Monday, March 14, 2011

Most Civil People Around This Planet

Kamakailan lamang, March 11 2011, sinalanta ng 8.9 Magnitude earthquake ang Japan. Matapos iyon, ilang sandali lamang ay sumagupa naman ang naguumalpas na tsunami mula sa karagatan na kasunod talaga palagi ng isang malakas na lindol.

Nalarma maging ang Pilipinas, matapos ipakita sa balit anag kalunus-lunos na sinapit ng naturang bansa. hanggang ngayon nagkakatakutan pa rin sanhi ng nangyari, dahil baka daw kumalat ang radiation mula sa isang plantang nuklear sa Fukushima. Ang PUP, isa sa mga pinakakilalang unibersidad sa Pilipinas ay nagsuspindi ng klase dahil sa kumalat na text message na uulan daw ng acid rain sa PIlipinas at may kasamang radiation. Nagkaubusan ng beta-dyne sa mga drug stores dahil nag panic buying ang mg ataga Manila.

Grabe ang pinsala at ang takot na idinulot ng nasabing paglindol. Natabunan nga ang mga balita tungkol kay Merciditas Gutierrez at sa mga sakim na heneral dahil sunod sunod ang mga nakakaalarmang balita hinggil sa sakuna.

Pero napansin niyo ba? Sobrang mag-panic ang Pinoy. Hindi pa man tayo nararating ng lindol ay sobra na agad ang reaction ng tao dito. Noong nakaranas ang Pilipinas ng Ondoy at Pepeng, kagulo agad ang Maynila. Noong nagkamali ang PAGASA sa forecast about bagyong Basyang, grabe ang sisihan. Pero sa Japan, kahit grabe ang pinagdaanan ng mga tao, nananatilihing mahinahon ang mga Hapones. Kapansin pansin ang kaayusan ng pila sa mga rsyon kahit walang sumisigaw na taga ayos ng hanay. Hindi nagsisisihan ang mga tao sa gobyerno at ang mga reporters sa media hindi nagbibigay ng maaanghang na commentaries. Ang galing di ba? Ito ang sinabi ni Dr. Joel Navarro sa facebook shoutout niya and I quote;

Mentioned in an e-group: "Despite the magnitude 8.9 quake in Japan, reportage was calm and logical, no hysterical reporters, no looting in supermarkets, no fault finding among politicians."

Nakuha niya ito mula sa isang discussion page sa internet na hind na napangalanan. Sumagot naman ang isa niyang kaibigan at sinabing [Pls. reflect on this quote, napakaganda kasi ng sinasabi] and I quote again;

From a grade school classmate who married a Japanese national, this shared observation (she lives in Tokyo):
"I've seen disasters in many countries where I've lived -- but here I find calmness, kindness and respect for each other. Winter chi...ll still lurks but no one complains about having to put off heaters and stoves due to rationing of electricity. Shops are running out of food and water but people line up without anyone giving orders. There's long queues for buses and trains without shoving or shouting. Even on top of the flotsam and debris, no one would dare touch anything they deem does not belong to them. No looting. No finger pointing even against the bungling national leadership. There's a great deal of patience, so unbelievable in the light of the depressing number of the dying and the missing. The first words of those who are rescued would be, 'I am sorry to have caused you all these troubles.' We all have a lot to learn from this small country and its people, despite its faults and the havoc it wreaked on all of us during WWII."



Sana nga may matutunan tayo sa ginagawang placid reaction ng Japan about this thing. manatiling mahinahon sa gitna ng lahat ng ito.

Sana ay mas maging makabuluhan ang mga araw na sussunod...

No comments:

Post a Comment