Thursday, March 25, 2010

The Kundiman Album

Last year ni-release na ng Hale yung latest album nila entitled "Kundiman"
It is comprised of different original Filipino songs na kung tawagin nila ay kundiman although hindi naman talaga kundiman yun.
One thing na nagustuhan ko sa Hale, kahit sinasabi nila na leaning sila sa foreign styles like that of Snow Patrol and The Fray, ay yung fact na hindi sila gumagawa ng covers. Naniniwala ako na para mapatunayan ng isang music artist ang pagiging versatile nito, dapat may original songs man lang sa album niya kahit 3 lang. kasi kung puro cover yan, anong dahilan at recording artist ka? Walang point di ba? You might as well go to a bar and perform every night impersonating the original singers.
Pero kahit minsan magkakatono na yung mga songs ng Hale original lahat ng ginawa nila. Perhaps isa yun sa mga stance na pinaglalaban nila kaya they were not included sa Ultra Electro Magnetic Jam na tribute para sa E-heads ng mga Pinoy bands. Tumabo ng malaki ang album pero wala ang Hale doon considering na isa sila sa Icon ng third generation of Pinoy Rock wave. Ang unang generation na nagflood ang drift of Rock industry sa Pilipinas ay noong panahon nila Sampaguita, Juan de laCruz band, Mike Hanopol at Asin. That was in the 70's. Ang galing ng Pinoy music noon kasi may pagka aktibista. Ang second wave is noong 1991-1996. Nagumpisa kila Paco Aris Pacuchada, then E-heads, tapos Siakol, at Rivermaya.
2005 nang sumikat ang Hale with "The Day You Said Goodnight" at "Kahit Pa" na tumabo rin sa recordings. Ito ang kinilalang third strike ng bagyong Pinoy Rock at wala sila sa covers ng E-heads classics.
Good job Hale you are working for originality and that makes you unique indeed. Sana marami pang banda ang magrelease ng all original album.

Gabi na ako nakauwi sa bahay, I wasn't able to see Miley Cyrus' performance sa American Idol pero alam ko "When I Look at You" rin naman ang kakantahin niya. Good Night!

No comments:

Post a Comment