Tuesday, March 15, 2011

for a heart that never ceases to love

Can we just have some time to take a review (again) sa mga nangyari noon? Cge na pls.

Birthday ngayon ni Lara Faye. Heto nanaman. Yung dapat na sana'y pinakamasayang araw sa buhay ko, kulang nanaman.

Magkakaroon lang naman talaga ng ibig sabihin ang araw na ito kung kasama ko siya di ba? Ngayon, paano yan? Nagcecelebrate ako magisa ng mahalagang araw na hindi kasama ang taong pinaguukulan ng halaga. Parang wala ring saysay kung tutuusin.

Isinilang si Lara Faye Villanueva Conopio noong ika-labinlima ng Marso taong 1991. Pisces ang zodiac sign niya. Ewan ko ngayon kasi nabago na yata. Sa Liliw sila nanirahan mula pa noon at hanggang ngayon although nalipat lang ang bahay nila noong 2004 sa Brgy. Palayan. Masaya ang pamilyang kinalakihan niya. kahit hindi niya palagi nakakasama ang ama, pinuno pa rin siya ng pagmamahal at natagpuan niya ang pagmamahal ng mga kapatid sa katauhan nina Ley-Ley at Mey-Mey.

ALL ROADS LEAD TO LARA FAYE

Nakilala ko si Lara Faye noong 12 years old pa lang siya. Sa isang club organization sa high school. Sa Science Club. Nagkaroon ng first meeting ang mga clubs para mag elect ng mga officers for that school year. Isa si Lara Faye sa mga candidate para sa muse. Siya ang pinakabata sa tatlong kandidata at noon ko lang siya nakita. Si Kim kasi at si Paula pareho ko nang kilala matagal na. Fourth year na si Kim, ka- batch ko at third year naman si Dionglay. Siyempre hindi nanalo si Faye. Pero since that day hindi ko na nalimutan ang pagmumukha niya. Ang tindig niya ang kilos niya, ang mata niya, ang tenga niya, ang boo niya, ang labi niya. Lahat. Siya mismo, hindi ko malimutan.

Pagkatapos noon, sunod sunod na ang mga nangyari. Lagi ko siyang nakakasalubong at nare-recognize ko na siya yung natalong muse. Sa canteen. Sa cashier. Sa gate. Saan saan, wherever. Ang liit lang naman ng school by the way. Hanggang sa nagulat na lang ako na lagi ko na pala siyang inaabangan sa flag ceremnoy at sa tuwing labasan na ang IJP.

Naging aware lang ako na crush ko siya noong July 14 2003. Piankilala kasi sa akin ni Mariden si Mabelle na kapatid niya. Hiyang hiya akong pumasok sa room nila. Magka-klase sila Mabelle at Faye. At ang laki ng kasalanan ni Mabelle sa akin. Mantakin mo yun, siya ang nagbuko sa akin kay Lara Faye na may gusto ako sa kanya. BWIIIIIIIIIIIIIIIIIIISSIIIIIIIIIIIIIIIITTTTTTTT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Hanggang ngayon naaalala ko pa yun. Pero naging mabuti kaming magkaibigan ni Mabelle. Halos karamihan sa IJP 2003 girls naging kaibigan ko liban kay Faye kasi mula noong magusap kami noong July 14 hindi na siya nagka interes pa na kausapin ako sanhi ng nalaman niya. Kainis no. Sana nakadiskarte man lang. Nagpapasalamat ako kila Jenna at Rizzel sa all out support nila sa akin. Si Jenna ang nagbigay sa akin ng cell number ni Lara, since wala pa namang facebook noon. Siya rin ang nagbigay ng unang picture ni Lara Faye na na-receive ko. Si Anika Monfero ang pangalawa. Thank yo din talaga kay Anika. Si Rizzel naman ang best friend at considered sister ni Lara Faye. Grabe ang samahan ng dalawang ito. Buti na nga lang at kaibigan ko rin si Razzel (kuya ni RIzzel) from elementary at mabilis kong naging kaibigan si Rizzel. Pero ang mga pagtutulungan naming lahat ay nauwi lang sa wala.

Si Rizzel ang nagsasabi sa akin kung nasaan sila in a particular day na walang pasok. Nakakapunta ako sa mga lugar na kinaroroonan ni Faye nang dahil sa tulong ni Rizzel. si Rizzel din ang nagbibigay ng mga tula na ginagawa ko para kay Faye. Ang saya saya ng mga modus namin noon. At naging kaibigan ko nga si Rizzel. Nakalagay dun sa sulat ni Rizzel sa akin noong retreat namin, "Maid of Honor" kasi maid of honor daw siya kapag ikinasal kami. Well, maid of honor pa rin naman siya. Hindi nga lang ako yung magiging groom. Malay natin?!?

But more than that role, naging magkapatid na ang turingan namin. Kuya niya ako for life kahit di kami totoong magkapatid at siya ang bunso kong kapatid kahit di kami magkadugo. Siguro I've lost a potential lifetime partner noon, but I gained another sister. Nagkaroon ako ng totoong kaibigan at sandalan. Ang tagal na naming hindi nagkikita ni Rizzel but we maintained our friendship ang our hopes for one another. Ga-graduate na nga si Rizzel eh sa Marketing at si Faye din siyempre as a Nurse sa FEU. Naalala ko, yung mga chocolates na ipinalalagay ko kay Rizzel sa bag ni Lara Faye, galing talaga yun kay Jejomar. Sabi niya ibigay ko kay Rizzel kasi may gusto si Jejomar kay Rizzel. Iaabot ko kay Rizzel pero ipapabigay ko kay Faye. Basta lang makita ni Jejomar na inabot ko kay Rizzel, ok na siya. At sa huli ang mga nakinabang, nabusog at nanalo... ay sila Mey-Mey at Ley-ley.



Ang dami ng nangyari sa buhay ko dahil sa pagmamahal kay Lara Faye. Naging pursigido ako para makatapos para makaharap sa kanya sa tamang panahon. Naranasan ko ang mga hapdi at pait ng pakikipagsapalaran sa buhay dahil umaasang may makakamit s abandang huli. Naging napakasaya ng fourth year high school life ko dahil lagi akong maagang pumasok, hindi umaabsent at inspirado sa leksiyon (Well, hindi pa rin naman tumaas ang grades ko sa Math). HIndi na nga ako noon nakakapanood ng TV sa gabi. Akalain mo yun, di ko nasubaybayan ang Endless Love noong sumikat iyon at angfirst elimination ng Starstruck. Noong Christmas vacation ko na lang nalaman lahat yun. Late ako umuwi noon sa bahay kasi kasama ko lagi ang mga first years. Na minsan awkward pero alam ko hindi ako kinulang ng oras sa mga classmates ko.

Masaya talaga yung fourth year. Actually, hindi lang naman yun. Pati na rin yung mga sumunod na taon, anumang pagsubok ang naganap, si Lara Faye pa rin at ang mga alaala iya ang naging daan para lampasan ko iyon. Minsan, meron lang talagang akala mo iyon na pero sa huli, matutuklasan mong hindi pala para sa iyo. Masakit yun pero ano naman ang maitutulong ng sobrang pagmumukmok? Hindi pa naman huli ang lahat para sa akin. Maaaring huli na nga para sa amin, pero hindi huli para sa akin.

Ngayon, sa tulong ng bagong pagiisip, mga piling kaibigan at bagong environment, pautay-utay kong binabago at nile-let go ang lahat. Alam ko na masaya si Lara Faye sa piling ni Ronel. Alangan namang magpumilit pa ako sa kabila nito.
Nasaan kaya si Lara Faye ngayon?
Sino-sino kaya ang kasama niya ngayon?
Paano kaya niya sine-celebrate ang birthday niya?
Ito, ito ang mga tanong na dapat kong kalimtan kung nais ko talagang lumaya mula sa pagmamahal na ito. Otherwise, magiging isang bahagi siya ng isang nakatagong mundo sa puso ko at maging ang alaala niya, hindi kona rin mapapalaya. Hindi niya rin yun gugustuhin. Hindi ako makaka abante. Pero paano ko nga ba gagawin kung nakaugat na siya sa pagkatao ko? Good luck na lang sa akin, ganun?

Lahat tayo may karapatang magmahal ng kahit na sino. Kailangan lang hindi ito aabuso at sasagasa sa panahon na pinipilit nating gugulin ng tama. Kailangan hindi ito mapangalipin sa minamahal man o sa nagmamahal. Kailangan ito ay nakatutulong upang lalong sumaya at guminhawa ang isang nilalang. Nakatutulong ring masasabi dapat sa kanyang paglago bilang isang tao at mamayan ng sandaigdigan. Dapat ang pagmamahal ay marunong makiayon sa sistemang naghuhubog sa katalinuhan at pagkamaunawain ng tao at hindi hadlang upang siya ay malayang magpakasiya.

Ang pagmamhal ko kay Lara Faye, ay maaaring hindi na malusog. Gaano ko man kagusto na huwag siyang bitiwan dahil nangungunyapit pa ako sa pagasa, mali na ipagsapalaran ko ang isang taon pa ng buhay ko sa isang lumaong pangarap samantalang si Lara Faye ay patuloy na sa pagusad. Ang mangyayari sa huli ay walang masisisi kung hindi ako. Hindi maaaring sisihin si Faye sa lahat. Tanging ako. Kaya ang buhay ay magpapatuloy. Subalit hindi ko sinasabing hindi ko na rin siya mahal. Mabubuksan lamang ang puso ko para mahalin ang taong dapat kong makasama sa habang buhay na hindi naman siya. Si Faye? Nandiyanpa rin sa puso ko. Mahal bilang isang nakalipas na taong pinahalagahan, pero hindi na aasa sa pagiging kami.

No comments:

Post a Comment