Tuesday, April 20, 2010

Cultures

Sinasabing ang isang pamayanan ay ang populasyon ng tao na naninirahan sa isang lunan at nagsasalusalo sa iisang kamanahang kultural o kultura. Ano ba ang culture? Ano ang nagagawa nito sa pamayanan?

Napkalawak ng pakahulugan ng Sosyolohiya sa salitang kultura. Nasasaklwa nito ang ang halos lahat ng antas ng pamumuhay at agwain ng mga tao sa pamayanan. Lumalawak ito dahil sa iba't ibang pahiwatig ng mga katangian nito.

Ang lahat ng kalinangan sa isang community ay apektado ng kultura. Ang kultura kasi ay ang kamanahang panlipunan ng natatanging pamayanan ng tao sa misang natatanging panahon. Masyado pang malabo kung iintindihin ang kahulugan kaya mabuti pa na maunawaan muna ang mga katangian ng kultura.

1. May itinatakdang hugis sa pamayanan. Sa pamamagitan ng katangiang ito ay maipapakahulugan ang kultura bilang "isang pamantayangg lumilikha ng pagkatao ng mga indibidwal na naninirahan sa isang pamayanan."

2. Nikikibagay sa likas at pisikal na katayuan sa kapaligiran. Dahil sa katangiang ito ng kultura, masasabing ito ay "ang interaksyon ng mga tao o lupon ng tao sa pakikibagay nila sa kapaligirang kinatatayuan o pinaninirahan."

3. Nananatili hanggat may pamayanan. Kung ang kultura ay nanatili sa paglipas ng panahon, maaaring ang ipakahulugan rito ay "kinabihasnang pagkilos na natutunan sa mga ipinamana ng naunang lahi ng tao."

4. Nadaragdagan, napapatungan at napauunlad. Dahil alam na natin na hindi na mawawala pa ang kultura, ito ay di na mababago subalit mapauunlad at habang lumilipas ang panahon ito ay madaragdagan habang tumutuklas ang tao dadami ng dadami at magpapatong patong upang magamit sa pamayanan.

Maraming mga sosyologo ang nagsasabing ang pinakamainam na kahulugan ng kultura ay "ang pagkakatipun-tipon ng mga bago at mana lamang na kaalaman at natutunan ng tao. Ang pinakamlaking kaibhan ng tao sa mga hayop, ito rin ay ang pundasyon sa pagkakatatag ng mga kabihasnan."


Sa mga susunod na pagkakataon, tatalakayin ko naman ang mga anyo at porma ng culture. Nabibilang dito ang custom [kaasalan], Relihiyon, Sining, Wika, at Fads. Gayon rin naman ang mga institusyong kultural gaya ng pamilya atbp.

No comments:

Post a Comment