Monday, October 18, 2010

Tropical Absorption

Just what I expect of a stormy day. Lucky the super typhoon did not hit us. Mahirap kapag may bagyo kaya sobrang thankful ako na hindi sa Laguna dumaan ang bagyo. Ganunpaman, naging laman ng balita ang bagyong si Juan at nagdulot ng pangamba sa marami. Nakmonitor din naman kami sa weather update. Malakas ang hangin and all I can think of is sana nasa ligtas na luagr si Lara Faye. Kung puwede nga lang na napoprotektahan ko siya sa lahat ng sandali. Kung puwede lang sana na nasa iisang lugar lang siya kung saan ako naroon.

Kanina lang hapon habang nagpipiyesta ang mga bata sa labasan dahil sa napatay na ahas, nakita ko si L.E. papunta sa bahay nila Judith. Nagkamustahan kami at maya maya pa magkasama na ang dalawa sa tricycle. Hindi ko maipaliwanag yung naramdaman ko. Masaya ako para sa dalawa kong pinsan pero may inggit, kasi ako na kuya nila hanggang ngayon wala pa ring kasama sa buhay. Ah ang sweet nga nilang dalawa. Naaalala ko noon, grade six sila nang ligawan no Lloyd si Judith. Siyempre todo suporta ako sa kanila kasi pareho ko silang pinsan. Si Judith anak ni Tita Mercy na pinsan ni Mama at si Lloyd anak ni Ate Rosaly. Kahit hindi sila totoong magpinsan ni Daddy, parang tunay naman kaming magpinsan ni L.E. at ang buong pamilya namin. Maalala ko noong bata pa kami pinakakanta kami ng mga magulang namin sa videoke nung mga kantang 60s habang nagiinuman ang mga magulang namin. Noon pa lang naka preview na lahat. Si L.E. naging band vocalist at ako naging vocal coach at choral theorist. Pero sana huwag umabot sa point na kasal na sila ng pinsan ko at single pa rin ako.

Bihira ang single na masaya. Karamihan sa mga naging single ay dahil sa sobrang pagkabusy. Habang nanonood nga kami ng Naruto Shippuden sa DVD kanina, pinaguusapan namin kung tatanda din bang single si Sakura gaya ni Tsaunade. Ang pagmamahal nila sa isang taong hindi na babalik sanhi ng pagasa nilang magbabgo ang iniibig. Lahat ng mga Sannin tumanda na walang asawa. Mapalad pa nga si Naruto kasi magkakaroon siya di gaya ng master niyang si Jiraiya. I wonder kung saan ba nauwi ang love story ni Kakashi at ni Rin. Sobrang ganda ng Naruto, kasi nga para ka na ring nanood ng isang buong mundo. Bawat isa kanya kanyang istorya, kanya kanyang pinaglalaban, kanya kanya rin ng pagtingin sa buhay.

Tuwing gabi, habang binabalikan ko lahat ng naganap sa araw, hindi ko mapigilang i-rewind sa isisp ko ang mga eksena at dialogue sa Naruto. Minsan nagiging tanong ko rin ang mga tanong nila. Si Gaara, puno ng tanong tungkol sa sarili niya. Lahat tayo gustong maging mahalaga sa buhay ng iba. Minsan, mas marami akong natututunan sa mga episodes ng Naruto. Iniinvite ako ng mga ito upang palalimin ang iniisip ko at ang pagkukuro kuro sa mga bagay. Gaya ng Tahanan na isyu ni Yukimaru, ang Pagmamahal sa kaibigan na isyu mismo ni Naruto. Ang Tuntunin ng Medisina na isyu ni Sakura, ang paghahanap sa Destiny na isyu ni Jiraiya, ang sining na isyu nila Sasori at Deidera,at ang Dalamhati/Sakit na isyu ni Pain. Actually tautology nga ang paggamit ng Pain as name of character. Busog na busog talaga ang Naruto sa detalye, simbolismo, parellelismo, at pagbubulay bulay kaya para sa akin complete packaging ito. Mayroon siyang sense of nationalism dahil marami sa characters ay hango sa mga matatandang mito at epiko ng Hapon. May mga discussions about War and Peace at ganoon rin sa pamamalakad ng estado. Ang estado ay itinatag upang maproteksiyunan ang interes ng mga mamamayan gaya ng pagtatatag ng mga ninja hidden villages.

Malakas pa rin ang hangin. Parang abot na abot kami ng buntot ng bagyo kahit palabas na ito ng bansa. Ang pamahalaan ng estado, patuloy pa rin sa paghahanda upang maproteksiyunan ang kapakanan ng mga Pilipino na ngayo'y nasa gitna ng pananalanta ni Bagyong Juan. Ako naghihintay ng messages. Kanina kasi bandang hapon, ka-text ko si Kristine. Isa sa mga youth volunteers na nakilala ko noon sa Batangas. Malapit na daw ang birthday niya. Nakakatuwa, isang taon na pala ang lumipas matapos akong magbigay ng workshop sa kanila. Kasing edad niya si Faye noong ma-inlove ako sa huli. Ang sabi ko bibigyan ko ulit siya ng regalo pero nag insist siya na huwag na lang. I-greet ko na lang daw via phone. Sige siya ang bahala. Tawag nalang ako sa kanya. Ang birthday niya kasi pumatak sa isang special date. Ang araw na nabuo ang barkada ko sa Nagcarlan.

Hay... sana bukas hindi naulan. Pero malabo ata ang wish ko kasi bumagal ang bagyo. Until then I'll be waiting kung kelan ko mapapanuod ang latest season ng Shippuden.
Though alam ko si Faye pa rin ang laman ng puso. I will try search for that lady na naksakay namin noong Thursday! Gudluk sa akin. Gudluk kila Lloyd at Judith. Gudluk sa mga nasa area of Juan's direction.

No comments:

Post a Comment