission given by the Holy Mother Church for very particular and consequential act that is allowable in nature. The intention of the agent should be to prevent a disease.

The pope posits that only those infected by HIV and AIDS sicknesses can use condom. Condom being an indifferent material cause. An indifferent material cause is any material which is neither good nor evil in nature. The efficient cause, who is the agent, will determine if the material cause is used as such [whether good or evil].

So it all depends on the intention of the agent. If the intention is to protect the partner from the transmission of any sexual illness, then the usage of condom is good. Because in this case the intention is to protect life. And the Church is always in protection everyone's life. If on the other hand, the intention is to use condom as a contraceptive so as not to bear a child then it is bad. The act itself will prevent life. Only those who have HIV and AIDS can use condom to protect their spouses from the transmission. Anyone who uses it otherwise may be liable to natural illegality.

So it is said that for a very particular case, the Church allows the use of condom, an indifferent material cause, for the good of human life and not for the prevention of it. Now, it cannot be a strengthener to justify the RH Bill which is basically a proposed law leaning to the prevention of life. RH Bill is not about HIV positive people it is about potential parents denying themselves of the responsibility of parenthood. It is about robbing the future generation of their rights to enjoy life. It is about using condom, an indifferent material cause, in a manner which is against the law of nature. Any artificial means of birth control is naturally illegal. The very law of nature does not permit such. Actually, law of nature does not permit even the Coitus Interruptus which is a natural method. For reasons that it can also be abused. Coitus Interruptus may also fall into the category of masturbation because it does not complete the natural act of marriage. There are also medical reasons why it is not allowed. First of which is the pre-ejaculation case which happens most of the time even before the withdrawal of the genitalia happens.

Our Holy Mother Church is not issuing any revisions of Her doctrine. The Church is still believing in the sanctity of marriage and in the responsibility of couples to generate life as a ministry taken from the creation of God. Thus, the use of condom as a means to prevent life is still wrong. Only when there is the intention to protect the partner from any transferable disease can we allow such act.