Wednesday, March 9, 2011

All Get Ready For Riding Experience!!!

Ikatatlong araw ko na ngayon. Patatlong araw na ring maaga akong gumigising, as in super aga. At yun na nga... nag eexpect na ako na makasakay sa jeep yung mga nakasakay ko noong Lunes at Martes. Dalawang umaga ko na kasing naksakay yung isang nag aaral sa LC na taga Rizal. Noong una, sa left side kami nakaupo magkatabi at noong pangalawa sa righ side naman ng jeep, magkatabi pa rin. Kanina, hindi na. Pero sa dulo pa rin ako naupo.

Dalawang beses rin na nakasakay ko naman pauwi sa hapon ang isang mamang may katabaan na parang bakla sa unahan naman sa tabi ng driver. Tuwing umaga gusto ko sa dulo ng jeep at tuwing hapon sa unahan talaga. haha. Natutuwa ako sa experiences na yun kahit nababatid ko na kukulangin na talaga ako ng tulog this week. Hindi rin ako makakapunta ng PNU sa Saturday. Hay... ganun yata talaga.

Kung sa unahan ka ng jeep uupo. Huwag mong isipin na ang taas ng privilege mo at nakalamang ka sa iba. Tandaan mo may responsibilidad ka na i-warn ang driver anytime na may makita kang hindi niya nakikita. Dapat alerto ka sa rear view mirror at handa ka ring mag abot ng bayad niya sa tindera kung bibili siya ng sigarilyo. Huwag ring kakalimutang isara ang pinto sa side pag bababa na. Yung pinto lang s alikod ang hindi isinasara. Minsan, naiinip ang driver kaya ikaw angkukuwentuhan niya. May makikita siyang banggaan o dahilan ng traffic, mga batang munting nang masagasaan at ale na hindi nagbabayad. Nanaisin niyangmaglabas ng hinaing at sasabihin yun sa'yo. Tungkulin mong makinig sa ganoong pagkakataon. Kapag hindi niya marinig yung boses ng gasoline boy, tungkulin mo ringisigaw kungmagkano ang presyo ng gasolina.

Kung taga Nagcarlan ka, huwag kang sasakay sa jeep na papuntang San Pablo tuwing alas-sais ng umaga. Malaki ang chance na may sasakay na tindera ng isda at sa ilalim ng upuan niya ilalagay ang batya na naglalaman ng sangkaterbang malansang isda. Itataas mo ang paa mo pero madidikitan mo pa rin ang batya. Pagdting mo sa opisina, para ka na ring lumangoy sa Celebes Sea. Wala ka nang pinagkaiba sa Tuna na hindi pa nailagay sa lata. Huwag kang papaabot ng hapon paguwi sa Liliw galing San Pablo lalo nakung may sabong dahil uupo sa tabi mo ang mga hindi pa naliligong sabungero at take note, humihithit pa ng yosi ang mga tinamaan ng magaling. Nakasando silang puti at bitbit ang mga kahon na may manok sa loob. Minsan dala nila ang natalong manok na tumutulo pa ang dugo. Gagawin kasi nilang adobo yun sa gata para may ulam ang pamilya niya mamayang hapunan dahil napatalo ang pera. Huwag kang sasakay sa umaga sa Rizal patungong Liliw dahil makakasabay mo ang sandamakmak na estudyante ng SMA na nagmamadali dahil male-late na sila. Yung iba magsusuklay pa sa loob ng jeep, matatalsikan ka ng tubig galing sa buhok nila. Ang mga lalaki naman, doon magsusuot ng polo at hahagilapin ang mga ID sa loob ng bag.

Dapat mo ring iwasang makasakay yung tulad ng nakasakay ko kanina. Sila yung mga celluphile. Sobrang mahal nila ang cell phones nila at nais nilang ipagyabang na maganda ang tunog nito kaya naman wala nang headset-headset, banat na lang sila ng patugtog. Tumutunog ng pagkalakaslakas at naghahanapan kayo kung may nag riring ba. Dapat silang iwasan kungnais mong makatulog sa biyahe, otehrwise, magugulat ka at di namakakatulog.

Tungkulin naman ng mga nasa loob ng jeep naibaba ang tarapal sa bintana kung naulan kung hindi lahat kayo mababasa ang likod. Ibaba naman ito kung sobrang init dahil kung hindi, baka mahimatay ka sa dehydration sa dami ng pawis na ilalabas ng katawan mo.

Ganito ang buhay ng walang sariling sasakyan at kailangang mag commute every day para sa trabaho. Ang sarap maging self employed para sa bahay ka lang. pero hindi doon makukuha ang tunay na buhay. Ang daming magagandang experiences pang naghihintay. Kaya nga sabi di'ba GRIND. Let's just G.R.I.N.D.= Get Ready It's a New Day!

No comments:

Post a Comment