Monday, June 6, 2011

bread and butter; heat and market

We spent the morning in San Pablo City for check up. Happy ako na kasama ko si Mama pamamasyal sa San pablo after naming manggaling sa clinic. Siyempre naisipan naming magmiryenda. Oh the simplicity of our life, hindi namin kailangan mag mall for bonding. All we need is walk and talk. How I wish na marami ring mag-ama ang mag stroll in an affordable price. pwede namang maging masaya sa pamamasyal, paglalaro, at pagkain together na hindi magastos. Bakit ama? Kasi June is for Father's Day. Hehehe... masaya talaga kami ni Mama even in times of adversities. At dahil gusto ng anaming magmiryenda, nahanap agad ang mga mata namin ng pinakamalapit na kainan at bakery is what we found. Pero instead of going dun sa bakery na nakita namin, naalala ni mama yung Kalahi Bakery. Dun daw kami bibili sabi ni mama kaya naglakad pa kami papunta doon. Ito yung bakery malapit sa imac. Ilang beses ko nang nakita, nadaanan, at narinig ang bakery na yun pero mula noong naglagalag ako sa San Pablo, ngayon ko pa lang napasok at napagtuunan ng pansin ang bakery na iyon. Unbelievable!

Unang tumambad sa mga mata ko ang rolls na nagkakahalaga ng Php. 200. May iba't ibang palaman sa loob ang mg acake rolls parang dunkin donuts yung mga filled rolls. Sabi no mama magandang regalo sa may birthday yung mg arolls. May iba't ibang klase rin ng nakabalot na cookies at iba pang baked products. Nabibili ng tingi sa halagang Php. 3.00 ang mamon, kababayan, at banana bread.

Ang sarap tingnan, hindi lamang ang variety ng tinapay kung hindi pati na rin ang lumalaki at umuunlad na negosyo. Wala akong Midas touch pagdating sa negosyo kaya bilib ako kapag nakakakita ako ng maliliit na negosyong pinalaki; para bang kagaya sa istorya ng Calata Corporations. Si Mr. Joseph Calata ang pinakabatang CEO na kinilala sa Pilipinas bilang isa sa mga nangungunang CEO sa bansa. Bilang isang direktor, mas dramatic ang dating sa aking ng mga taho vendor, agri businessmen, o small time industry player na umasendo ang tindahan kaysa sa mga katulad ng San Miguel Corporation ni Ramon Ang o ng MPIC ni Manny Pangilinan. Para kasing given na ang kayamanan nila eh. Hindi ko maintindihan kung bakit kasi nga hindi ako business major.

Noong 2004, akala ko sa Las Pinas ako magaaral. Nagtake ako sa isang public college ng exam na walang tuition fee kasi free kapag resident ka ng Las Pinas. Puro business courses ang offered doon. Pinili ko ang Marketing. Alam ko maraming Math ang marketing, lalo na sa pricing. Pero hindi maitatanggi na ito ang pinakamalapit sa Communication kaysa Economics, Banking at Accountancy. Hindi natuloy ang pagpasok ko doon. Instead of taking up Marketing, I took AB Communication. Pero noong 2006, nag summer job ako sa SM South Mall, palagi akong dumadaan sa National Bookstore para magbasa at mag-check kung sino ang cover ng mga magazine. Dahil wala akong PSP II, nasa National ako tuwing coffee break kung wala ako sa Yamaha. Noong una, nagbabasa ako ng mga novels at naniningin lang ng song hits pero palaging napapako ang mata ko sa isang section ng store kung saan naroon ang mga aklat sa business. Isang makapal at malaking libro na ang title ay "Marketing" ang parang mansanas na umaagaw sa mga mata ko habang nagbabasa ng Bubble Gang compilation. Kulay bule ang libro at glossy ang hardbound cover nito. Kulay white naman ang lettering ng title na Marketing. At nang mga sumunod na linggo, yung book na yun na ang binabasa ko. hehehe...

Ipinangako ko sa sarili ko na bibilhin ko ang book na yun after ko makuha ang backpay ko. Sa kasamaang palad hindi natupad. Yes, dahil nagastos ko sa damit, accessories at sa 3 movies [Poseidon, Da Vinci Code at Spider Man 3]. Bumili rin ako ng isang music CD sa Astroplus. Ang good news is bumili pa rin ako ng book na ang title ay "Elements of Marketing" pero local yun. Si Ruby F. Alminar Mutya ang author.

No comments:

Post a Comment