Monday, May 16, 2011

shattered cup of coffee

Ngayon ang pinakamainit na buwan ng taon, May. Kasbay ng mga santa cruzan at pagtubo ng napakaraming mga bulaklak ang di magkamayaw na pagsisiksikan ng mga tao sa resorts at sa malls para maibsan ang init na nararamdaman sa loob ng karaniwang walang airconditioner na bahay.

Ito ang life... ika nga.

Lubos-luobs na ang paglalakwatya ng mga magaaral. Eh kasi naman, bilang na nila sa kalendaryo kung gaano na kalapit ang pasukan. Sinong hindi manginginig? Sinong hindi magmamadali? Kahit naman ako, lulubusin ko na ang masayang summer vacation na ito kung nagaaral pa ako. Para bang you just want every counted seconds to be just as memorable as it can be.

Sa sobrang pagod nga ni Kyrene, nailagay niyang facebook status ang mga sumusunod...

"today would be my long hours sleep day.. atlast! i deserve it, since i havent sleep for the past few days.. il see u bed soft pillows and a cool breeeze coming from the electricfan! goodnight beautiful people!"

No wonder, sinusulit din niya ang bakasyon.

Ang kapatid ko namang si Rizzel, trip mag DVD marathon kaya naman sa status niya nakalagay na....

"hay ngaun lang matutulog!!sa wakas natapos q dn ang My Girlfriend is a Gumiho!!!oh yeah!!!...i demand SEASON 2! :)"

Karamihan sa mga tao ngayon, lalo na ang mga collegians, kulang sa tulog. Maging sapat man ang tulog nila ay dahil sa binabawi nila ito sa umaga. Sila yung mga hindi mo na makikita kapag alas siete na nagjo-jogging dahil tulog hanggang alas onse. Babangon sila para kumain ng lunch which is also their breakfast. Tutulog ulit sandali at maliligo na kapag 4pm para gumimik nanaman sa gabi.

Kapag may trabaho na ang mga magkakaibigan, ang buwan rin ng Mayo ang nagiging pagkakataon nila para maka pag reunion. Actually, last May 07 habang nasa Ateneo ako ay naganap rin ang batch swimming namin na hindi ko na nadaluhan sa kasamaang palad.

Katatapos lang ng birthday ni Nikka Mae. At kamakailan lang dahil nga bakasyon eh napili naman niyang i-spent ang ilang araw ng kanyang May Fiesta sa Baguio. Wow na wow di ba? Sa kanyang FB account mababasa ang status na...

"Bye, Baguio! See you next year? Hahaha! I will certainly miss you! ANG INET DITO SA MAYNILAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! GRABEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!"

Hehe,... pasensiya ka mare, umuwi ka kaagad eh. Tiisin mo ngayon ang mala-pugon na init ng Maynila.

Nakakagigil lang na minsan, sa sobrang pagmamadali natin para nga masulit ang panahon ng bakasyon ay marami tayong natatatpakan na di na natin napapansin. Marami tayong maliliit na detalyeng hindi na napagtutuunan ng atensiyon. Higit sa lahat nagiging padalusdalos tayo hanggang sa point na may nababasag na. May nasisirang relasyon at iba pa.

Kanina lang, sa pagmamadali ni Rachid, nabasag niya ang isang tasa na halos 23 years nang ginagamit ng pamilya nila. Medyo nainis ako kasi may sentimental value na yun di ba? Pero isa lang ang tasang iyon sa mga naging biktima ng pagkabulag ng ilang tao na dulot ng mapangakit na kagandahan ng panahon tuwing Mayo. Maaaring mawerte kami na isang tasa lamang ang nasira. Paano kaya yung mga institutions na dahil sa isang mapagsayang miyembro ay may nauudlot nang responsibilidad? Paano kaya yung mga girlfirend na hindi na napagbubuhusan ng panahon ng mga boyfriend na laging nasa galaan? Hindi ba maaari ring mabasag kahit ang relasyon ng mga tao?

Palaging isaalang alang ang kaligtasan at pakikitungo sa tao lalo na sa kaayaayang buwan ng Mayo na karamihan ay pagod at nade-defocused na. Marami ang nagkakaroon ng pagkukulang dahil sa pagnanais na masulit ang bakasyon.

No comments:

Post a Comment