Wednesday, June 29, 2011

stories behind bottles of gin

Minsan ang mga surprises ng buhay talagang hindi mo masasabi kung kelan darating. Yes, surprises,,, mga bagay gugulat sayo in a very funny and sometimes touching ways. Eh hindi nga ba kaya tinawag na surprises.

Matatapos na ang June, and half of the year is already over. But then again, 2011 proved itself to be a better year. Sa isang magandang pagsalubong ng buwan ng Hunyo, marami akong naaccomplish at marami rin ang mga bagong bagay na dumating sa buhay ko. Yung ilan ay nagdulot ng pagdaramdam kagaya ng naging pagpapabalik-balik namin sa clinic for medical reasons. Yes we found out that there is minimal hydrocele in my epididymis. Ang hindi ko pagpunta sa ilang special reunions. Higit sa lahat, pighati rin ang idinulot ng sunod-sunod na pagulan at pagsalanta ng mga bagyong dumadaan sa tagliran ng bansa nitong nakaraang mga linggo. Maraming lugar ang binaha, may ilan ring sinalanta ng buhawi.

Yet, June is the time when I had more time to reflect and prepare. Mukhang ang dami ko ring naisulat. Ito rin yung time na kahit ang layo-layo namin ni JS sa isa't-isa ay nagagawa rin naming makapagusap via phone. Lagi na siyang tumatawag kaya naging habit ko na rin ang mag unlimited call para mas maraming tao ang makausap. Napansin ko kasi na though andiyan ang twitter at facebook ay iba pa rin ang naguusap ng personal kahit yung sa phone lang. We come face to face with the reality na hindi na nga uso ang landline. June is also the month of fathers. it is my greatest wish, my greatest career. I want to be the greatest father. And really, on father's day is when I met a new non-biological son, in the person of Santi. June is a month of obsession for a son. A month for Santi.

I am so proud of Santi, being the only full blooded Filipino studying in an international school for Europeans here in the Philippines. Gosh! June is the month of the expected wedding date. June with all its funny familiar ways is a good month for sons and fathers to bond with each other.

Natapos ngayong June ang NBA Playoffs. talo nga ang Miami eh pero gaya ng nabasa ko sa libro ni Pat Conroy na "The Losing Season" ito ang paraan para lalong magpainam ng diskarte ang Miami. Hindi naman nagiisip kapag nanalo eh, nagse celebrate lang. Kapag talo mas maraming pagiisip na ginagawa. Just look at the positive effect of losing ika nga. Naibalik ng coverage ng ABS-CBN ang init ng pagtanggap ng Filipino sa basketball at lalo na particularly, sa NBA. We forgot for a while that we are a basketball loving nation. Being caught into the ring with Manny, lead us to think that bosingis the only sports but we were wrong. Hindi ang boxing ang laro na puwedeng gawin kahit saan, kahit kelan ng mga tao at lalo na ng mga bata; pero ang basketball, it always directs our kids to teamwork and camaraderie. Gandang laro di ba? Muling sumikat ang NBA just as it was before noong 1997-1999. Muli nating natanto na oo ito yung cheap na sports na hindi puwedeng ma alternate basta-basta ng football.

June din nagwakas ang "My Girlfriend is a Gumiho" a korean series na nagpakilig sa maraming high school at nagpa eeeewww sa mga TV critics na ayaw ng mga corny scenes. Ako, I just enjoyed it. Wala talaga akong balak na panuorin yun kaso natagpuan ko na lang ang kapatid kong si Rizzel na sobrang attached sa love flick na yun kaya ayun pinanuod ko na rin at nagustuhan ko naman hanggang sa matapos na nga. At nitong Sabado at Linggo lang ay ang pagtatapos naman ng Season 2 ng Pilipinas Got Talent kung saan akala ko ay Happy Feet ang mananalo. Hindi pala. Another losing season lalo na kay Mang Rico na twice pumasok at twice ring na eliminate. Grabe siguro ang pinagdadaanan niya ngayon. Pero sabi ko nga kay Mama, it is always the fault of the people who wanted somebody to win and yet never voted thru text anyway.

And just to give clarification, since napagusapan ang ABS. Hindi po kami magkaibigan ni Jessie Mendiola. Sobrang bias ko raw kasi sa twitter na lagi ko siyang ikino compare sa acting ng ibang actress por que "kaibigan" ko raw siya. Hindi po niya ako kilala at hidni ko rin siya kilala personally other than what I know about her sa media. Nagkataon lang na noong taping ng Sabel, they were in Laguna where I live. Pero in all sincerity naman, mas bagay talaga siya for the role na Maria la del Barrio. First, to give justice to Thalia who is a fairy of sexiness, I guess mas sexy si Jessie kaysa sa napiling gumanap. Second, she looks more of a Mexican than the other actress. So why not di ba? Handa si Jessie for that role and the other actress seemed to be boxed in a role na medyo pa-cute.

_____________________________________________________

Kanina na siguro ang pinaka highlight ng June. A day before it ends, nabuo kami as a grousp of friends again. Umuwi na kasi si Edison from abroad, si Je is home for vacation mula sa Mandaluyong at si Isaac andyan labng naman yun. So, I learned Tuesday that both Edison and Je is here in Laguna. The night of Tuesday pumunta na si Je sa bahay at pinapunta ko si Isaac. Tinawagan namin sila Ron, Jophet at Daryl who are away. Ala una na kami naghiwalay kaninang umaga dahil sa DVD marathon, just to catch up. Tapos kanina ngang umaga bandang 10am nagpunta ulit si Je sa bahay at nakasama na namin si Regine, nakita ko sa bilihan ng ulam. Pinuntahan namin si Ediosn pero nasa Manila daw, of all the days, bakit ngayon pa?

Noong alas dose na ng tanghali kanina at kumpleto na kami at tapos na manganghalian, sinimulan na ang inuman. Tanghali! Ang init! Pero this is the only time. Pasensiya na lang Edison wala ka eh nasa Manila. Pero dumaan din naman si Edison kanina pero hindi na siya umabot. Ubos na ang The Bar Lemon Gin.

We are all looking forward for more happy memories this July. July 2 I'll be in Manila again!

No comments:

Post a Comment