Saturday, November 27, 2010

Her Awesome Beauty Struck Everyone

It is better to be beautiful than to be good, but it is better to be good than to be ugly.
--Oscar Wilde

Kahapon, wala sana ko gagawin at magtutulog lang. Never knew na magiging reunion pala namin ng dalawa sa mga barkada. Nagkita kami ni Regine noong hapon at ganoon din ni Kenechi.

Noong hapon kasi habang nasa gitna ako ng kuwentuhan, nainform kami na may taping na nagaganap sa patyo. So I went there together with some. Nakita ko meron nga. Taping pala yun ng Sabel. An ABS CBN teleseries which stars Jessie Mendiola and AJ Perez. Sa tingin ko malapit na iyong magsimula kasi lumabas na ang teaser nito kagabi lamang.

Nag excursion ang mga mata ko sa kaputian ni Jessie Mendiola. I must say na napakaganda niya talaga. She looks different when in person. Ang buhok niya ay tulad ng mermaid at hindi yung ilong niya parang sa manekin sa SM Department Store. Maliit lang siya pero minsan iisipin mo na hindi siya Pilipino.

I think she started as a model. Tapos naging cast sa iba't ibang teen shows ng ABS under the Star Magic managent. Now it is hightime she owns her own program. Ang hirap din pala ng trabaho niya. Yun ang work na kailangan ka titigan ng maraming tao habang ginagawa mo. Sanay na rin sila. Although hindi ko alam kung gusto ko iyon. Hindi ka makaka concentrate sa dialogue mo kapag ang daming nanonood. Totally unlike music performances na talagang para panuorin ng live.

Nothing compares to the beauty of the princess of prime time TV. Malayo pa ang lalakbayin ni Jessie para matapatan niya yun. This girl is the 403rd tax payer in the Philippines, none other than, Kimberly Sue Yap Chiu, also known as simply Kim Chiu.

Next Saturday, lalabas siya sa Wansapanataym as Super Kikay with the flying tortoise. Next Sunday naman maguumpisa na ang sarili niyang series ng Your Song Presents Kim. Matatandaang lumabas na siya sa Sunday clip na ito just this year kasama si Ai Ai De Las Alas with "Maling Akala" but this time solo niya.

I admit I was struck when I saw Jessie Mendiola pero mas na starstruck ako noong first time ko makita si Kimberly Sue sa SM last January sa red carpet primer.

Well both of them are beautiful. It really depends kung anong taste ng tao. Subjective ang beauty it is in the eye of the beholder accoording to cliche.

No comments:

Post a Comment