Saturday, June 11, 2011

eve of independence day and two friends with me

Birthday ni Shaira ngayon. As usual hindi nanaman kami magkasama kasi nasa Laguna ako. Paminsan minsan umuulan pero most of the time mainit na. Tamang tama lang na weather para sa medyo masakit na ulo ko ngayon.

Bukas naman ang Independence Day. Sayang nga kasi hindi pa naging June 12 ang birthday ni Shaira noong 1998 which is the centennial year ng kalayaan. Sana libre ang tuition niya. Pero, kung iisipin mas gusto ko na June 11 ang birthday niya. At least may reason to celebrate on a different day kaysa naman makisabay pa siya sa celebration ng Independence.

Ngayon din umuwi si Jophet dito sa Laguna. After a very long time na malayo siya dahil sa trabaho. Dumaan siya sa bahay kanina sabay namang tawag ni JS sa phone. So pinutol ko na lang yung usapan namin ni JS to give way sa usapan namin Jophet eh ang tagal rin naman naming di nagkita. Anyway alam kong pupuyatin ako ni JS mamaya because madaming kuwento yun. At alam kong sa gabi yun tatawag. Pauwi siya ngayon from Manila to Nueva Ecija. Dun niya yata balak na maging malaya. Hay... kumusta naman kaya ang celebration ng birthday ng pamangkin ko?

Palagi kong nalilimutan kung ano ang gusto kong shoutout sa facebook. Kaya minarapat ko nang mag join ang twitter ko at ang facebook. Lagi ko rin nalilimutan ang gusto kong twit. Kainis! Ngayon nagamit ko na ang twitter apps sa facebook. At kapag may twit ako automatic na lumalabas na sa facebook. Saya lang.

About Freedom

Maraming mga tao ang napipiling pagusapan ng in depth ang kalayaan tuwing sasapit ang araw ng kalayaan. Tama lang naman. Maraming mga tao ang handang magbuwis ng buhay para sa kalayaan. Maraming bansa ang handang makipagdigma para lamang sa kalayaan. Ganoon nga kaimportante ang freedom. Who is free? Why should we be free?

May mga klase sa kolehiyo na inaabot ng isang buong semester at pinaguusapan lang nila ay ang freedom. Each person is free. Kaya nga lang yung iba eh abuso sa freedom nila. Malaya na nga ba ang Pilipinas mula noong June 12, 1898? Eh hindi nga baga't naing colony pa tayo ng America? Maaaring malaya tayo mula s apangaalipin ng dayuhan sa sarili nating bayan pero tayo ngayon ang pumupunta sa bayan ng dayuhan para...... guess what, MAGPAALIPIN! Alipin pa rin ang Pinoy ng kahirapan at kamangmangan. Kailangan ang mg apoints na ito ang pagisipan ngayong Araw ng Kalayaan. Questionable pa rin kung mayroon nga bang araw na malaya tayo.

No comments:

Post a Comment