Monday, August 19, 2013

Heavy Rains Again From Monsoon

Ang lakas ng ulan ngayong gabi. Ilang gabi bago mag piyesta. Sa piyesta muli akong babalik dito sa Laguna upang ipagdiwang ang matimyas na araw. Buong Linggo kasi akong mamamalagi sa Las Pinas para makumpleto ang mga requirements na kailangang i-submit. Mabuti na lang kamo pwedeng "to follow" na lang ang form 137 at ang birth certificate.

pero dahil jam pack ang schedule dito sa weekdays, hindi ko mapigilan na maging mas excited para sa Sabado. Kung matutuloy ang buong tropa sa pag uwi sa piyesta, sobrang saya nun! Sila Aizee, Kyle, at Lou pa lang solve na ang ingay eh. Ano pa kaya kung kasama sila TonTon, Chester, at si Jonard? Syempre hindi mawawala ang mga kasama sa bahay.

Hindi ko lang alam kung magiging katulad nung nakaraang Biyernes ng madaling araw ang inuman sa piyesta. Noon kasing Biyernes, naginuman sa bahay. Hindi ako kasali, kailangan ko kasi ng kumpletong tulog para sa medical ko noong araw na iyon. Hindi rin puwedeng may alkohol ako sa katawan. Nanood sila ng The Vow sa laptop. Si Aizee kasi nagpapagawa ng reaction paper kay Ron kaya in-upload yung movie sa laptop. Iyon marahil ang dahilan kaya naging sentimental ang mga lasing. Ang topic tungkol sa love ang pu***. Hindi na nga ako nakatulog. Nakisali na lang ako sa usapan. Nag share ng konsepto namin about love.

Kung iisipin mo, tama naman si Royce; hindi ka maaaring pumili ng isang "the best" sa mga naging love mo. Lahat sila the best in their own special ways.

Napakahalaga ng PREP. Ang problema sa inuman, hindi natatapos ang discussion kasi hindi nasusunod ang PREP method. Kapag naihain na lahat ng tindig, dapat mag wrap up na sa pamamagitan ng paglalagom. Sa inuman, walang tagapagbuod. Free flowing ang ideya. Puwede kayong magsolo ng kwentuhan ng katabi mo o puwedeng may magbangka. Asahan mong may sasabat sa'yo. Matatapos lang ang discussion kapag lugapay na ang mga nagtotoma. o kaya'y naubos na ang Empi Lights.

How I wish ako ang naatasang magbuod. Ipapaliwanang ko yung hindi nila pinansin na explanation ko about love. Na ang pagibig ang nagpapakatao sa tao. Kung hindi siya magmamahal, nagwawala siya. Samakatwid, para bagang, ang pagibig ang paraan upang makapagmeron ang isang tao.

At dahil nga sobrang bigat ng nakaraang usapan kaya naging light ang tanghali ng August 16. Duamting si Seph at Tita Edna sa Aventus sa kalagitnaan ng araw habang hinihintay ko ang physical exam ko. At totoong pinagaan ni Tita Edna ang araw ko. Tawa lang kami ng tawa pagkatapos mai-submit ang B.I.R. form at medical.

Si Mei? Ayun, miss ko na siya. Ang teacher ko na mas bata pa sa akin. Hay... tama talaga si Steve Jobs. Darating ang panahon, isa isang masasagot ang tanong mo na parang linya sa mga dots na pinagdudugtongdugtong mo. Ngayon, nagsisimula na ngang masagot ang mga tanong kung bakit ang haba ng paghihintay ko bago ako nakalunsad. Kailangan ko pala talga maghintay dahil kung napaaga, hindi ko makikilala sila Aizee, Elaine, Seph, at Kyle. At hindi ko matatagpo si Mei na napakalaki ng naitulong sa aking pagunlad. Binuksan ang isip ko sa mga pagbabago at hinikayat ako na tumapang. Oo katulad kay Ma'am Nikki mahapdi ang ilang tagpo sa paghulma niya sa akin. Rough days ika nga. Pero mas nangibabaw yung respeto ko s akanya bilang tao at guro. At pangarap ko na mahigitan yun sa sandaling magkita kami ng scion ko.

Na-realize ko sa nagdaang buwan na ang sarap pa ring mag aral. At nakakatuwa na may clause sa contract na maaaring magpatuloy sa pagaaral ang mga empleyado. Oo, mag aaral pa ako. Hindi pa tapos ang hangarin kong matuto. Ang dami pang dapat makita at matutunan upang maging buo ako para sa mga anak ko, sa taong sasanayin ko, sa Pilipinas at sa sangkatauhan. Alam ko na tinawag akong maging bahagi ng kasaysayan. Pinanghahawakan ko iyon. At ang lahat ng ito, paghahanda patungo roon.


No comments:

Post a Comment