Wednesday, July 7, 2010

From Hey Day To Mid Week

Life is not how many times you wake up. It is how many times you make the most out of being awake.

Maaga pa lang nung Lunes, umalis na si Tita. Hindi na ako naantay bumangon. I have to say na talagang ok na ok ang Monday ko because I thought luluwas na rin si Mama pero she stayed and rested for one more day. That means kasama ko pa siya ng isang araw pa. It is more about family bonding. How we waited for things and shared meal together habang unti unti naming nababatod na oo nga pala, tag ulan na.

And so maaga pa lang nung Tuesday umalis na sila. Ginising pa ako ni Mama para magsara ng pinto, I know I will be late the next morning kasi makakatulog pa ako after that.

Hindi ko na pinalagpas ang oras, noon ding umaga ng Martes naglaba ako ngilang piraso ng damit para makabawas sa labahin. Isang Tshirt, dalawang face towel at isang malaking tuwalya just to spend some time stretching the body. Dapat Wednesday pa pero habang may time sige lang ng sige. And that's it, buti nga naglaba ako kasi babagsak ang bumubulusok na ulan pagdating ng hapon.

Kailangan ko ring magsaing after the rain, magpainit ng tubig para pag may emergency at kailangan ng pang kape. All by myself for the whole week. Sa isang sulyaw na sardinas na iginisa ni Mama kami maglalamon ni Isaac. At dumating nga siya medyo late mga 6pm. Inumpisahan na namin ang marathon ng Naruto Shippuden yung mga hindi pa naipapakita sa TV talagang one to sawa. We even texted Je what was happening then. Ang saya!

Then today Wednesday. Midweek. July 7 inaalala ko ngayon ang nakaraan at ito nga ang araw na na bali ang balikat ko two years ago. Walang kaalam alam ang buong mundo noong mangyari yun. Hindi alam ni Mama, hindi alam ng mga pinsan ko, hindi alam ng mga kabarkada ko at kaibigan. Halos yung iba hindi pa rin yun alam hanggang ngayon.
Hay... ang mga nangyari sa buhay ko, all memorable, sometimes yung iba hindi naman. But it is our choice that makes it unforgettable. Hapon nga talaga umuulan. All I want is to sleep now because maaga pa ako para sa pictorial ko bukas.

Right after this meal and after Endless Love, I will have to say

Good Evening World!!!

No comments:

Post a Comment