Wednesday, December 29, 2010

Just Smile When Heavy Rains Fall

"I learned that neighbors are special as in between friends and relatives. They are there for good and bad times. People you can depend on and once-in-a-while you too will be responsible for them."


Hmmm.... disapointed? A little bit. Umasa kasi ako na on a 28 just like before will be a special day. 2005 nang umpisahan ang tradition ng maginuman sa petsang yun. Kami kami lang noon nila Regine, Rene at Isaac with Novellino as appetizer tanda ko pa. 2006, nagkaroon ng kumpletong mga members at sa bahay din ginawa. Naroon sila Edison [siya ang unang dumating at naghintay ng matagal], si Daryl, si Regine, si Jopeth, si Vicoy at Rufino. Noong 2007, sa bahay pa rin with tokwa't baboy as main pulutan. 2008 medyo mahaba kasi pagkatapos namin sa bahay sumunod kami sa Liliw kasi nagpa-party rin noon ang DM.

Birthday ni EJ ngayon. We were expecting for a children's party. Grabe ang ulan. Parang may mga crying ladies na sabay-sabay umiyak sa ibabaw ng ulap at kulang na lang kulog at kidlat July na ulit at hindi December. Si Jeng ang nagluto ng tanghalian ko kasi sa kabilang bahay lang sila natuolog kagabi. Dito ko na rin sila pinakain since very lonely naman ang Weednesday alone at naulan pa. Walang tatalo sa kuwentuhan naming tatlo nila Tare pagkatapos magluto ni Jeng, habang nanunuod ng TV ang mga bata. Somehow their presence lighten up my day. A rainy day is frequently mistaken as gloomy and dull. Hindi mo malaman ang gagawin lalo na kung hapon di ba?

Medyo sad nga dahil kung hindi naulan, baka masmasaya ang birthday party sa kabilang bahay. At gaya ng inaasahang kaugalian ng mga Pilipino, ang pagrarasyon ng handa sa kapitbahay ay di mawawala. I love eating spaghetti. Lahat ng taong mahal o kilalang kilala ako, alam na paborito ko ang pasta kahit anong luto. So nung binigyan ako ng spag at sopas, enjoy na enjoy ako at parang prelude na sa New Year. Kung hindi lang naulan, naroon sana ako sa kabila all throughout. Somehow, I thought of how a relationship which involves two neighbors is specialized. Hindi mo masabi kung parang magkapatid o kaibigan. Iniisip ko ba ito dahil magisa ako? I learned that neighbors are special as in between friends and relatives. They are there for good and bad times. People you can depend on and once-in-a-while you too will be responsible for them.

Kailangan nga bang minsan lawakan ko rin ang circle ng mga pinagmamalasakitan ko? Am I too centered to those special to me who have more than what I have? Am I too centered to persons who will only come in the future? Eh paano yan wala pa sila? Noong 2005 at 2006 umiikot lang ang buhay ko kay Faye at sa barkada ko noong highschool. Noong mahanap ko ang career ko, puro creativity at arts naman ang nasa isip ko at lately puro mga pangarap para sa future wife at children ang laman ng puso ko. Somehow, I was was losing sight of the people around. Minsan dahil sa pilit kong paglayo sa alaala ni Faye nalilimutan ko na kung sino ako para sa mga nagmamahal sa akin. Ayokong mawala. Gusto ko lang mabuo. Kahit mahirap ang mabuo na wala si Faye; wala ang CCP; wala sila Dan at Dianne; wala si JS at nasa America si Myqeen; wala si Pareng Kevin at si Bryan; wala ang pamangkin kong si Shaira; wala sila Kuya Anthony at sir Toby. Poignant as it seems, kailangan hindi ako mawala at umunlad pa nga holistically.

Sulit kaya ang buong magdamag ng December 28? Kaya ba nung pagtakpan ang mga dilim sa nagdaan at sa darating pang pangungulila? Sa 2011 kaya, masaya na lahat? Kasi pakiramdam ko kailangan kong habulin ang naunang Paul na ibinato ng isipan ko sa itaas habang nangangarap pero hindi ako makaakyat. Ayaw kong maiwan ng pangarap ko. Ayaw ko ring mawala. Gusto kong maniwala na ako pa rin ang Paul na hinangaan dahil sa perseverance, politeness, talents, at intelligence. pero ang totoo...everything, as in lahat, ay hindi enough. Sabi ni Aljur, "madali lang umaray pero hindi rin ako aayaw" matapos tanggalin ang cast sa katawan niya. Alam ko hindi rin ako aaywa. Hindi pa sapat ang lahat eh. May mga dapat pa akong patunayan. Gusto kong ako mismo ang makakita sa resulta ng pagbabago ko, hindi lang sa ka-ta-wan kung hindi higit sa lahat sa ka-ta-u-han. Hindi ko kailngang magpakitang gilas kaninuman, kahit kay Gen o kay Gerine. Sa totoo nga I like to work underground now. Lulutang at lulutang din naman pag may magandang nangyayari kaya't hindi dapat ipagpilitan. I cannot just waste lahat nmg pagpapatawad na ipinagkatiwala nila sa akin. Hindi ko masasayang ang sacrifices ng mga taong binanggit ko kanina. I cannot live in integrity before my children if I can't live a life credible before my neighbors who in the future will tell them about me.

One day I will, with all radiance, embrace not only a life of success but peaceful life indeed. It is the culture of optimism. A culture of hope.

No comments:

Post a Comment