Wednesday, October 20, 2010

Sociological Fermentation

"Don't know how many years it would take for us to solve a problem that was there even before I was born"

Sa mga nakaraang araw, ang daming current events ang nag trigger sa akin para magsulat na muli. Ang sociology, sa hinaba ng panahon ay pinagdudahan ng marami na hindi nakagawa ng solusyon sa isang problemang dapat ay sinasagot ng Economics. Napgbintangan itong [sociology] isang espekulasyon imbis na isang agham. Ang RH bill na patuloy na pinagdedebatihan sa ilang sektor ng pamayanan. Ang pagkakaroon ng dalawang taon pa sa high school dahil nahuhuli na tayo sa ibang bansa pagdating sa Edukasyon at ang pangwakas na paglalahat ng The Correspondents kagabi.

Oo, matapos ang 12 taon na pamamayagpag sa ere, natapos na ang The Correspondents. Nakakpagtaka na hindi man lamang ito nagbigyan ng wastong pagsasahimpapawid gaya nga ng naganap sa Wowowee. Bakit nga kaya. Isinadula nila ang temang Dose; Ang Huling yugto kung saan nagbalik tanaw sila Karen Davilla at Abner Mercado sa 12 kasaysayan ng mga taong nabago ang buhay dahil sa The Correspondents. Una na ang ang Yellow Babies na istorya ni Nikolai. Isang bata na naninilaw at nagkaroon ng liver transplant sa Taiwan. Ngayon ay isa na siyang masiglang bata. Sinundan ito ng Batang Kalansay na ngayon ay magaling na rin at nagaaral. Marami pang iba ang sumunod. Labindalawa lahat ang istorya. Umaga na nga ako natulog.

Lahat ito tukoy lang sa isang problemang socio economic--ang kahirapan. Dahil dito'y samut saring problema ang kinakaharap natin pati na ang unemployment at ang pangaabuso sa mga kababayan natin sa ibang bansa. Kung mayaman sana ang bansa eh di wala lahat yan. Unang una sa lahat ay ang pagpapayaman sa estado.Ang laking pproblema nga ng jueteng pero ang higit na dapat tutukan ay ang kahirapan.

Kapag nakikita ko ang mga nasa kalye sa Maynila, iniisip ko kung nasaan ba ang mga taong dapat nangunguna para mawala sila doon. At habang wala pang nagagawang formula ang sociology para sagupain ang baluktot na sistema kung bakit tayo mahirap, dapat tumulong tayo sa abot ng makakaya. Ang mga taong tumulong sa mga nai-feature ng The Correspondents, alam ko naniniwala sila rito.

No comments:

Post a Comment