Monday, March 29, 2010

Attachments

Today, the fifth year death anniversary ni kuya Mike... parang kailan lang pumunta kami ni Mama sa mga pinsan ko para makiramay and now it's been five years after.

Can I congratulate Stacy for a job well done... graduate na rin siya sa wakas and a sign that I am not getting any younger. Today is her 21st birthday. Isa na siguro ito sa pinakamasaya niyang birthday kasi tapos na siya ng college. The hardest part of the graduation day is when you realize you have to leave a lot. The younger attitude you have to put aside, the irresponsibility, the immaturity, lahat yan pati na yung mga tindera sa P. Naval at yung mga lumot sa lumang building ng UST... lahat yun iiwan mo na.

As I began reflecting after seeing the pins na tinatanggal ni Stacy sa hood ng toga niya, narealize ko na talagang ang hirap maatach and then let go. Ang hirap talaga at kapag mali ang process maaari kang matusok ng pin. Sabi nga ng isang graduate, ang attachment parang pinggang babasagin. Alam mo yun? Pag nabasag yung pinggan na ang tagal niyo nang ginagamit parang may part sa puso mo nawala bigla. It is like watching a TV series na kapag natapos masisira yung routine ng buhay mo kasi may kulang na. Attachments make us complete but when all gone leaves us half empty.

I can't be attached to a material thing because it banishes. I can't be too attach with relationships because they tend to be perishing though the feelings may remain, theperson can't be here forever with you. Ang sarap nga namn daw grumadweyt pero napakahirap ng letting go kapag na-attach ka sa mga bagay na naging pangkaraniwan na lang sa college life mo.

No comments:

Post a Comment