Wednesday, February 16, 2011

Veracity

Katatapos lang kanina ng defense nina Alger. Hinihintay ko pa ang update sa kung ano ang resulta. Kahapon lang nila ginawa ang system. Kakaiba. I have to say, magandang experience ang makasama ang group nila sa ganoong sitwasyon. Willing naman ako para tumulong sa abot ng makakaya.

Tungkol sa isang sales and inventory system ang thesis nila Alger. Gagawa sila ng isang system para mabilis ma-monitor ang galaw ng sales at inventory ng isang store o company using computer rather than manual ledger. Palibhasa'y IT ang course nila, sa sentence construction lang ako makakatulong. Editing ng mga sentences pero hindi sa system itself.

Pagbibiyahe Patungong Tiaong Quezon

Ala Una ng hapon nang dumating si Alger sa bahay. Nagkuwentuhan muna kami dahil hinihintay pa niya ang tawag ng isang ka grupo niya na makakasabay namin para pumunta sa Quezon. Sa Tiaong kasi gagawin yung system dahil yung isang kakalse nila na hindi nila ka-group ang tutulong para gawin yun at sa Quezon siya nakatira.

Tinatamad kami pagsapit ng alas dos, kasi naman umulan pero tumila rin pagsapit ng alas tres. Umuwi muna siya para maligo. Ganoon rin ako. Suot ang kulay bule na Tshirt at pantalong maong na luma, nakasinelas akong umalis ganap na ikatatlo ng hapon. Nagkita kami sa may paggupitan at doon ko rin nakita for teh first time ang isa sa mga ka-roup niya--si Edwin Bueno. Matagal ang biyahe patungong San Pablo paano'y patigil tigil.

Pagkadating namin dun, bumili at kumain pa ng street food si Alger. Nilakad namin patungong Ultimart kung saan naroon ang paradahan ng jeep na tatahak sa Tiaong. In short, naghintay pa kami ng ilang minuto bago yun mapuno.

Habang binabagtas namin ang daan patungo sa Tiaong, hindi ko maipaliwanag ang sarap na nararamdaman ko habang namamasdan ko ang luntiang tanawin sa labas ng jeep. Sa mga puno ng niyog na pantay pantay ang hanay at ang mabababang damo na tila tinabasan ng mga intelhenteng dwende.

Ang mga dampa na yari sa mga pawid na matatagpuan sa paligid. Ang hindi pa poluted na paligid at ang mga taong hindi namomroblema sa mga bagay na inaalala sa kalunsuran. Parang isang pangitaing nagbabalik sa akin sa kamusmusan. Huli kong binagtas ang daan na iyon noong isang taon bago ang kasal ni Kuya Jason. Ngayon lang muli ako makakapunta ng Quezon at naisip kong hindi ako nagkamali sa desisyon kong sumama sa Tiaong para doon sila tulungan. Ang una kasi naming balak ay gawin ko ang editing at i-send na lang sa e-mail.

Noon ko lang rin nakilala si Fritz Gerard Atienza Villarosa, ang kaklase nilang gagawa ng system. Tulog si Fritz noong dumating kami. Ginising pa siya ng lola niya, kasi nga naman katatapos pa lang ng defense nila. Babawi sana siya ng tulog pero dumating naman ang mga magpapatulong. Doon pa lang masasabi ko nang mabait si Fritz kahit ang daming aso sa bahay nila. Maya't maya maaari kang himurin sa paa. Inumpisahan na ang pagbubuklat ng mga laptop at doon na nga isinagawa ang pageedit ng Word Document at pagco-code ng system.

Dumating noong gabi ang isa pang ka-group nilang babae na hindi ko naman nakausap. Doon na rin kami naghapunan at ANG SARAP ng kain namin. As in namit gid! Beef stake Filipino. Bumili pa ng isaw sila Alger pero hindi na ako kumain nun. Tinuloy namin ang editing pagkatapos at binigyan kami ng isang dish na gawa ng ate ni Fritz. Ang ganda ng ate niya. Chef daw yun kaya mahilig mag experiment sa kusina. Kakaiba yung ginawa niya. Alam ko lang sagin yun pero parang cake na parang lappron sticks.

Hindi ko namasisilayan ang mukha ng ate niya sa oras na matapos ang editing. Yun nga ang nangyari. Bandang alas 10 umuwi na kami at iniwan sila roon. Magppupuyat pa sila eh. Pero kami ni ALger going home na. Sumakay kami ng bus patungong San Pablo at 11pm pa lang nasa Nagcarlan na kami. Halos wala nang bukas na bahay sa TIaong sa ganoong oras. May ilang tindahang nakabukas pa pero malimit na ang tao sa kalsada. Maagang magppahinga ang mga tao roon di gaya sa Manila kahit ala una na ng umaga marami pang tao.

Great experience though. Natuwa ako na sinamahan ko sila I met new friends at san magkita pa kami pero kung hindi ok lang. Sa pagbaba ni ALger sa jeep, nag good luck lang ako sa kanya at ngiti ang isinukli ng kaibigan. Maliwanag ko itong natanaw dahil sa ilaw na nagmumula sa patyo ng simbahan. Napakaliwanang noon parang umaga. May shooting nga pala sa may simbahan ng Sabel.

No comments:

Post a Comment