Saturday, April 3, 2010

Of Beaches and Manhood

Dalawa lang ang familiar activities kapag Sabado de Gloria, either araw para mag picnic or magpatuli. Ewan ko ba. Family bonding ang Black Saturday eversince. Sanay na ako na uuwi ang mga pinsan ko at ibang relatives every Holy Week para sa swimming na gaganapin kapag Sabado nga. Sabi ni Mama kaya naman daw araw ng tuli kapag Sabado de Gloria eh kasi dati sa ilog tinutulian ang mga batang lalaki at maliligo muna bago ang circumcision, para daw malambot yung balat.
Quidquid! Ang mahalaga lang naman talaga yung experience of bonding as a family. Ang maganda kasi sa ganitong tradition you are able to see the two parties as one family; yung side ni Mama ko at yung side ng Tatay ko parang iisa lang. Lumaki ako na hindi sila distinguished. Paano si Ate Marilyn ninang ng mga anak ni Kuya Jojo at si Ate Jerlyn naman ninang ni Tetet na anak ni kuya Kenneth. Ang mga pinsan ko sa side ni Mama mga ninang ng mga anak ng pinsan ko sa side ni Papa. Oh di ba ok.? Kapag naglulutuan at nagkukuwentuhan ang mga tita ko magkakausap si Lola, si Mama, si tita Amor, si Tita Sonia, at si Tita Linda kaya akala mo isang clan lang pero si Tita Sonia kapatid ni Mama at si Lola ang Mama ni Papa.
Makikita mo lang ang difference pag kantahan na. Sa family kasi ni Mama, bihira ang may giftedness sa singing unlike Lola, Papa, Kuya Kenneth, Kuya Jojo and my Sis Joanne. Lahat ang mga ito kumakanta.
I was able to see them united outside the bounds of Black Saturday hype, and that was when I graduated in College. Naandun si Tita Amor at Tita Sonia but wala na si Lola siyempre patay na sial ni Papa eh. And people just don't know how much happiness I felt during that moment.
Well, hindi lang ang family ang nagbo-bonding kapag swimming Saturdays. Nariyan rin ang tropa. Ang mnga walang sawang barkada na hindi enough ang isang araw to be sufficed. Hmm.. kanina nga dumaan sila Edison sinasama ako sa family niya para sa of course picnic.

I wish that this tradition will never die. And I hope that I can buy a video camera soon as in SOON. kasi naman, hindi ako maka pagupload ng mga videos kapag may ganitong magagandang eksena. people wants to treasure memories. Ang suwerte natin kasi puwede na nating gawin yung hindi nagawa ng mga sinaunang tao, na mabalikan muli yung mga Sabado de Gloria na nagouting sila as one family. Ngayon puwede na itong ma-video at ma-upload sa facebook.

How about tuli? Puwede na nga kaya itong i-upload? Haha... hindi papayag ang mga batang tinulian kasi may pride yan. Makikita ng mga magiging gf niya in the futrue na umiiyak siya noong tinulian siya. Parang hindi Man.

No comments:

Post a Comment