Friday, April 29, 2011

witnesses to royal love affair



We are counting hours closing April. Sa ilang sandali may na. Ngayon ginanap ang isa sa pinakapinaguusapang kasalan na tinaguriang Wedding of the Century. A fairy tale in reality ika nga ng iba. Sinasalamin kasi nito ang mga pangarap ng bawat isa mula noong kabataan. Ang maging isang prinsipe na makakatagpo ng isang magandang prinsesa para sa kalalakihan at isang ordinaryong dalaga na makapagpapaibig ng isang prinsipe para sa mag kababaihan.

Kung iisipin nga naman. Wala naman talagang kinalaman sa buhay ng mga Pilipino ang kasalang naganap kanina. Hindi naman sinubaybayan ng mga tao ang pagiibigan ng mga ito prior sa kasalan. Gumawa ang media ng isang project. Isang pagkakakitaan. Ginawa nilang big deal sa mga tao ang kasalan upang mapagusapan hanggang sa ang mamamayang Pilipino na mismo ang humingi ng mga detalye patungkol rito. Sa totoo lang naman, hindi isang pulubi o alila si Kate. Isa siyang commoner ng Inglatera pero galling rin siya sa nakaririwasang pamilya. Binabasag natin dito ang stereotypical na pagunawa natin sa animo’y magical love story nila ni Prince William. Hindi rin si prince William ang inaakala nating prinsipe mula sa sinauang mga kuwentong pambata. Di gaya ng dati isa lamang silang traditional figures na pinepreserba ng konstitusyon. Isang bahagi ng makasaysayang pagkakakilanlan. Ang lahat ng kapangyarihang pulitikal ay nasa taumbayan na, parlyamento, at sa punong ministro. Ang royal family ay symbolic lamang sa anyo ng pamahalaang mayroon sila ngayon.

Gayunpaman, ang mga bahagi ng buwis ay napupunta pa rin sa kanila. May kortisiya ring ipinararangal ang mga pinuno ng mga dayuhang bansa sa kanila. Sa tuwing bibisita ang mga pinunong pulitikal ay magpupugay sila sa reyna. Nasa itaas pa rin ang luklukan ng reyna at kung papalarin si William ang papalit sa kanyang ama. Isa pa, dahil sa katayuang ito hindi maiiwasang pagkaguluhan ng media at taong-bayan ang anumang may kinalaman sa personal nilang buhay at isa nga rito ang pagpapakasal, dahil at the end of the day isa pa rin siyang prinsipe.

Sa totoo lang maaari ngang, politically, nagagamit ang kasalang ito upang pahupain ang mga protesta sa Inglatera dahil na rin sa pagbaba ng ekonomiya at mga problema sa overspending. Sa Sociology, isa sa mga usaping pangkabuhayan na pinagtatantuang suliranin ng UK ang underemployment at job insecurity. Isnag article tungkol doon ang ginawa ko para sa isang tamad na istudyante ng Sociology sa UK. Sa research, lumabas na marami ang nale-layoff sa trabaho at marami ang hindi nabibigyan ng tamang benepisyo sa mga pinagtatrabahuhan kahit na medyo risky ang mga gawain nila.

Ganito nga kahirap ang buhay ngayon sa buong mundo. Even Anglo Saxons have problems after the economic morass of 2008 when Lehman Brothers melted in credits. Karamihan ng mga negosyante before 2008 ang nahumaling sa sugal kung kayat hanggang ngayon bumabawi pa rin financially ang United Kingdom. Pero siyempre marami pa ring Pinoy ang napunta roon dahil compared sa atin ang laki pa rin ng kita doon. Kung naghihirap ang UK ano pa kaya ang tawag sa sitwasyon dito sa Pinas?

Ang mga bagay na ito ang pansamantalang nalimutan ng mga Anglo-Saxon sa pagdaraos nila ng isang en grandeng kasalan kanina. Game na game naman ang magasawa sa lahat ng magaganap. Parang hindi na sila camera conscious even yung brother ni Kate na bumasa samismong kasal. Expected na nila ang mga magaganap at may balita pa akong narinig na bumisita sila sa mga nagkakampong spectators kagabi bago ang kasalan. Isang halimbawa ang kailangan nilang simulan. Marunong si William dahil mukhang nakakuha nga siya ng isang princess/ or even a queen/ material. Paano ba naman bukod s aisang edukada at magandang babae si Kate, mayroon siyang proper decorum na naaninag mo na agad ang pagka prinsesa sa kanya. Is anga siyang kamahalan kung sususmahin. Sa paraan ng pagtindig, paglakad, pagharap sa media, pagtulong sa causes ng royal family hanggang sa pinakamaliit na detalye ng choice niya sa pananamit, parang “She was born that way”.

Lalong sexy ang tingin ko sa isang babaeng kagalang galang. That’s the way I felt noong nakita kong nagbu bloom na ang career ni Maricar Reyes. Noong una hindi ko feel ang ganda niya at kahit nabalitaan ko na may video siya with a pervy doctor hindi ako nagging interesado. Pero ngayon, should I say na interesado na ako. In the same way, I perceive Kate to be sexy also. Let’s define sexy here ha. Somebody who expresses fully ones gender with confidence at truthfulness. Yung walang pagpapanggap at buong katotohanan na isang babae. I guess that is sexy. In that way she is sexy di ba?

This photo proves what I am saying


Wala man silang authoritarian control over the state, malaki ang impluwensiyang ii-impress nila sa kultura ng mga Ingles. Sa isang monarkiyang konstitusyonal na gaya ng Inglatera, hanggang ngayo’y may hang over pa rin sa sinauang paraan ng pamumuno, aasahang magiging salamin ng modern subalit konserbatibong magasawa sila William at Kate. At aaminin ng mga tao na wala sinumang nagnanais na hindi tumagal ang pagsasama nila. Sana’y ito na iyon. Sa gitna ng isang mundo kung saan talamak ang hiwalayan ng mga mag asawa. Kailangang tumayo ng royal couple upang patunayan hindi lamang ang tradisyunal na seremonya ng pagaasawa kung hindi pati na ang pagpapahalaga na kaakibat ng pagpapakasal. Kailangang sa pagsasama nila ay lumutang ang mga paninindigan na iniingatan ng sinaunang mga dugong bughaw. I don’t want to go into details about the extents and peripheries of constitutional monarchy [pls lang, not now]. Ang alam ko lang nabola nanaman ng panandalian ang mga tao ng media at ng politics. Somehow, it will explain to the Filipinos why there are avid followers who stalks their idol royalties in showbiz. Ito ang origin ng mga tradisyong iyon.

Ano ang naghihintay sa Pilipinas matapos ang kasal? Wala. Sincerely wala talaga. Kahit ang England walang magbabago. Ang mahalaga lang nakiisa ang mundo at maging ang panahon sa pagiisang dibdib ng dalawang tao rin naman na nagmamahalan. For the first time yata sa buhay ko nakapanuod ako ng isang kasal na televised all over the world. At may isang Filipino na nakaattend doon. Again [the sad truth] dahil isa siyang katulong.

Ngayong huling biyernes and week ng April, marami ring matatapos na palabas. Ang Baker King at Imortal, magkatapatang magtatapos ngayon. As I’ve said, April being one of the most awaited month of the year. Ilang days na lang May na. Sa May ano naman kaya ang aabangan ng mga tao? Now we remain dreaming … will we be princes or princesses who will hold the same kind of wedding in the future? NaKakatawang isipin ang mga ganito. Let us congratulate the newly weds, prince and princess that they are. !

No comments:

Post a Comment