Wednesday, July 14, 2010

Typhoons and Memoirs; All A Life's Luck

"This is what I hate. A day celebrating Lara's memories while a typhoon is devatating the ocassion"

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kailangan kong makitulog sa ibang bahay para lang makaligtas sa nakakapangambang bagyo. Lumapag na nga sa kalupaan ang bagyong si Basyang. Hidni mapigilan. Kahit pa isa ito sa talagang pinakakatangi kong araw sa buong taon.

Kahapon ng umaga, wala akong kaalam alam na ganito ang mangyayari. Ang plano ko lang manatii sa bahay buong araw kahit buryong na buryong na ako. Nagluto lang ako ng makakain ko at nagplano ng mga gagawin ko para sa araw na ito. Pero mukhang lahat ng iyon hindi na matutupad sa ngayon.

Nakakainis! Kagabi, biglang lumakas ang ihip at sipol ng hangin. Napilitan akong pumunt akila Isaac at doon na matulog n amukhang siya rin namang mangyayari mamaya dahil hindi pa malaman kung kailan magkakaroon ng kuryente sa kalakhang Laguna.

Halos hindi rin ako nakatulog sa pagaalala sa bahay na naiwan. Kahit nasa bahay ako nila Isaac, nasa isip ko pa rin ang bahay namin. Ano na kaya ang nangyari doon? Grabe ang paghanga ko ngayon kila ER Ejercito, Mark Leviste, at Isko Moreno sapagkat gising din sila buong magdamag at binabantayan lahat ng magaganap habang nananalanta ang bagyong Basyang. Puno l;ang ng hangin si Basyang, wala masyadong tubig kaya hindi rin napuno an Anggat Dam. Ang malakas niyang hangin ang nagiwan ng matitinding pinsala sa Region 4-A sa Calabarzon at sa Metro Manila. Mabnuti na lang at safe pa rin ang marami sa amin pati na ang mga mahal ko sa buhay na nasa Manila.

July 14 na ngayon at mukhang malabo akong makapag cwelebrate ng araw na ito ano man ang pagnanais ko. Alam ko may magaganap pa ring iba ngayon at inaasahan ko lahat ng suwerte ko ngayon. Anyway, umpisa pa lang ito. Sana naman walang masyadong pinsala ang bagyong ito sa ibang lugar. Magka ganunpaman, sira pa rin ang schedule ko ngayon. Ang saya na san kung hindi lang ang bagyong ito. Asar! Anyway, I just have to make the most out of it. Masaya naman eh... Alam ko masaya pa rin yan, dahil kahit kailan hindi pa naging malungkot ang July 14 ng buhay ko.

No comments:

Post a Comment