Friday, October 15, 2010

Ridiculous Concoctions

Too much good news? Its been months since I stopped giving status in my facebook account. I am twisted at medyo naninibago. Hay... but I guess its just the way it is.

October 12 is actually a very happy day. I got my burned CD that day and noong afternoon kilig sa He's Beautiful. Kahit baduy ang love story, the same impact lang din gaya ng class. Minsan nga yung mas corny yun pa ang mas chessy di ba? Paano ba naman, napanuod ko ulit yung I'm Fallin For You nila Gerald at Kim. Maka Kim naman talaga ako. Now it has a different meaning iba noong una. Napnuod ko kasi yun sa sinehan ng SM Manila noong first day screening nito September 17, 2007.

October 13, Sobrang saya, birthday ni Sir Arwin. I saved that day to be very special. Hindi lang dahil special kay Sir Arwin kung hindi kasi special siya sa akin 4 years ago. Parang kahapon lang, tanda ko pa lahat. Simula sa paghihintay ko sa kanto ng Palayan hanggang sa pagtake ko ng exam sa Phil Literature. Nakita ko kasi siya [Empress ko] that day. 6:48 in the morning before she ride the jeepney for school. Friday noon at may exam ako in the afternoon. I have to be in Cavite by 2pm.

And then we have October 14. Siguro after 6 years mula noong 2004, ito na ang pinaka engrandeng pagalala sa araw na iyon kasi ngayong taon pumatak muli sa araw ng Huwebes ang October 14. Ito kasi ang araw na nakita ko ulit si Faye after Highschool graduation. Yes after 6 months noong 2004. Ibibigay ko lang ang mga sulat ko sa mga retreatants for that year pero siyempre one reason talaga dun yung makita siya. Napakaganda niya noon. If you can only imagine yung nangyari at naramdaman ko noon. I can't put it in words.

I spent that day in SM San Pablo. Actually half of the day lang naman. Ang saya kahit si Genesis lang ang kasama ko as back up. Sobra ganun pala ang SM sa San Pablo. Hindi naman napakaganda pero ok na. At least may SM na. Bakit nga kasi ngayon lang nagkaroon ng SM dun. Sana noon pang 2006. Sana noon pa nang nasa high school pa si Lara Faye. Talagang mahal ko pa rin siya. Ang saya ng Thursday na iyon kasi sa pagsakay pa lang jeepney ok na. Sakto yung jeep papunta ng SM San Pablo. Sa jeep na iyon nakasakay ko yung isang dalaga na taga-Bambang. Shit! As in parang rpemonition siya na on that same day pinapalipat na yung feelings ko sa ibang babae. Pero sana magkita pa kami ulit para maconfirm ko kung siya na nga yung puwede kong ipalit kay Faye. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Kilig pa rin yung afternoon. Mas maganda na ang He's Beautiful noon. At napanuod ko pa ang latest episodes in DVD ng Naruto Shippuden. What else is so lucky? Nabuksan ko yung isang pseudo account ko sa facebook and a lot of surprises on virtual world. pero walang tatalo sa isang masayang gabi with the household.

Hay... Ang dami ngang may birthday pero dahil ito ang palaging sem break noon, ang dami ring nice memories. Ngayong taon, dinagdagan ko pa. Truly, our lives are about making moments!

Faye I miss you!!!!! :-)

No comments:

Post a Comment