Sunday, November 14, 2010

Boxing Ring Lessons

"Boxing is not about killing each other"

Ito ang sagot ni pound for pound king Manny Pacquiao sa isang interview kung bakit daw hindi niya ni-knock out si Margarito matapos niya itong talunin sa Cowboy Stadium kanina lamang. Tunay na isang Filipinong may delikadesa, very humane at professional ang sagot niya.

Na surpass na ni manny ang fame ni Jose Rizal bilang pinakasikat na Filipino sa mundo. Hindi nga lahat kilala si Leah Salonga pero halos buong mundo kilala na siya. Siya ang kaunaunahang tao na may walong sinturon sa larangan ng boxing. Sapat na para sabihin kong tumigil siya at mag concentrate na lang sa public service. He has proven enough. Nakaktakot na baka sa huli pa niyanglaban matalo siya. At magretiro siya kung kailan may sira na rina ng katawan. Tamang tama ito para itigil niya ang boxing at pagtuunan ang pagiging isang international diplomat and celebrity.

Malaki ang maitutulong ng pagkapanalo ni Manny matapos mag deklara ng flight ban ang mga matataas na bansa at humina ang turismo sa Pilipinas. Muling niya itong mapapasigla kung si Leah, Charice at Manny ay kapwa mag eendorso ng bansa sa international arena.

Congratz Manny! Patuloy mo kaming gawing proud...

No comments:

Post a Comment