Sunday, August 21, 2011

thoghts about languages and yesterday

Just yesterday nagumpisa ang mga pinakamagagandang oras sa August 2011. Nakausap ko sa phone ang mga kaibigan ko after a long time na hindi ako unli. Nagkausap kami ni Jophet noong hapon. Nakumusta ko ang lagay niya ngayon sa Panay. Si JS naman, she's with her brother sa dorm niya. Katatapos lang ng class niya noong magkausap kami. Kinumusta ko kung nag lunch na siya. Saturdays kasi nagiiskip yan ng lunch minsan. Manonood pala siya ng Noli Me Tangere sa CCP. Si Mark, noong una ring lang ng ring ang phone pero noong gabi siya na ang tumawag at nakapagupdate naman kami sa isa't isa.

Kanina ang saya ng Sunday. It was colorfully sunny pero umulan rin noong bandang hapon but that time nasa bahay na ako. Marami na ang tao para sa fiesta. Anticipated ang pagbisita ng iba kasi they can't do it on a Wednesday na regular working day. Si je paalis na kung kelan naman magpipiyesta. But I guess that is ok kasi trabaho naman ang pupuntahan niya sa Manila. Hindi ko siya pwede pigilan. Sad lang kasi madami nanaman siya mami miss. Thought that's all? Hindi pa pala. It is the day when I learned na nakapasa si Lara Faye sa Nursing Licensure Examination 2011 at of course magiging isang ganap na siyang nurse niyan.

Congratulations!!!!!!!!!!

Just two days from now at muli nanamang gugunitain ang isnag malagim na bahagi ng kasaysayang ng Pilipinas. Actually ngayon inaalala ng mga Pinoy ang kabayanihan ng isang ulirang Pilipino--- si Ninoy. Pero sa Tuesday ang first anniversary ng Quirino Hostage Crisis na nauwi sa isnag madugong massacre.

Sa buwang ito rin pinagdiriwang ang Pambansang Buwan ng Wika. Ano nga ba ang nangyayari sa language ng Pinoy? Haha. I guess that needs another post. Hindi makakapsulize ng mga thoughts ko ngayon ang full overview ng Filipino language. Like, why is it still called Tagalog by several Filipino people? THe national language is Filipino hindi tagalog. Kapag tagalog, purista tayo. Pero ang wikang Filipino ay tumatanggap ng hirap na salita at kataga mula sa dayuhan. Handa itong magbago at umunlad ayon sa panahon at paraan ng paggamit.

Bakit walang Matematikang aralin sa Filipino o Pisika? Dapat meron. Dapat nakakapagdiskurso ang marurunong sa pamamgitan ng sariling wika at hindi lamang sa Ingles. AnywaY, hanggang doon lang muna. Ok, there are twi weeks more for August and I am keeping my fingers crossed sa lahat ng magaganap na maganda.

No comments:

Post a Comment