Sunday, May 22, 2011

so what about now?

Ano nang balita?

Ganun pa rin

Uso pa rin ang sta cruzan.

Hindi pa rin maka get over sa pagkawala ng isang mahalagang gamit, si Lorraine.

Kagabi, nanood kami ng sagala sa Zamora. Kahit anong gawin kong paghahanap, hindi ko makita yung account nung reyna na natipuhan ko. Kainis! Sabi ni James, "Kuya Paul, bakit yung isang reyna walang korona?" Hay... ang tanong ng mga bata. Narinig siya ng reyna sa tanong niya. Ngumiti siya sa bata. Inulit ko ang tanong sa kanya, "Bakit daw wala kang korona" sabay ngitian namin. Pero siyempre mas natuwa siya sa bata.

Jelayson Minencio ang pangalan niya. Hindi ko alam kung taga Nagcarlan nga siya. Malabong magkahanapan. Hay... pero hindi yan ang malaking problema.

Sa kabila ng advancement ng agham sa buhay ng tao, isang matagal nang problema sa sagala ang hindi pa rin nasusulusyunan. Laging namamatay ang ilaw ng mga arko habang naglalakad. Taon-taon nangyayari ito. Laging nagiging problema di lang ng mga organizers kung hindi lalo na ng mga manonood. Minsan pati ang mga nagpaparada dahil natatapilok sila sa kadiliman ng gabi. Bakit kasi magkakakabit ang mga kurdon ng ilaw? Wala bang magagawa para magkaroon ng mga arko na may sariling ilaw na de baterya o kahit na ano. Lagi na lamang bang nasa generator lang? Mukhang dapat na itong pagisipan, dahil nakakahiya naman tayo kung hanggang 2015 yan pa rin ang problema ng Filipino. Paano na ang turismo kung laging may namamatay na ilaw habang sumsagala ang mga reyna? Kailangan laging naka synchronize ang lakad ng lahat. Walang puwedeng mag madali o magmabagal.

Dapat magawan na ng paraan ang ganitong mga bagay.

No comments:

Post a Comment