Monday, April 5, 2010

Shakingly Shocking

Things that shocked me lately;

Lumindol nanaman and just as it used to be, again, sa America. Mexacali ang sentro pero damged din ng 7.2 magnitude na lindol ang ilang parts ng Estados Unidos at Mexico. I immediately checked on Kolby Houghton, my facebook friend, para mabalita kung apektado ba sila. Thank God, patuloy pa rin siyang nabubuhay. What's even worse is the fact na walang paliwanag kung bakit napapadalas ang lindol at puro hinala na lang na que sio mainit daw ngayon dahil sa El Niño at kung anu-ano pa. Last January lang sa Haiti, na malapit sa Mexico, lumindol. February, hindi pa tumatagal, lumindol naman sa Chile. Both Latin countries at ngayon Mexico. Sobrang hot kasi ngmga chicks doon eh baka hindi mapigilan ng mga bulkan. Sa dami ng mga infrastructure na kailangang itayo this year, kailangan ng extrang pagiingat para maiwasan ang mga pagguho tuwing lindol. Dalawa ang namatay sa nakaraang lindol, 1oo sugatan. Lalo dapat magingat ang mga nagtatayo ng additional buildings sa mga schools.

Speaking of schools, sa Ateneo, latest issue yung nangyari kay Manny Pangilinan. Isn't it shocking na isang chairman of the board ng Ateneo de Manila who graduated cum laude sa college of economics ang paratangang hindi nagiisip ng bagong speech. Kahit na sabihin pang may iba pang gumawa ng speech, he is responsible about it. Dapat binasa at niresearch niya yun. I mean, we are talking here of property rights. Sa mga ginagawa ko gusto ko may permission bago pakialaman o gayahin kaya dapat talaga maayos ito at huwag ng tularan. Hindi enough na siguruhin mong walang nagta-transcribe niyan pero dapat may respeto tayo sa pagaari ng isip ng iba.

10 days to go na lang pala before the first gala of Olivier Ochanine sa CCP. Shocked by the fact na baka magkabiglaan na lang. Sir Mario Barlolong will be there with his students. Hindi ko pa alam about me. Gusto ko talaga makapunta. Bakit ang bilis ng araw?

Manny Pacquiao, ininsulto ng isang podcaster na Italian-American. Hahaha... ang nakaka-shock lang dito ay binastos ang buto ng mga Pilipino. Napakasensitive daw natin dahil ayaw magpakuha ng sample blood ni Pacquiao. Eh ano naman.! Bakit damay pa lahat ng Pilipino? Ano ang kinalaman namin doon? Ang hina ng kukote nung komedyanteng yan. Baka isang suntok lang yan ni Pacquiao. Sa bagay. Yan talaga ang napapala ng isang bansang umaasa lang ng katanyagan sa isang tao na nanununtok at pinapatunayan ang sarili sa pamamagitan ng pagpapatumba ng isang tao. I have nothing against boxing pero yan repercussion ng ganitong buhay. Dapat may iba pang pride ang Pilipinas. Meron naman pero hindi nabui-build up gaya ni Efren Peñaflorida na youth leader.

Napagusapan ang youth leader. Nakaka-shock malaman na si Sheena Loraine Orolfo is running as councilor for Rizal. Hanggang ngayon kino-confirm ko pa ito. Allegedly, tatakbo daw for public office itong si Sheena. Yes si Sheena Loraine nga. Isa sa pinakapinagkakatiwalaan kong tao si Sheena sa mundo pero teka, parang kailan lang eh batang yagit lang si Sheena at ngayon ay tumatakbo sa konseho, alam kaya niya ang pinapasok niya? Una kaming nagkita noong 2007. Third year highschool siya at third year college naman ako. Umattend ako ng graduation niya noong 2008, highscool. So that means third year college pa lang siya ngayon. Kaya please pakitigil na ang rumors na may gusto ako sa kanya... napakalayo ng agwat namin sa edad. Yung iba kasi pinagpapatuloy lang yung tradition ng pamilya kahit hindi talag anatural politician. Just like the case of Keshia. I am not saying na wala akong tiwala sa pagtakbo niya. Keshia is an intelligent woman, tapos na siya ng college unlike Sheena, at may experiences na talag siya sa Nursing dept ng FEU. Ang sinasabi ko baka pareho sila ng case, kasi ang Daddy ni Keshia ay dating councilor who finished the term.

Lastly, bukas na pala, surprisingly ang anniversary noong outing namin last year sa Sabang, the first complete attendance outing na hindi pa nasusunda hanggang ngayon. I hope that we will have another round with Regine, Daryl, Jopeth, isaac, Jemoy, Je, and Edison. Bukas na nga...
Well, things are shaky lately. Pero pinakamaganda, no matter what shocked us, remain calm and placid so that everything will go well.

No comments:

Post a Comment