Monday, November 29, 2010

Movie Reflections Plus Birthday Remembrances

Just last year, I watched 2012 in SM Batangas. Yun yung movie na nakasabay ng New Moon sa takilya. Ok siya, about sa destruction of the globe through climate change. At ngayon Nov 29 2010, napanuod ko naman ang The Day After Tomorrow kaya ko naalala na exactly this date yung isa. Co-incidence ba? Pareho ang theme nung movies. Parang naiba lang ang mga tauhan pero climate change din ang pinagmulan ng conflict sa plot.

Ang saya. Siguro they have something to tell me. On a 29 of November? Birthday ngayon ng best friend kong babae si Joanne SaldaƱa. Hindi naman siya ecologist. Hindi rin naman siya member ng green peace.Hindi rin siya member ng kahit anong NGOs na makakalikasan.

Hay... si JS. Birthday niya ngayon. Siya ang non-biological sister ko kasi nilagay niya sa tag sa photo sa facebook na non-biological brother niya ako. Kapatid ko nga siya pero di ko pa siya nakakasama sa birthday niya. Sad talaga. Lagi na lang wala sa tabi lahat ng pinaka importanteng tao sa buhay ko. Si Shaira for example, nasaan ba? Wala. Si Dianne? Wala ilang taon na na hindi ko nakikita. Si Rand, si Daryl, si Bryan at si Kevin... ni hindi ko pa mga nakakainuman ngayong taon na ito. Mabuti nga kahit papaano nakasama ko pa si Alot sa binyagan ng anak niya noong fiesta eh.

Pero masaya pa rin ako kasi kahit hindi ko nakakasama si JS, eh mahal na mahal niya ako. Nakakatawa nga eh. Hindi ko siya kababata. Hindi ko siya kapit bahay. Hindi ko siya kaklase noong highschool, elementary or college. Wala basta nagkakilala kami noong mga panahon na pareho kaming sobrang passionate sa theater. Nagkasama kami sa isang workshop at hidni ako participant nung workshop. As in wala talagang common denominator na institutional para magka bond kami only our love for the performing arts. Hindi ko nga alam na magkaibigan na kami until noong tapos na ang OJT ko sa CCP tapos nagkikita pa rin kami. Yun na... alam ko na na magkaibigan kami. Basta, hindi namin alam kung kelan nagumpisa. Nagulat na lang kami super close na kami.



Tinanggap ako ni JS sa lahat lahat kahit hindi niya ako kaklase o ka-org. Yung mga kababawan ko sinasakyan niya at yung mga malalalim kong ideas pilit din niyang inintindi althouh hindi namin napaguusapan si Lara Faye kasi sasapakin ako nun sa katangahan ko. Yung mga dugo namin parang connected by the arts. Parehas kasi kaming taong-teatro kaya nagkakaintindihan kami at extrovert din kasi kami pareho. Kahit sino kilala si JS sa UST. Grabe yun. Ang laki ng bag niya may dala siyang kahit ano kulang na lang martilyo. At sobrang love siya ng teatro tomasino. Ako naman naging kapamilya nila dahil pasok ako ng pasok sa usteh dahil nga dinadalaw ko si JS at si Richard. Si Chard naman kahit na minsan si kami nagkita sa UST. Tuwing andun ako wala siya. Ay one time pala noong naka duty siya sa hospital. Birthday kasi ni JS ngayon kaya puro kay JS. One time magsusulat ako tungkol kay Chad at paglalaruan ko siya dito sa blog ko hahaha.... Malakas sa akin yang dalawang yan. Make that three kasi may Myqeen pa although she comes from a different world. Noong una taka ako kasi UST sila 3 pero iba si Myqeen. Now I finally understood. But just the same lahat sila precious sa akin. Mas mataas lang talaga ang level ng friendship namin ni JS.

Kung ipapanganak kami ulit. Gusto ko magkaibigan ang mga parents namin tapos lalaki kami na magkasama para siya talaga ang best friend ko. Sigurado idol niyan si Ma'am Jem [Puna], third year adviser ko. Magkamukha sila eh. Gusto ko para kaming si Bogs at si Mia. Puwede akong maligo sa kanila kasi may damit ako sa kuwarto niya. May mga pictures kami sa wall ng kuwarto ko. Ganun? At may kakampi ako kapag andyan sila lahat. Siyempre pag inulit ang panahon perfect na. Hindi na ako ganito kapayat. Pero kahit na ganito pa rin mas masaya na kasi may kakampi ako sa lahat ng oras. I am not saying na kulang si Dianne noon. Kaso minsan kasi siya pa ang pauna sa asaran eh. Nagtampo? Hay.. si JS ang magaayos sa akin kung liligawan ko na si Faye. Todo suporta talaga. pero siguro maiiba din ang buhay namin. Hindi ganito.

Siguro nga ito ang perfect. Hindi naman namin kailangan lumaki ng magkasama. Hindi namin kailangang maging elementary classmates; maging magkapartner sa kasal ni Tita Beth, magkapartner sa sta cruzan, magkapartner sa grad ball para masabing best friends kami. Mas sweet nga kasi very unusual kung paano ang isang kalog na Krystala ng UST at ang baritone audioslave na tulad ko ay naging non-biological siblings.

Siguro gumawa lang ng paraan ang tadhana para mabawi ko kay JS lahat ng respect na hindi ko naibigay kila Kristine, Krystel at siyemrpe kay Genevie. Ang sarap pala pag mahal na mahal ka ng isang babae hindi dahil sa anumang romantic na namamagitan sa inyo. Yung parang sandalan mo lang talaga. Very genuine, very immaculate, walang bahid ng kamalisyahan at sobrang walang sablay. Oo na oo na, nanunuod ako ng perfect Match... pero hindi ganoon yung buhay ko. Hindi ko kailangan magpanggap na bakla para tanggapin ni JS.

I just have to be me.

Eh kaya naman pala very smooth kung dinadala ang sakit ng pagsagot ni Faye kay Ronel eh. I have a perfect support system. May Mom ako na over caring, tita na sobrang sweet, barkada na ubod ng saya, at andyan pa si JS. Why do I always look for persons na wala. Samantalang buong buo pa ang iba. Siguro kaya wala si Dan para maa-preciate ko na andyan sila Vicoy, si Alger, si Raprap. Siguro kaya wala si Dianne para malaman ko na andyan si JS. At siguro kaya wala si Lara Faye [pero sana dumating pa rin siya] para malaman ko kung paanong andyan lang si Mama all my life.

Ako muna, then until the time I am ready saka ko hahanapin yung tamang babae. Puwede naman na si Lara Faye pa rin yun. Pero puwede ring hindi. Dapat maging bukas ako dun. Sabi nga sa "Miss You Like Crazy" ; time is meaningless when you are in love.
Kung naantay nga nila ang five years at nagkita pa rin sila after all na munting nang maikasal, ano pa kaya kung antayin ko si Faye. Pero kung hahayan kong makulong lang dun yung buhay ko, I might miss something so important.

Wala kaming assurance ni Faye kasi isa lang yung nagmamahal. It is a myth to believe na babalik siya because my love for her is a magnet that pulls her back. I have to go on. Andyan lang sila, ang circle of friends and supporters. They won't let me down. JS won't let that happen.

I am so grateful I have a friend like this person. At tama lang na magcelebrate ako dahil today is the day na iniregalo siya sa akin.





So to my non-biological sister,
HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!!!!!!!
I am missing you extremely!

No comments:

Post a Comment