Friday, October 14, 2011

with eyebrows and heart beatings

After a beautiful day yesterday siyempre kasi birthday ni Sir Arwin, I have to enjoy naman a sunny weather brought by October 14. This date is way too special. Kaya nga sinikap ko na proper ang rituals after waking up from bed. Medyo masakit lang sa balikat at sa mga joints kasi nga minsan na lang mangyari ang ganitong workout since hindi naman nagbabago ang physique features ko... ayun payat pa rin, still nothing is wrong with maintaining a body exercise aspart of daily regimen. Kaya lang heto ngayonlang ulit naulit yung talagang complete military exercise with shibashi at vocalization. Nice to do it every morning, pakiramdam ko lahat ng mangyayari sa buong araw tama kapag ganitoang ginawa ko. Siyempre after that,isang masarap na breakfast.

Rivers do not drink the water they carry.

Trees do not eat the fruit they bear.

Clouds do not bath in the rain they reproduce.



Meaning.. WE are meant to GIVE even if we get NOTHING from it.

Measuring life by what others do may disappoint us,

but measuring life by what we do will make life meaningful."

== Ynelle Laureta

Ang ganda no, yan naman ang susunod na mantra na dapat bigkasin after the breakfast hahaha!

Its been one year mula noong bumisita kami ni Genesis sa SM San Pablo. That's my first time to be there at kakaunti palang ang stores noon. Ngayon may movie house na. Ang laki ng improvement mataposang isang taon. I wonder, sa isang taon na lumilipas ang dami mga nagbabago sa isang lugar, henerasyon, tao, at bagay-bagay. We just have to be better.

I am proud of my heart.

It's been played, stabbed, cheated, burned and broken,

but somehow still WORKS. :')



If you'll read all my posts written on my Wall,

you will somehow know how i felt,

how i feel, and how i am feeling now.



And if you'll read all my Notes too,

then you will get to know me BETTER.

We wanna go on ang pursue our lifetime dreams. Ako ganun ako, as I wake up. Yung inspirasyon kasi para magpatuloy, maaalala ko siya tuwing sasapit ang araw na ito. Maaaring maraming nagbabago sa isang taon but somethings never change even if lumipas pa ang pitong taon.

Gaya na nga lang siguro ng pagalala ko sa isang importanteng bagay na naganap noong October 14 2004. Sem break noon, masaya ako kasi hinintay ko yung araw na maibibigay ko yung mga letters na sinulat ko sa mga kaibigan kong 4th year highschool noon. Alam ko dismiss na sila by 4pm kaya pumunta ako noon sa school. Miss na miss ko na noon ang Saint Mary's feeling ko 20 years na akong graduate kahit na seven months pa lang. Siyempre hindi ko lang basta ibibigay yung mga letter. May isang importanteng bagay pa. Oo, gusto kong makita noon si Lara Faye. Ang tanging bagay na puwedeng magpasaya sa akin that time. Siguro hanggang ngayon naman. But I wanna be safe. Ayokong isipin na hanggang ngayon sa kanya pa rin umiikot ang daigdig. I'll do her a favor pag iwinaksi ko na ang thought na yun. Let her be free and let me be free.

Hindi lang talaga maiwasang maalala ko yun ngayon. Iba kasi yung saya. Sa case ko ibang-iba. Siguro kung nagaaral ako noon sa isang ordinaryong pamantasan mabilis ko siyang malilimot in a span of year pero hindi ganun ang nangyari. I was trapped.

At noon ngang naibigay ko na ang mga letters, nakita ko siya kasama ng mga classmates niya sa OLMM. They were rehearsing para sa presentation nila sa Ana Kalang festival which will be on the night of October 21 2004. Pinanood ko yun. Pero noong nakita ko siya, ang laki agad ng pagbabago niya. Una parang umitim siya, tumangkad at humaba yung buhok. Seven months,.yes seven months kong hindi nakita yung unang babae na minahal ko.

Tapos na yun. Wala rin namang nangyari noong araw na yun. Hindi naman kami nag date. Hindi kami nagusap at makalipas ang seven years, unfortunately, hindi rin naging kami. Sabi ng isang wise man na iginagalang ko; kung mahal mo raw ang isang babae pursue her. Ginawa ko yun. Hindi ko siya sinukuan. Pero hanggang doon lang ang kaya ko eh. Hindi ko na kayang maging si Superman. And she finally said yes to another man. Ayoko nang maging complicated ang lahat.

Well kaninang umaga pinuntahan ako ng kapitbahay ko to inform me na may libreng SSS registration sa may palengke. I guess here's one interesting story again. This time it's a different kind.

My SSS Friday and The Girl Whose Name I Do Not Know

Ok sinabi ko na hindi ako makakapunta agad noong umaga kaya sabi ko sa hapon na lang after lunch. Tinotoo ko naman. Kahit tinatamad akong kumuha ng SSS number ngayon kasi Friday at sa hapon ko pa balak maligo, inisip ko na lang na mahalaga yun for the future if I am really thinking of Leuthor, Le' Riz, and Lance. Isa pa, wala kahit kailang masama sa libre. Libre nga eh. Kung kukuha ako nito sa ibang araw kung kelan kailangan, rush! Mahal! Malayo! Sa San Pablo pa eh mamamasahe ako noon at I might have other important things to do by that time. Eh ngayon wala!

Kaya naman sumama na ako noong hapon. Siksikan rin, ang daming nagtatanong. may kumukuha ng form para makapagregister. Hindi ko alam may para sa personal registration at meron ding para employed membership. Ang dami ko pa talagang hindi alam. Hindi pa talaga ako puwedeng maging Daddy. Habang kagulo sa pila at nagpi fill up kami ng mga forms naisip ko lang na sana I have all the insurances I need. If I have a family and a chance to have it all just to secure the future of my kids lalo na education nila pati na sa retirement ko at maging sa kamatayan gagawin ko para sa kanila.

Maya-maya pa guess what kung sino ulit yung nakita ko. Last year, I mentioned about her

"Ang saya ng Thursday na iyon kasi sa pagsakay pa lang jeepney ok na. Sakto yung jeep papunta ng SM San Pablo. Sa jeep na iyon nakasakay ko yung isang dalaga na taga-Bambang. Shit! As in parang premonition siya na on that same day pinapalipat na yung feelings ko sa ibang babae. Pero sana magkita pa kami ulit para maconfirm ko kung siya na nga yung puwede kong ipalit kay Faye. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya."

I never thought na makikita ko pa ulit yung girl. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang name niya. Actually, nakita ko na siay ulit prior to today. Pero nalimutan ko yung prayer ko na sana makita ko siya para ma confirm ko kung siya na nga yung puwede kong ipalit. At nangyari yun ulit kanina. Nakita ko ang isang babae na nakita ko rin sa ganitong araw last year. Wala namang imposible doon. Taga dito siya at taga rito rin ako pero isn't that serendipitous? I don't know, hindi ko na alam. Bahala na! Hanggang ngayon hindi pa rin kami magkakilala. Ayoko namang umasa ulit sa wala. Sana I can find a way to know her at makausap siya.

As of now I will remain positive. Alam ko there is a right time and a right person. Importante I have my SSS number now. Finally another augmentation to my existence. Next paper please! =)

No comments:

Post a Comment