Saturday, March 19, 2011

want to be late no more

Late ako ngayon. Nagbiyahe kasi ako from Manila to San Pablo. Alas siete na ako umalis ng Manila. Kumusta naman yun, alas siete rin ang time ng trabaho. So nagbibiyahe pa lang ako habang ang office bukas na.

Noong highschool pinakaayaw ko at malimit kong gawin ang ma-late. Natutunan ko sa isang prfoessor ang kahalagahang ng punctuality noong college kaya sinikap kong burahin sa bokabularyo ko ang salitang tardiness. Sa mga conferences at engagements hindi ako nale-late at minsan una pa akong dumarating. Nagaantay pa ako at nasasayang ang oras ko. Naalala ko noong C.A.T. officer pa ako, isa sa kasabihan namin patungkol sa pagiging late ay

"If you come late you waste other's time.
If you come early, you waste your time.
If you come on time, you waste nobody's time.
So come on time!"

And yes it rings true even up to now. Tunay nga namang kainis kapag may nalelate kaya ginawa kong personal na responsibilidad ang huwag ma late. Pero dahil talaga sa mga circumstances ng buhay, nale-late pa rin ako. Siguro minsan kailngan din natin ma late para maunawaan natin yung pinagdadaanan ng mga taong nale late palagi. Minsan sa sobrang pagiging perfect natin sa timing nawawala na yung sense of solidarity natin. Nagiging manhid tayo sa excuses ng iba napuwede naman talagang pakinggan. Ang tinitingnan lang kasi natin yung oras ng itinakda pero yung oras ba ng Pilipinas nakita natin? Grabe naman talaga ang traffic at minsan kahit sabihing wala sa traffic yan kundi nasa pag aadjust sa oras ng gising, sa tingin mo magigising kaya ng alas quatro ang isang pagod an tao na nakatulog lang ng ala-una?

Lagi na lang akong humahabol sa panahon. Kahit noong college, laging kailangan kong pumunta ng Manila at makarating on time para sa classes ko. Laging kulang ang oras sa mundo. Kulangtayo sa tulog. Masdan mo na lang kapag nasa van ka from Dasma going to Calamba, ang mga makakasakay mo tutulog sa biyahe. Walang mga tao na nananahi sa biyahe or gumagawa ng tula sa bus. Karamihan mga tulog. Kulang lagi ang oras natin para makipagkuwentuhan sa mga ulila, matatanda, lagi nating sasabihin na nagmamadali tayo. Pero sa maraming pagkakataon wala naman talaga tayong kausap dahil nagmamadali pa rin tayo.

Heto kahit tapos na ako sa college, nagtatrabaho na, humahabol pa rin ako from Manila to San Pablo. Ang tinatahak ko pa namang daan ay papunta sa south. Alam naman natin na iba ang traffic sa sa South Luzon compared sa pagbibiyahe ng mga taga North Luzon.
Kailangan ko lagi umabot sa time. Bakit kaya ganun? Buti na lang pagdating ko hindi pa naguumpisa ang talk ni Sir Aaron pero nag start na ang seminar at tapos na ang forum with Sir Angelo pero ok lang hindi naman ako nasabon.

Iniisip ko tuloy ngayon kung kelan puwedeng may mangyari ulit na gaya nito. Kasi kain na lahat ng oras ko at singit na oras na lang ang maibibigay ko sa maraming tao na pinahahalagahan ko.

Piyesta ngayon ng Sinipian, hindi ko alam kung kailan mauulit ang mga gaya nung naganap s aaraw na ito seven years ago. Ngayon, it seems like an ordinary day at isang day na parang di ko na kailangang tandaan kung ano ang nangyari. Basta alam ko, naghabol ako s aoras ngayon to make it special and yet still waiting for another day and work out everything to make that good. Bukas matatapos na ang birth week ni Lara Faye, sana lumipas yun na wala akong pnagsisihang hindi ko nagawa. As of now tama na muna dhail baka may hahabulin na naman akong panahon para pagkasiyahin lahat ng gusto kong gawin in just a very little time.

No comments:

Post a Comment