Wednesday, February 2, 2011

Microcosm

The thing is... we only need to look at one side and from there we will already have a grasp of how the whole looks like.

Some people doesn't even want to see or read the news. Ganyan nga kasi ang buhay dito. May idea na kaagad kung anong national situation sa mga headline pa lang ng balita. And it makes me very disappointed to hear that even people in the military ay sangkot sa kurapsiyon. We are looking up to them and now here they are proving themselves no different from the policemen.

Bata pa lang ako sirang sira na ang record ng mga pulis sa akin. Huli sila kung dumating sa mga action films na napapanuod ko noon. Ang laki ng tiyan nila. Nagpapaputok sila kung bagong taon ng baril [hindi labintador]. Sangkot sila sa rape cases kaliwat kanan at maging sa pagpatay ng ilang mga informers at criminal na maaaring magingay. Marami sa kanila ay iskalawags. Ang ilan sa kanila kulang sa good groomings and minsan pati na sa right conduct.

Kapag nasa istasyon lang ang mga yan. Nakataas ang paa sa desk nila habang nanunuod ng boxing at basketball o perlikula. In short, wala silang silbi kapag minsan. Pero siyempre dahil isa ako sa mahinang mamamayan, wala akong ibang tatakbuhan sa oras ng pangangailangan kung hindi sila. Suwerte naman nila. No choice ang Pilipino. Pero kung totoo si Superman, siya ang una kong tatawagin.

I have confess, noong Grade six ako ang pangarap ko ay maging isang Colonel ng Army. Gusto ko sana Marine pero mas mahirap ang training nila at hindi naman ako marunong lumangoy. Hanggang ngayon buhay ang pangarap na iyon sa akin. Siguro kasi, all my life hindi ko maipakita ang machismo ko. Una, lampa ako. Hindi ako tumaba from Age 1 up to now na magtu-twenty four na ako. Bumabawi lang ako sa characters ko sa mga stage plays, video games, at sa ilang bagay pa. Pero yung talagang maipagmalaki ko ang pagkalalaki ko... hindi talaga. That is why I wanted then to be a soldier.

Ang sarap lumaban. Pero siyempre when you mature hindi na gera ang gusto mo. You learn to be more diplomatic and placid. Pero hindi ko ma-outgrow yung sarap ng pakiramdam sa tuwing naka snappy outlook ka. Naka full battle gear at ang tikas-tikas talaga ng hitsura.

Alam ko na walang isa mang lalaki [tunay na lalaki] sa mundong ito na hindi nangarap maging isang tagapagtanggol ng inaapi, may hawak na baril at lumalaban sa masama. Lahat ng tunay na lalaki ay nais maging knight in shining armor ng isang babae. Hindi ako na-exempt sa pangarap na iyon.

Bawat batang lalaki pinahahawak natin ng laruang baril instead of cooking materials and dolls. Gusto nating mabuo sa kanila ang sense of being a warrior. Gusto nilang manuod ng mga power rangers, ng mga labanan ng ninjas at samurai kasi nga lalaki sila at dapat talaga na ang lalaki ay may kaalaman sa self defense at art of war.
Marunong dapat siyang ipagtanggol ang sarili at ang minamahal.

Mula noon, mataas na ang tingin ko sa mga militar. Pakiramdam ko mas astig sila sa pulis na apra lamang security guard sa tingin ko. Isa sa mga pinakahinahangaan kong tao sa military si General Generoso Senga. Naging Chief of Staff siya ng AFP noong 2006 bago ipasa kay Hermogenes Esperon ang AFP kasi nag retire din siya. Nagawa niyang protektahan ang pamahalaang Arroyo mula sa mga banta nila Ariel Querubin at Danny Lim. Napanitili ang kaayusan ng militar.

Ngayon damay si Esperon at si Senga sa mga itinuturong tumanggap ng pabaon at pasalubong sa AFP. Hindi basta 200,000 pesos lang ang pinaguusapan dito kundi milyon-milyong piso. Kaasar ito! Kung maging sa militar ay wala na tayong puwedeng maging magandang imahen sa mga bata, sino pa ang dapat nilang tingalain. Disappointed talaga ako na maging si General Senga ay dawit sa kontrobersiyang ito. Napakalinis ng paglabas niya sa AFP for retirement. Akala ko talaga iba mula kila Cimatu at sa iba pang naging chief of staff pero mukhang mababasagna ang malinis kong pagtingin sa kanya.

Nasa isang kritikal na sitwasyon ngayon ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Isang institusyon na inatasan ng Saligang Batas upang maging malinis at malayo mula sa anumang pakikihalubilo sa pulitikal na partisan. Isang ahensiya ang takda ay panatilihin ang kapayapaan ng sangkabansaan. Ngayon, pinamumugaran na rin ng mga ganid at mga hayok sa salapi.

Ano kaya ang patutunguhan ng mga ito? Obviously, ang DOJ ang sasalo sa mga hearing ginagawa ng Senado for further juridical process. In aid of legislation lang ang ginagawa ng senado sa ngayon. Hindi ito dadaan sa Ombudsman dahil puro retired na ang mga sundalong napapagusapan.

Gusto ko pa rin bang maging isang reserved officer ng AFP? Oo pa rin ang sagot ko sa kabila ng lahat. Dahil alam ko na hindi naman nila ako kagaya. Alam ko na hindi ako aabot sa pagiging Heneral. Alam ko rin na tungkulin ng isang tunay na mamamayan ang pangalagaan ang estado mula sa anumang banta ng kaaway. Ito ang tungkulin na hinihingi sa isang sundalo. Anuman ang bahid na nilikha ng usaping ito sa larawan ng Sandatahang Lakas, mananatili ang sagrado nitong gampanin. Hindi dapat panghinaan ng loob ang mga nasa PMA kung gayon bagkus ay dapat lalong pagtibayin ang loob upang iangat ang nakakahiyang pagkakakilanlan ng mga militar. Puruhin ito at gawan ng paraan na mabura ang mga mantsa na balak iwan ng isang lupon ng mga Heneral na hindi man sinasadyang sirain, ay nadungisan ang pangalan ng institusyong sa kanila ay umaruga at nagbigay ng saysay sa mundong ibabaw.

No comments:

Post a Comment