Monday, October 25, 2010

Retroactive Catalysts

It all started with wishful thinking. I was staying in the house for semestral break. Bored? Yes bored. October 25 2005 and I have nothing to do but stay home. Mom came back afternoon of the same day and I believe that signaled the shift of ambience. That started the event of day when in fact I am already loosing hope that there is more to that day. And yes my life is full of serendipities and meritocracies. I am the last minute guy. How can I not be? I formed Afraelay seconds before the deadline.


Hindi naman sobrang lungkot ng umaga at tanghali. Kung tutuusin maganda ang weather noong Martes na iyon. Actually, the whole day I was just enjoying the music of 2005. Talaga lang nabago noong hapon. I accompanied my Mom to the wet market, doon na nga. Yung princess na gustong gusto ko nang makita noon for six months siguro ay naabutan ko kasama ng mga kaklase niya sa bilihan ng ice cream. Actually, nakain nga ng ice cream. Hindi naman kami nagkausap pero sobrang saya ko pa rin. Alam naman ng lahat kung sino yun. Third year siya noon, taga Liliw, mahal na mahal from 2003 up to now. Siya nga!


Ok na ako dun eh pero that day gifted me more than I can expect. For the first time, nabuo ang isang emergency group for bonding. Si Isaac, si Regin, si Rufino, at si Dacles, nagkataon na lahat nagpunta noon sa bahay. Kaya accidentally without any plans at all nagkaroon ng inuman sa bahay. Kantahan kami ni Dacles. Yosi naman sila Je. Tawanan dahil sa mga kuwento ni Isaac at inspirasyon sa panliligaw naman ang diniliver ni Regin. Si Mama nagluto lang egg para sa pulutan pero solve naman sila. Though this time hindi ko na matandaan ang ininom namin.

Doon nagsimula lahat. Sa gabing iyon, nasundan na taon taon at masaya ako. Nadagdagan kami ng mga kaibigan as years go by. At dahil sa matibay na anming pagkakaibigan nagcecelebrate na kami ng Xmas party every December 28. Institusyon na ngang maituturing ang barkada namin kaso walang pangalan. Faye inaugurated that day talaga.


October 25 2008 as I remember we had a walk for a cause. I remember part yun ng class namin sa Community Communication. Masaya na naman! Pero siguro mas masaya yung isang celebration na anniversary di ba? Kasi parang tine-treasure niyo yung unang taon eh. At yun yung nangyari last year. Siguro dahil bakante ang schedule namin nakapagswimming pa kami sa tuong. Kasama ko sila Dacles, Isaac at Daryl noon. Masaya kasi noong gabi after the swimming sa bahay naman naginuman kasama si Jopeth at Ric Jayson na kapwa di nakasama sa swimming. This year, binawi na namin ang swimming noong August 25 kaya wala ngayong swimming at eleksiyon rin kasi ngayon eh.


Siguro nga yung last year ang pinakamasaya so far. So far kasi may mga net year pa and I know we can still outshine what happened October 25 2009. Mas mapaghahandaan at mapagpaplanuhan. I want to see Lara Faye more often every 25th of October. I want her to be by my side as we celebrate this day na nakita ko siyang nakain ng ice cream.







Twice akong bumoto for this year. Pangalawa kaninang umaga at alam ko panalo ang ibinoto ko. Kanina naisa-ere na ang mga bagong palabas sa mga networks. Ang Juanita Banana which starred Binibining Pilipinas Universe 2009 Pamela Bianca Manalo; Little Star starring Jenelyn Mercado and Mark Fernandez; Mara Clara {the repeat} starring Kathryn Bernardo and mamaya pa after Wow Meganon ang first kiligserye ng 5 na "My Driver Sweet Lover starring Danita Paner and JC de Vera directed by Soxy Topacio.


Ok talaga ang araw na ito! I know that next year more serendipities are coming. I am so thankful that I have these friends with me. Sila kasi yung naging tanggulan ko noong college kapag umuuwi ako ng Laguna eh. I wish them all the best for pur 5th anniversary.


Just all the best for all of us! By the way ang voter number ko pala kanina is 25.

No comments:

Post a Comment