Wednesday, August 10, 2011

episodes of amity, courage and optimism

Sa isang maliwanag at makulay na sulok ng aking isipan, matatanaw ang dalawang estudyante sa third year, sila Kevin at Arvyn na nasa asotea ng school building. Nasa second floor sila sa tapat ng classroom nila, ang SAP. Naglilinis sila ng backles para sa gaganaping inspection maya maya lamang.

Wala naman sila gaanong pagkakatulad. Maliban siguro sa pareho silang SAP at candidate sa cadet leadership course. Maliit si Kevin pero may malakas na personality, sa kabila naman noon ay ang tahimik at submissive na katangian ni Arvyn na mas mataas kay Kevin. Pareho ko silang kaibigan. Pareho silang ipianganak sa buwan ng Agosto. Ngayon ang kaarawan ni Kevin at bukas naman si Arvyn.

Lumipas ang isnag taon matapos ang naalala ko kanina. Naging kapwa officer sila Kevin at Arvyn subalit nasa magkaibang section na. Sa MIDES napapunta si Kevin at sa Saint Matthew naman si Arvyn. Mas mataas ang classroom ni Arvyn kasi third floor. Si Kevin nasa ground. Mas mataas rin ang naabot na designation ni Arvyn dahil naging A C'oy Cmdr. siya habang Ex-O niya sa Kevin. Magkapanunod pa rin sila kahit sa posisyon parang mga birthday nila.

Ngayon nasa magkaibang larangan na ang dalawa at napakalimit nang magkita. Hindi ko alam kung minsan ba'y naaalala pa nila ang isa't isa. Si Kevin nagtapos ng Insdustrial Engineering habang si Arvyn isa nang ganap na computer expert. Alam na namin noon na in line sa computer ang kukuhanin ni Arvyn kasi sapol siyang magaling dito lalo na sa mga games na usong uso noon. Hanggang ngayon libangan pa rin ng kaibigan kong ito ang DOTA. Si Kevin, akala ko magiging pulitiko o isang abogado pero he ended up in engineering. Kahit saan mo namn ilagay si Kevin magiging successful siya kasi matalino siya both in numbers and memorization at kahit sa practical. Matatalo ko lang siya sa performing arts.

Around the World

Naku! Napagusapan ang mundo. Hindi matigil ang takot na nililikha ng pagbaba ng credit ratings ng America. Hindi tuloy malkaman ng mga analysts ng stock market kung makaka cope up pa sila sa problemang ito. Dahil rin sa kawalan ng mga trabaho sa United Kingdom, nagsimula ang protesta na nauwi sa marahas na riot sa London. Marami na ang nasirang ariarian kasabay ng panraransak ng mga raliyista sa mga stores. Sinusunog nila maging mga kotse na nakaparada sa kalsada. Parang kailan lang ano, inabangan ng buong mundo ang isang en grandeng kasalan sa UK nang manumpang magasawa sila Prince William at Duchess Katherine.

Kamakailan laging laman ng balita ang Norway dahil din sa insidenteng naganap doon. Ngayon nagkakaroon ng maugong na hidwaan sa twitter ang magkakaibang bansa sa Europa dahil sa anti migration campaign at pagpaparatang ng mga xenophobic. Sana matapos na ang mga gulong ito sa Europa at sa America sapagkat nagdudulot ito ng continental scare sa mga nasa Asia at iba pang mahihinang rehiyon sa mundo na umaasa sa remitances na natatanggap mula sa mga nagtatarabahong kababyan sa mga bansang ito.

Sa Pilipinas naman, lalong nagiging matindi ang pamemerwisyo ng dengue. Grabe na ang bilang nga mga nasa ospital at maging ang mga namamatay dahil sa sakit na ito. Dapat nang maging seryoso ang gobyerno sa kampanya laban dito. May naganap pang mudslide at nangangamba ang ilan na dahil sa mudslide ay lalong kumalat ang dengue at malaria.

Hopeful ako na all these storms shall pass. Sigurado akong positive din ang tingin nila Arvyn at Kevin sa mga bagay na ito.

No comments:

Post a Comment