Friday, March 19, 2010

Remember the Sweet Days

Iba din naman yung meron kang habit of diary keeping...
You will be able to re-visit what happened yesterday, day before yesterday, last week, last month and even last year.

Ang gusto ko lang sana is to share what is happening today pero nung nag check ako ng mga nangyari in the past sa ganito ring date, naisip ko i-share na rin yung mga old experiences. Pampahaba lang....

March 19, 2004

Kanina ang saya ng praktis ng graduation. Last day ng practice. Sa 223 na ulit kami magkikita-kita kaya nagdecide kami na magpunta kila Kitz since piyesta naman sa kanila.
Half day lang yung praktis, kaya umuwi rin ako sa bahay para magbihis at magtanghalian at magpaalam na rin kay Daddy. Pinataya muna niya ako sa Lotto tapos naghugas ako ng pinggan.
Nung nakaipon na ako ang lakas para magpaalam. Ayaw naman ni Lola maiwan magisa sa bahay na si Dad lang ang kasama kaya inihatid ko siya sa ilaya.
Then namiyesta na kami sa Sinipian.
Gabi ko na nasundo si Lola, lasing pa ako. Ang saya talaga, lasing rin Macoy.
Ahh... andyan na si Mama sa wakas dumating din.

March 19, 2005

Graduation day ngaun... si Fr. Celso ang presider at si Fr. Boy Castor ang homilist, napataon pa na fiest of St Joseph. Kahit anim lang sila na gumradweyt parang nasa PICC pa rin... hay... napagod kami. Kasi puwersa talaga ngaun ang choir. Sige may praktis pa kami para sa presentation mamaya.

March 19, 2006

Sunday, Six days to go before the graduation. Kanina kinausap kami ni Fr. Tony about sa exposure namin. Excited na ako kasi alam ko na sa Las Pinas ako maaassign.
Sa wakas na perfect ko na yung "Out of my League" sa piano, habang tumutugtog ako sa oratory nagpapraktis naman ng gitara si kuya Raymond ang dami naming napagusapan halo halo, may Communication at may tungkol sa Eraserheads. Pangarap niya na makapagconcert pa ang Eheads one more time. Sana nga.
Nung gabi, sinamahan ko naman si Nomer sa Ironing, namalantsa siya, kantahan naman kami.

March 19, 2007

Everything is prepared for tomorrow. Graduation na ni Lara Faye... may regalo na ako para sa kanya. Buti pinahiram ni Lawrence yung brown na T-shirt niya, yun ang isusuot ko bukas. Alam ko graduate din si Vien kaya sigurado andun si Dax. Si Regine andun din kasi graduate din ang kapatid niya. Oh wow... ang ganda ng palabas Princess Hours.

March 19, 2008

Finally I am at home. Umpisa na ng long vacation ko. Last year kasi sinulit ko na yung OJT hours ko. Ngayon puro outing na lang ang iisipin ko. haha... ang saya naman kasi sobrang saya ng batch namin dahil sa pagkapanalo ni Al sa Beach Body at magkakasama pa kami sa pink Sister kahapon bago maguwian. Oh ang ganda talaga ng life. never had I been so close to my batch than now. Ito na siguiro ang pinakamasayang summer na darating kasi ang daming puwedeng makasama. The CCP ojt batch is coming for an outing pati na yung mga taga trinity pipilitin ko ring makasama for this summer.

March 19, 2009

Thursday, 11: 46
Dalawang Tulog na lang! Hindi ako makapaniwalang graduation ko na. Tapos na ang lahat ng school works. Hindi na ako magaaral. Grabe pagod gid!
Kanianang umaga wala kaming ginawa kunid planuhin yung graduation. Ang gulo na nga. Rmadam na ramdam mo na ang pagalis namin. Nung after lunch umalis na kami papunta sa Mnaila. Kami ni Joel pumunta sa UST at sila Bong Aat Andrew kasam ni Ate Virgie sa Dangwa par abumili ng bulaklak. Napgalitan ako ni Sir Baron dahil kulang yung toga. Walang toga yung mga honoraries. Hay... anu ba yan? Sobra din ang traffic! Kadarating pa alng namin ngayon. Inayos pa namin yung mga bulaklak. Buti nalang ligtas kami nakabalik. Hay... di ko malilimutan ang araw na ito.


March 19 2010

Now it's March 19 2010, Friday, kagaya nung 2004 Friday din.
I don't have much to do except for watching movies in Youtube and check my facebook from time to time. In short buryong to the highest level.
Hindi kagaya nung mga naunang March 19... lahat exciting at busy.
Now I am all alone in here. hayy... I will try to compensate next year. Siguro the best din next year. Siguro?!?

No comments:

Post a Comment