Saturday, May 7, 2011

not about losing but about seizing

Lahat tayo minsan nang naulila, nawalan. Minsan nang naglaho ang mga bagay na mahahalaga. Ilan sa mga ito maaaring niluma ng panahon, ninakaw o inagaw ng iba, napagod at kusang bumitiw, nasunog, naanod, nalimutan at di na muli naabutan. Napakasakit maramdaman ng mga ito. Parang may parte ng pagkatao mo na kasabay ring nawala noong maglaho ang mga ito. Hindi mo maintindihan pakiramdam na pumipilipit sa iyo. Ganoon rin ako. Ganoon ang tao. Walang tao na hindi nawalan.

Ngayong araw na ito, isang mahalagang bagay ang nawala sa akin. Isang bagay na kahit piliting palitan ng iba ay hindi matutumbasan ni matatawaran ang degree of importrance. Naiwan ko si Lorraine sa Calamba. Matatandaan na noong July 02 2010 nagsulat ako patungkol sa sobrang sayang nararamdaman ko noong mabili ko si Lorraine sa Lyric sa Cubao, Quezon City. That was a Friday. Walang kaparis na saya ang naramdaman ko na sa wakas mayroon na ako ng isang bagay na matagal ko nang minimithi.

Ngayon, naiwala ko lang. Wala pang isang taon mula nang mabili ko ang napakahalagang bahagi ng kung sino ako. Gusto ko lang makatulog at paggising ko ituring na panaginip lang ang lahat pero kahit saan ako lumingon hindi ko na matatagpuan pa ang nawalang Lorraine. Ang nagiisang Lorraine.

Paano nga ba nawala? Sa sobrang excited ko nang umuwi, hindi ko namalayan na dalawa pala ang bag na dala ko. Yung isa ay yung case kung saan nakalagay si Lorraine. Hindi ko ito mailagay sa loob ng bag ko kaya hiwalay ko itong binibitbit. Noong nasa jeep na ako going to San Pablo, about to return home, naisip ko parang may kulang sa mga dala kio and that’s when I found out na wala na pala yung kulay blue na cross stitch case. Parang gusto kong humiyaw at bumaba ng sasakyan pero sayang kasi hindi ko na makukuha yung bayad ko kung bababa ako pabalik sa terminal at hahanapin ang isang bagay na malabo ko na muling makita.

I guess hindi bad day ang May 07, it is just that there are things na kusang mawawala sa iyo just to let you have a new one which could even be better than the ones you have had before. Ganito ko gustong tingnan ang pagkawala ni Lorraine. Ika nga ng iba, “Don’t cry over spilled milk.” At kung wala na ngang magagawa para mabuo ang isang broken egg, puwede kang gumawa ng isang masarap na omelet. Laging may bagong outcome. That’s economics. That’s life. Mawawala ang maraming bagay. Masakit, but you cannot mourn over it forever. Inisip kop na lang na kung nagawa kong makaget over sa pagkamatay ni Chesk na isang tao, isang mabait at bubbly na kaibigan, ano pa kaya sa isang instrumento na maaaring mapalitan kapag nagkaroon ulit ako ng pera. Hindi pa umaaabot ng isang taon mula ng mabili ko ang bagay na iyon kaya mas magiging mabilis ang pag recover bagaman maraming masasayang alaalang kasama ang bagay na iyon na iniwan ko na rin kanina. Maaari ko pa ring makuha ngayon, o kaya ay bukas pero for what? Sayang ang pagpapagal kung natanggap ko na. Iusang part na maganda iyon na buhay ko na willing akong i-let go kung kailangan.

My First Time to be in Ateneo

Itinuturing ko na lang na magandang kapalit sa isang magandang araw ang pagkawala ni Lorraine. I just think na necessary ito para ma experience ko ang saya na makapunta sa Ateneo de Manila University for the first time. I hope it is my first time. Maaari kasing nakapunta na ako hindi ko lang matandaan. So far, I can’t recall anything. The place happened to be very new to me.

The experience kanina was so great. Ang ganda ng Ateneo although mainit sa Manila at nahrapan ako sa biyahe kasi I came all the way from Laguna pa. Ganun ulit. Maaga akong gumising kasi nga 9am ang meeting. The meeeting took place sa Horacio de la Costa building, 2nd floor, to be exact. It was held by the PCP members of which chair si Dr. Agustin Martin Rodriguez. He was candid and very light and very embracing ang personality niya, even the conference room was light ang ambience. Ang saya! I just enjoyed meeting new people. All from different colleges and university. Of course, I like to thank big Sir Alvin Tan who invited me to attend the conference/planning. I learned a lot ngayong araw, mostly about sociology and why students are so bored with social sciences, how keep social science subjects truly alive para sa mga makabagong istudyante, and several others.

Thanks talaga to Mr. Alvin Tan. Nagkakilala kami noong ginagawa ko pa ang thesis ko noong college. He was teaching in Silang and he happened to be the only person available and accessible to be my thesis adviser. Hindi ako nagkamali, with him I found a friend and a pedagouge. Totoong master and dsiscipel yung nangyari sa amin. Parang jam pack. I learned new things from him habang inaayos namin ang thesis which rarely happens sa mga thesis students na hindi naman kakilala ang mga advisers nila. Siguro I was just lucky to have my thesis at the right place and at the right time. That’s how my life has been ever since, always the right place at the right time.

I don’t need to worry that much about the losts. I have to rechannel my thought about the GAINS. Sa mas malaking picture, makikita mo ang isang fulfilling Saturday of my life na naganap sa loob ng Ateneo at sa lunch namin sa Kenny Rogers. It was fun and learning at the same time.

First Time to be in LRT 2

Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa LRT 2. But it so happened na ngayon ang first time ko na makasakay rito. Wwell I am impressed by how it looks and all the facilities with complete security extremely comfortable for passengers to be there. Parang gusto mong mag thank you na naroon ka at doon ka sasakay.

After ng lunch namin, sa LRT 2 kasi kami sumakay since we are in Katipunan going to Cubao while Sir Tan and sir Crisanto is going to Gilmore. Ako sa Cubao sasakay papunt ang Lucena. Maaayos pa ang hitsura ng LRT 2 at medyo luwag naman ang sasakyan. Hindi ako makapagreklamo pero siguro kung sa NAIA ako naroon magrereklamo ako. Iningatan ko talaga si Lorraine sa LRT 2 until noong makasakay ako ng bus going to Calamba. It was all my fault. But accepting it, Iniisip ko na lang na it’s nobody’s fault.

Sa May 24 maaaring masundan ang meeting at gaganapin naman sa UST for the elction of interim officers ng PCP. I am so looking forward to that event that am already thinking of what stories and plans to tell Dr. Rodriguez, and hope that mor efriends could be there.

Happy Mother’s Day to all Mom’s out there !!!!!!!!!

No comments:

Post a Comment