Wednesday, April 14, 2010

Laws

Law is any regulative reason that explains a phenomenon. Kapag hinuli ng pulis o NBI ang criminal nagtatanong ito bakit, ang sagot kasi nilabag yung article bla bla bla section bla bla bla. Kapag naboto ka sa May 10 tatanungin ka bakit ka naboto ang sagot mo kasi sabi sa ARTICLE 5 section 1 ganito ganyan. Kapag may pila sa canteen ang explanation dun ay yung kautusan ng manager para sa regulatory measures. Kapag nasa library at tinanong mo bakit tahimik ang explanation at reason ay yung nakasulat na "Observe Silence" o yung keep quiet. Kapag nasimba ka sa Linggo at tinanong ka ang reason for that is yung 3rd commandment.

Lahat ng phenomenon may regulative reasons. They are called laws o batas. Maraming uri ng law o batas, kaya bago ako magexpound sa batas at magbigay ng points gusto ko muan i-discuss yung mga class o anyo ng batas. Una sa lahat ang Divine Law o Sagradong Batas. I hope it is self explanatory. Pero if in case hindi, wala ako sa posisyon para talakayin to, so go na ako sa ibang types.

Dalawa ang pinaka kilala sa mga batas in general, yung Laws of Nature at yung Laws of Men. Yung iba ang tawag dito ay Natural Laws at Popular Laws. Yung former, gawa ng kalikasan, batas mismo ng kalikasan at yung latter ay gawa ng tao kaya batas ng tao.

Natural Laws

Punta tayo sa Laws of Nature o Batas ng Kalikasan. May mga bagay na kailangang i-explain sa nature at ginawan ito ng pagaaral ng mga dalubhasa kaya na discover nila ang mga laws na naggo-govern rito. Ang pinaka familiar sa akin ay ang nadiscover na batas ni Isaac Newton, isang lawyer of nature. Kapag daw may inhagis ka paitaas hindi ito tutuloy sa kalawakan bagkus ay babagsak ito maliban sa lobo ha, at tinawag niya nag batas na naggo-govern rito as Law of Gravity. Ito ang pinakakilalang law of nature. Astig diba?

Pero sa pagaaral ko nung college ang pinaka primary na batas ay ang law of identity. Law of identity states that A is equivalent only to A. Kasunod ng batas na ito ang Law of Contradiction. This law states that A is equal only to A at one time and cannot be A and B at the same time. Oo nga naman. Dapat munang maintindihan lahat ito para nidni tayo malito sa matter. Hindi rin maaapektuhan ang pagcompute natin s aisang object o matter halimbawa paano mo sasabihin na gumalaw ang A object kung ang object B hindi gumalaw tapos iisa lang pala yung object A at object B. Di ba nakaklito yun?

Ang sarap pagaralan ng Laws of Nature. Sayang hindi ko puwede i-discuss lahat ang mga ito pero to give a glimpse, heto pa ang ibang kilalang laws ng kalikasan; Law of Buoyancy, Law of Inertia, Law of Momentum, Law of Excluded Middle, Boyle's Law, Hooks Law at marami pang iba. Try to study matter at www.thephysicsclassroom.com

Ang totoo niyan mayroon pang Laws of Men. I'm sure sa iba ito ang mas masarap pagaralan kasi gawa na ito ng tao for regulative reasons. Anu ano nga ba ang mga classfications of Popular Laws

1. Ecclesial Laws--- gawa ito ng simbahan hindi ng Divine
2. Political State Laws--- gawa ng tao for political measures at para sa pagpapanuto ng isang Estado.
- under nito ang Constitution o saligang batas
- ordinansa para sa mga bayan
-Coding na continuation ng alinmang state laws
- contract o kasunduan ng dalwang individual na nakalathala sa papel at may pirma.

3. Instructions and Policies--- maaaring gawa ng school, ng isang palaruan, ng isang corporate institution o ng isang pamilya o grupo para sa kaayusan ng bawat kalahok na mamamayan.

Si Aldrin Mark at Kevin dalawa sa mga kaibigan ko na noon ay nagbabalak pumasok sa Law school to take up bachelor of Laws. Isa lang ang tumuloy kasi si Kevin may anak na at nagtatrabaho na. Si Aldrin Mark Quintana... Good Luck pare sa endeavor mo.

I hope nagustuhan mo ang page na ito dedicate dfor your pursuit.

No comments:

Post a Comment