Friday, July 30, 2010

Last Full Day Turned Emotional

Wowowee and Unsudden End


Last night nahuli na ang mga carnappers na naging banta sa security ng mga trasportation vehicles ng ilang kilalang tao. Isang mainit na balita ito for the past few days even from last Sunday pa. Nagiging talamak ang paggawa ng krimen lalo na ang napapadaling pag carnap ng mga bigating sasakyan. May volvo at may ilang vans. Sa pagtutulungan ng kapulisan at ilang mamamayan nagawang mahuli ang mga salarin.

___________________________________________

Unsudden naman ang naging emotional na pagtatapos ng programang Wowowee sa ABS CBN.
Actually, hindi ito ang expected na pamamaalam sa isang show na anging bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing lunchtime. Lalo pang naging kapansin pansin ito dahil sa katatapos lang na ingrandeng Showtime finale. Dapat man lang sana ay naroon ang mga dating co host ni Willie at siyempre si Willie na siyang ama ng midday variety na iyon.

Alam nating lahat kung paano dapat namamaalam ang isang palabas na gaya ng Wowowee. Maraming magre-react rito lalo na sa ibang bansa, because I know na maging foreign viewers ay nanunuod nito at wala silang alam kung ano ang nangyayari sa ABS at kay Wil. Hindi ako nanonood ng Wowowee pero alam ko kung gaano ito kasikat sa tao at lalo na sa mga probinsiyanong excursionist. May mga pumipila pa para lang makapasok at makasali. Alam ko na may bahagi ang show sa kung ano ang Pilipino sa dekadang ito. Nakaklungkot na dahil sa isang baklang masagwa ang mga komento at sa kalakihan rin ng ulo ni Willie, magwawakas ang isang programang naghahatid ng saya sa mga matatandang wala nang trabaho at nanunuod na lang sa bahay.

Papalitan ito ng Pilipinas Win na Win hosted by Robin padilla at Kris Aquino. Mahaba haba na naman ang kailangang effort dito para maging stable. Ngayong gabi rin ang tapos ng isnag hindi namna bumentang show, ang Diva ni Regine Velasquez. Papalitan ito ng Illumina ni Aljur at Rhian. Promising ang trailer ng Ilumina pero sana ma sustain kasi ningas kugon naman ang GMA teleseryes eh... maganda s aumpisa napangit sa gitna kaya pag natapos walang nanonood. Hindi nga napansin na wala na pala ang katapat ng Showtime at yung Pinoy Records eh.

No comments:

Post a Comment