Tuesday, December 28, 2010

December Highlights Constructing More Memories

"This Yuletide Season can never be complete without families, friends, foods, facebook and files. Can never find such happiness outside their realms"


Nagsimula sa isang simpleng chat sa facebook. Actually, nagsimula lahat sa pagka-miss, sa pangungulila sa isa't isa at nakaraang masasaya. Excellent times need excellent festivities. Biyernes, December 24, ng gabi nagka-chat kami nila pareng Sheshu at pareng Ayan. Pauwi na kasi si Ayan sa Liliw [as he announced via fb shoutout] kaya naisip namin ni Jejomar na ayain siya para sa quasi homecoming na all male lang sana pero kung magkataong andyan din ang DM eh di sige sama na rin ang girls [sinong may ayaw?].

Anyway pumayag naman sila. Try sana naming ma-contact sila Inno, PJ, at Noel pero mahirap. Si JM naman hindi na uminom. Kung nasa akin ang number ni Cyrus iti-text ko sana siya. Mahabang preparations lahat. Kahit walang kasiguruhan na ok ang kalalabasn. How, when seven years had passed and we can only hope that nothing changed?

Dumaan ang Deccember 25 and the day was very ordinary. I fixed no schedule for that day although I really wanted to make moments and post the photos on my micro-blogging wall. December 26, an ordinary Sunday pero puyat pa rin dahil inabangan ko ang awarding ng MMFF right after the special coverage of Regine and Ogie Alcasid's wedlock. Somehow, the awarding was disappointing, knowing that some of the entries deserved to win at least the awards na pinakyaw ng iisang pelikula. Alam naman ng lahat na bet ko ang "Rosario" but I guess hindi pa handa ang Filipino for that kind of movie. A story of a complicated woman made even more complicated by the cinematography and by Albert Chang. Si Gwen Zamora, sa production number, ewan ko... sobrang ganda niya noong gabing yun para sa akin.

Then come Monday. The most awaited. Kahapon, December 27, magka-text na kami ni Pareng Ric at gayak na for 7pm. Kahit alam naming wala masyadong darating. Ang gusto lang naman namin eh magkita kita kami. Buti nga at nariyan pa si Vhinky at hindi pa naluwas. Noong gabi nauna sila nagkitakita. Earlier than 7pm nung malaman ko na nasa Liliw na si Ric kasama si Bryan at Vhinks pero wala ang anino ni Jejomar. Alam ko iyon na ang muling pagkakataon para magkakita kami ni Dacles. Alam ko na noon rin makikita namin si Sheshu.

I arrived exactly 7pm sa Gracianos ng Liliw. Tatlo lang sila naghihintay. Wala ang barkada ng DM. Mhabang kamustahan sa aming dalawa ni Pareng Ayan. Pinakita niya ang bagong Canon DSLR niya. Isa sa mga pangarap kong maging regalo sa akin ngayong season, although Olympus ang trip ko. Ilang beses naming tinawagan si Dacles pero hindi pumunta, maliligo pa raw. Nahirapan din kami dahil wala kaming number ni Jejomar at hindi namin alam ang bahay niya. Nilisan namin ang Gracianos at pinuntahan si Dax. Naglakad lakad hanggang sa matagpuan namin si Sheshu. Buti na lang nakita namin kahit hindi alam ang bahay.

Next naming pinuntahan si Patrick para dun sana maginuman pero walang space kaya tinuro kami pabalik sa may Gracianos. Tawang tawa kami sa lugar na nadatnan mukhang Beerhouse talaga dahil sa mga lights. Hay.. pero no choice na kami at yun na lang ang oras para humanap. Kaya nag settle kami at umorder na ng isang case mucho. Ang saya ng gabi, buti sinamahn kami ni Patrick kahit papaano kahit noon lang siya nasabihan. Masaya akong nakasam ulit si Bryan at Sheshu. Masaya akong naroon si Vhinky para kay Ric kahit magisa siyang babae. Masaya akong naroon si Dacles at Ric.

Noong matapos kila Bryan na kami natulog. Tulugan nga agad eh. Dahil ba sa pagod o dahil gusto bumawi kinabukasan? Hala heto na nga ang pakiramdam na gusto mong isumpa ang beer. Sa umaga pagbangon ko alam ko na. Naglalaban ang ulo at sikmura ko. Parang sumakay ako sa bus na itinaob ng paulitulit. Kumain kami sa kanto, ng lugaw, libre ni Ayan. Ang saya ng kuwentuhan puro mga memories noong highschool. Sana nga highschool na lang kami ulit para hindi na maghiwahiwalay. Ngayon ko lang nabatid na ganoon ka indelible ng mga highschool expereinces. Lahat ng natatandaan ko, hindi pa rin nila limot. Ang galing! Sana mas napagigi ko pa kung alam ko na ganoon. Sana lahat ng magagandang alaala na kaya kong likhain noon ay ginawa ko para ngayon. Mas marami pang kabayanihan ang napagkukuwentuhan. In the same place, the same eatery, kung saan naganap ang tinukoy ko sa "ANG CHICKEN MAMI". Pangalawang hindi malilimutang experience doon mismo sa lugar kung saan nabuo ang DM noon.

Well, tulad ng lahat... naghihiwahiwalay rin ang magkakaibigan but only to look forward to another gathering, at hindi sa kung anupaman. Umuwi kami ni Ric at naiwang naglalakad pailaya sila Ron at Ayan. Ako masaya kahit gusto kong ihampas sa pader ang ulo ko sa bigat. Doon ba napunta ang beer kapag nainom na? Si Ric, naiwan sa jeep pagbaba ko habang ako preparing for December 28 kung may mangyayari nga. Pero hindi man matuloy ang nakaset for 28, ok na ako. Basta ang mahalaga may naglagay ng bagong flavor sa mga mithiing kong bumangon at umunlad. May mga handang sumabay as I travail the steps to greatness and all supports were given for that grand endeavor. Ayaw tumigil ng mga taong ito for believing in me. Why should I? Minsan tinanong ako kung gaano kahalaga ang mga highschool friends ko. They are on top as long as my wife and children are not yet. If there comes a time, I need to give up every single drop of my blood for these men and women of my teenage life, I will so long as it will not affect the future of my children.

Sasalubungin namin ang New Year, lalo na ako, with a new zest. Until that time, I will keep remembering how good each second with them was.

No comments:

Post a Comment