Sunday, October 3, 2010

Legislative Pressure

It is the conscience still which is foundation of all enacted laws and legislation

Narito ang ilan sa maiinit na usapin at ang mga official statements ko hinggil sa mga ito;


On SK and Barangay Election

Marapat lamang na ito ay matuloy. Isang magandang training ground ng kabataan sa pamamahala ang Sangguniang Kabataan. Mainam kung sa maagang panahon pa lamang ay mulat na sa kalakarang pampulitika ang mga bata. Bukod pa rito ang mga inihalal noong 2007 para sa pamunuang Barangay ay inaasahang magtatapos ang panunungkulan ngayong taon.

On Reproductive Health Bill

Sa malinaw at malalim na pagiisip, tinututulan ko ang hakbang na ito ng Kongreso. Ito ay magiging panimula ng sunod-sunod na pagpapasa ng mga batas na lalabag sa kaugaliang malinis ng mga Pilipino. Ang ating kultura ay nagpapahalaga mismo sa buhay at disiplina. Ang pagkakaroon ng opsiyon upang hindi magkaanak ang nagtatalik ay pagpapakawala rin ng disiplina.

On Divorce

Lalo ko namang tinututulan ang panukalang ito. Hindi ugali ng sinaunang Pilipino at ng kulturang Asyano ang diborsiyo. Ang pagpapahalaga natin sa katatagan ng pamilya ay isang bagay na hindi dapat ipagtabuyan ng ating batas.


Ano't ano pa man, nakasalalay sa marunong na pagiisip ng mga mambabatas ang kahihinatnan ng ating bukas. Isa ito sa mga dahilan kung bakit kailangang ang mga tao ay bumoto ng tama.

No comments:

Post a Comment