Monday, November 22, 2010

Happy Bachelor

I had a strange feeling while walking along the town plaza kanina. I feel like the center of gravity is in that point. I don't know parang hinihila ako. Naupo ako sa isa sa mga sementadong upuan doon. Just for the heck of it. Sana nga tulad ngayon noong mga bata pa kami. Doon kami naglalaro ng kahit na ano. Tayaan. Sikyo. Tumbang preso. Suntukan. Tapo sinsakyan namin yung mga leon malapit dun sa monument ni Rizal.

Yun yung mga panahon na hindi ako natatakot sa panahon. Mga mama na malaki ang tiyan lang ang kinatatakutan ko. Mga aswang sa kuwento. Hindi ako natatakot sa bukas. hindi rin ako natatakot sa kahapon. Nabubuhay lang ako sa ngayon. Puro present lang ang naiisip ko. Walang inaalala sa kinabukasan, walang tinatakbuhang kahapon.

Iba ang pakiramdam ngayon. Hindi na ako puwedeng dumisplay sa plaza. Matanda na ako eh. Paano kung may makakita sa akin doon kanina. Magisa ako nakaupo. Buti pa yung mga bata puwede pa nga sila humilata doon eh. I wonder if ginawa ko din yun noong bata ako. Nakakita ako ng bata na umiiyak at ngawa lang ng ngawa doon. Inisip ko tuloy kung nagkaganon din ba ako dati.

Nakita ko ang mga batang tinuturuang maglakad ng mga tatay at nanay nila. Suddenly nag flash sa isip ko in an instant lahat yung mga classmates at friends ko noong high school na ngayon ay may asawa at anak na. Starting with Mervin Ramirez, Cyrus Consignado, Margaret Nobleza, Angelica Pomintil, Harvey Baldovino. Ang idol idol ng marami sa pagawit na si Chris Alber Morales, si Angelo Ross Agapay, at napakarami pa.

Siyempre hindi mawawala sa listahan ang perfect amicable twins na si Dianne Carlen Martin at Dan Carlo Bueno. Pareho na silang may baby girl at ninong ako ni Jewel Keshia anak ni Dan.

Ako heto pa rin. A bachelor wandering in this ellipsoid. Ano kaya ang naghihintay sa akin? Alam ko hindi pa rin naman ako ready para maging Daddy. Pero alam ko din na tumatakbo ang oras. Malaki ang advantage nila Dan at Chris dahil masusubaybayan nila ang anak nila. Plus hindi malayo ang age brakcs nila. Magkakasundo sila sa taste. Puwede pa nila maabutan ang mga apo nila kung tutuusin. Disadvantages para sa isnag taong late nagka anak ang kabaligtaran ng mga nabanggit.

Why was I stuck? Hindi ko alam kung miinis ako na hinayaan kong maiipit na lang ako sa buhay na pinili ko noon. Bakit nga ba hinayaan ko na kay Lara Faye lang umikot ang mundo ko for how many years hanggang sa maging masakit na kapag ile-let go siya. Kahit na from 2005 nakakareceive na ako requests from Mytz at Jhona na bitiwan ko na yung nararamdaman ko kay Faye.

Hindi ko rin alam kung magiging proud ako kasi bihira na ang lalaki na gumagawa ng nagagawa ko. Pursuing Lara Faye for seven years... hindi biro yun. Ni hindi naman kami nagkakasama for that long years. Nakikita ko lang siya once in a while at walang assurance na kapag tinanong ko siya ng "___" ay sasagot siya ng OO.

Unfair kung magaasawa ako. Kung pipilitin kong mahinog ang hilaw. Kawawa ang babaeng magiging asawa ko kung hindi ako handa para mahalin siya ng buo. Hindi ako handang maging kabiyak ng sinuman lalo na kung hidni siya si Lara Faye. Magiging tortrue lang s akanya gabi gabi na ang binubulong kong panagalan ay hindi kanya kundi ang walong letrang bumubuo sa pangalan ni Faye. At paano kung hindi sa letrang L nagsisimula ang name niya at ang mga anak namin panay L ang simula ng pangalan. Ano ang isasagot ko?

Siguro may reasons kung bakit hanggang ngayon wala pa akong better half. Siguro hinding hindi pa ako ready financially, physiologically, spiritually, at siguro higit nga sa lahat ay emotionally. I wanna be the best father kais yun ang hindi nagawa ng bio father ko. I wanna be the greatest Dad Leuthor, Lianne, and Lance could ever have. I want to fulfill the prophecy given to me; to find my protege who will make the drastic change in this country or even in the world. Ang dami ko pa ngang aayusin sa buhay ko.

I just have to enjoy and be merry this time. Siguro period of preparation ang lahat ng oras na ito. Huwag kong isipin na sinasayang ko ito. may pagasa pa naman. Who knows, kung talagang matibay ang nararamdaman ko kay Faye, baka maging magnet yun na magpapabalik sa kanya sa akin. Anyway the greatest fulcrum naman is the heart not material things.

There is much to enjoy in life rather than envying the friends who already are fulfilled in life. Who knows if they are convenient? Baka kahit may asawa at anak na sila eh problemado sila. I-enjoy na lang ang mga adavantages of being single. So that when time for marrying comes, hindi ko na hahanapin dahil heto na pinagsawaan ko na. I will remain pure for that lucky woman. Matapos kong pagdaanan lahat ng karma ko sa mag binastos ko dati, na siningil ni Lara Faye, siguro that girl who is coming soon is truly lucky.

Whoever she is... I am waiting for her. I will try my best to be Best pagdating niya.

No comments:

Post a Comment