Sunday, February 6, 2011

Ethereal

Yesterday was my 24th birthday celebration.

Yes you heard it right... I am twenty four already.

Gustong gusto kong ihabol kahapon yung mga details about what happened sa birthday party pero I guess understood na hindi kakayanin. Although gising ako until 12.

Lahat ng tao kapag matatapos na yung day ng birthday nila nalulungkot. I am one. Pero para sa akin enough yung nagawang memories to be contented and hope for another year to come. I always expect that the future will be better. Isa yan sa mga hinahawakan kong beliefs. That makes life for me very easy and very promising.

Sa faebook status ngayon ng kaibigan kong si Edison Esquibel, kumuha siya ng quotation from Micheal Learns which says

"life has many shape,,, you think you know want you got untl it changes,,,and life will take you high and low,,, you learn how to walk and then which way to go, every choice you make when your lost, every step you take has it cause, after you tear your eyes you see the light somewhere in the drknest, after the rain hs gone, you feel the cycles,, and seen the sorrow in the wind,, someday it gonna make sense,,,"

Yung mga bagay na hindi natin maintindihan today, magiging malinaw kapag dumating yung tamang panahon and everytime na nagbe-birthday tayo, lumalapit tayo sa araw na mare-reveal yung meaning ng mga bagay na iyon.

I can certify that I just had one of the greatest birthday celebrations this year.

What's So Special

Two persons who are reigning as the most endearing to me nowadays made yesterday a special one. My brother Chad and my sister JS. Nagkitakita kami sa PNU kahapon ng umaga. I arrived at exactly 9:12 am at sinundo ako ni Chad sa gate. Wearing blue shirt and jeans looking at the gate to see me, I hold my breath and start grasping the moment as it presents itself with certain sentimentality. I not only grasp it. I seized it.

Huli ko pa kasing nakita si Chad noong graduation ko sa college. Ang isa sa pinakamatilik kong kaibigan at pinakamabilis na napromote sa kinship. After two years, I already considered Chad to be one of my siblings along with Dan Carlo and Kevin. My sisters would be JS, Rizzel and Myqeen.

Nagkakilala si Chad at JS sa UST kasi pareho silang member ng teatro tomasino. Nagkasama sila sa org pero magkaiba sila n kinukuhang kurso. Si Chad ay isang nurse at si JS isang teacher. Kumukuha ng masteral si JS sa PNU ngayon habang isang volunteer nurse si Chad sa Pampanga, his native place. Unpredictable ang future ng kapatid ko kasi ang hirap ng buhay ng mga nurse ngayon. Si JS, alam na nating makakapagturo siya sa college pagkatapos ng masteral niya sapagkat credited naman yun as license for tertiary education.

Nagkakilala naman kami noong 2007. Sobrang close na sila. Actually mag ate na sila. Mas matanda kami ni JS kay Chad ng isang taon. Kagay ni JS, hindi ko alam kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin ni CHad. Nagulat na lang kami na magkaibigan na kami. I miss seeing the three of us. And natupad yun kahapon. The three of us in one room, breathing the same air. Walking along the entire PNU campus. Waling straight to SM Manila to take our lunch and to celebrate the day.

Encounter With Friend Dimitri

I wasn't able to spend the whole day with JS and Chad. By 2:30 pm naghiwahiwalay na rin kami. Looking forward sa araw na muli kaming magkikita which is March 12.

On my way to Laguna kaninang hapon, Nakasakay ako sa van going to Alabang. Ang sarap ng feeling kasi ilan lang kaming pasahero noong una. Isang family lang yung kasama ko. Pero habang lumalayo, nadagdagan ang mga sakay. Isa sa sumakay ang dalawan magkabarkadang lalaki. Sila ang pinakamalakas na nagkuwentuhan sa van all throughout. Kahit noong mapuno ito palabas ng Victoria Homes.

There he was, DIMITRI as I always wanted to call him since hindi ko nakuha ang real name niya. Walang ginawa si Dimitri kung hindi ang magkuwento dahil na rin sa katatanong ng kasama niyang papangalanan ko na lang as Lyndon.

Unang tinanong ni Lyndon si Dimitri kung gaano ito katagal sa pupuntahan niya, one week ba? Sumagot si Dimitri "Hindi isang gabi lang"

"Ang laki kasi ng bag mo eh parang isang linggo ka" wika ni Lyndon.
" HAHA" ang bulalas ni Dimitri.

Nagsimula na silang magkuwentuhan ng walang humpay mula noon.

"Anong pinagkakaabalahan o ngayon, saan ka?"
"Hindi inaantay ko na lang yung result ng board"
"Ah oo nga pala ano, mahirap ba yung exam..? kakapressure?"
"Hindi naman,, mahirap dahil sa kung kamagaanak mo yung maya ari pero yung mga tanong hindi"
"Anong klase..."
"Sobrang basi pare pero sa sobrang basic pucha hindi mo malaman yung sagot. Yung tipong...di ba yung ini-expect nating tanong mga.."
"Oo yung mga ano..."
"Doon pare sobrang basic yung hindi mo inaasahang mga tanong. Halimbawa anong unang gaagwin mo kun may makita kang may sakit. Ak hidi ko na alam yun."
"Ah yung mga unang una pa,"
"Oo yung ganun"

Kung mapapansin, si Dimitri lang talaga yung nagdadala ng kuwento puro trigger lang ang ginagawa ni Lyndon. parang isang malaking tagahanga na nakakita ng artista. Si Dimitri naman ay nakahandang ibunyag ang buong buhay na parang nais niyang malaman ito ng bawat isang naroon maging ng driver. Naka-black polo si Dimitri. Mistiso pero mukhang may sira ang ngipin. Malaki ang labi na parang nasugatan sa isang away. Sa mga sandaling iyon, waal akong ibang asama kung hindi marinig siya at ano ang mga sasabihin niya, ang maging kaibigan siya sapagkat para siyang isang tao na sobrang masaya. Masaya ang buhay niya.

"Saka ano pare, yung mga laws, lilitaw yun sa exam. Mga gaya nung sa isang community, ilang nurse ang kailingan dun, ilang health wrokers dapat nandun...kapag dean ka ng nursing anong dapat itawag sa'yo"
"Pucha hidni ko alam yung mga ganun ah"
"Oo pur ganun... lilitaw yun sa exam."
"Dapat diyan leakage.." Sabay tawanan ang dalawa.
"Tapos yung toxicity ng drugs, tatanungin din yun. Percentage..."
"Kasama pa rin yun? Toxicity?"
"Magaappear siya mga ten questions sa buong exam, tungkol lang dun."

Maya maya pa umusad ang kuwentuhan sa hay ni Dimitri noong pumasok siya sa call center. Ipinasok siya doon ng kaibigang si Jessy Gregorio. Kaka-invite ko lang kay Jessie ngayon sa facebook. Baka sakaling makuha ko an tunay na pangalan ni Dimitri. Oo humahanga ako sa kanya. Sa ganda ng buhay niya. At isa yun sa magagandang regalong natanggap ko sa birthday ko. Anuman ang mangyai hahanapin ko muli si Dimitri. Gusto kong isang araw maginuman kami. Marinig ko siya muli at malaman pa ang ibang masasayang istorya sa buhay niya. Hindi lamang ang pagiging nursing student niya na naghihintay makapasa, hindi lang ang pagtatarabaho niya sa call center kung saan libre ang kape at milo sa vendo machine na lagi nilang kinukuha. Ang mga inuman nila. Saan siya nakatira. Ano ang pananaw niya sa buhay. Sino siya. Saan siya pupunta noong araw na iyon. Lahat iyon gusto kong malaman. Kalahati niya ay ako. May bahagi siya na nagpapaalala sa akin ng isang taong namatay na three years ago.

758 ang friends ni Jessy sa facebook. Maaarin isa doon si Dimitri and who knows, maging matalik kaming magkaibigan. Tulad ng pagkakaibian namin ni Chad na ngayo'y kapatid ko na. Noong malait na kami sa Festival Mall Alabang, nawala ang concentration ko sa pakikinig ng mga kuwento ni Dimitri nang biglang ngumalngal ang batang babae sa tabi ko. Ihing ihi na ang bata at umiiyak sa balikat ng mama niya. Kapag umihi siya mababasa talaga ako totally dahil katabi ko siya. Buti napigian niya hanggang sa festival. Pero kabado na ako noon kasi sabi niya hindi na niya talga kaya a napaihi na siya sa panty niya. Galit na galit ang nanay ng bata.

Next Celebration; Birthday Pary at Home

Hapon na nang makarating ako sa bahay. Mayroon nang handa. Sopas, Pansit, tinapay juice, at iba pa. Nakarating na si Isaac at Irish noong nasa San Pablo pa lang ako meaning hindi kami nagkita ni Irish. Sayang. Late ako.

Pero mahaba pa ang gabi at babalik si Isaac. Pagbalik niya dumating na rin sila Paulo, Paul at Alger. Nagkainan sila bandang 9pm at siyempre diretso na sa inuman. Bumili ng Emperador light si Isaac at Paul pero kay Alger yun pera. Ok lang akin naman ang pulutan eh...handa.

Ang layo rin ng naabot ng kuwentuhan namin. Miss ko na rin. Si Paul, huli kong nakainuman noong birthday ko 2010. Ngayon heto nanaman kami. Ang sarap naman. May celebration na sa Manila meron pa sa Laguna.

I always am grateful to these people [siguro kasama na si Dimitri] dahil andyan lang sila. Noong nag-text si Daryl na pupunta siya ng SM, on the way na ako pauwi pero ok pa rin. Thank you pa rin kay Daryl.

Sana next year, kasama ko na si Kevin, si Dan, si Dianne, si Shaira, si Rand at lahat ng mga taong gusto ng puso ko na makasama ko sa isang espesyal na araw. Ayoko pa rng mawala si Chad at si JS na mga kapatid ko pero sana andun pa yung isa kong bunsong kapatid--si Rizzel. Sana naroon rin si Dimitri at magkumpare na kami. Mairap hanapin ang tao na hindi mo talag kilala. Pero even if it will take a year para ma meet ko siya ulit. I will. Marami nang tao na inais kong makita mulina hindi ko na talaga muli pang nakasama, this time I don't want to mess things up.

Belated Happy Birthday Kuya Gerald and Ate Agatha!!!
And to me!!!!!

No comments:

Post a Comment