Wednesday, June 15, 2011

expecting only those that can bring happiness

It's nice to wake up in the morning and say "Ah this is a special day" and you ecpect only the best that life can give you. Ganoon naman talaga.

Importante ang June 15 for two reasons. Pero yung isa hindi ganoon kaganda. First, noong June 15, 2006 nagkita kami ni Faye sa Liliw after my longest wait. Kakatapos ko lang noon magbakasyon sa malayo at umuwi ako just before the classes begun. Sila naman eh pasukan na. Second, ito yung date na nagkagulo kami noong 2010, last year lang, dahil nga sinagot na niya si Ronel.

Ang June 15 being 15, na date rin ng kaarawan ni Faye... ang napili ko na maging date kung kelan ako ikakasal. Sana siya ang kasama ko na ikakasal pero mukhang malabo. Hindi pa rin nagbabago. June 15 pa rin ang pipiliin kong date ng kasal maging sino man ang mapapangasawa ko. Hindi naman siguro tatanggi ang isang babae lalo na nga't karamihan ay gusto na maging June bride sila.

Nanggaling ako sa Liliw kanina at medyo malungkot nga. Bukod sa medyo masakit ang lalamunan ko eh wala kasi doon ang tao na sana ay siyang pakay ko. Hindi rin naman ako sigurado, maaaring naroon pa siya at nagbabakasyon dahil baka hindi pa siya nakakakuha ng work. Pero malamang ay meron na. Knowing Faye, hindi niya gusto na nasasayang ang oras niya. Baligtad kami. Ako laging may wasted time. Laging may art of doing nothing. Lagi akong nagiisip, nagmumuni muni. Kaya magaling ako sa decision making. Siya, medyo [medyo lang naman] sabak lang ng sabak. pero minsan sa pagwawander ko, naiiwan niya ako kasi yung relos niya mabilis tumakbo, yung akin parang laging lowbat at patigil tigil.

Tanghali na noong maisipan ko umuwi. Nakasakay o sa jeepney si Sydmond. At naramdaman ko na parang ang init ng panahon ang sanhi ng hindi ko magandang pakiramdam. Bukod sa nasakit ang lalamunan ko eh parang mainit ako. Lalagnatin yata ako. Huwag naman. It's June 15 for my sake. Hey, the pressure of June 15. 3 months na mula noong 20th birthday ni Faye. Sadyang wala na akong pagasa sa habulan. Isa na lang ang way eh. Yung tumigil ang oras pero gumagalaw kaming dalawa. Yun na lang. At imposible yun. Kulang kasi kami sa oras. Masakit aminin sa sarili pero hindi ako bahagi ng buhay niya. Nasaan ako noong July 14 2004, 2005, 2006, 2007? Wala! Nasaan ako noong October 27 2004, 2005, 2006, 2007? Wala nanaman. Eh kahit nga noong April 12 ngayong taon na gumradweyt siya eh wala ako dahil may trabaho at wala akong pera. Nakakaasar na kulang ang panahon na naguusap kami. Siguro talagang hindi akma ang mga pagkatao namin. Kahit na yung mga priorities namin at pangarap namin. Pero ganunpaman I love her pa rin.

Sana hindi na lang natapos yung June 15 2006, pero hindi puwede kasi kung hindi natapos yun hindi ako makakrating dito ngayon. Talagang hanggang doon lang.

No comments:

Post a Comment