Sunday, July 4, 2010

Against Certain Deep Solitaire

Paunawa;

Ang mga pangalan, lugar, pangyayari at iba pang detalye sa kuwentong ito ay kathang isip lamang ng may-akda at hindi tumutukoy sa sinuman, saanman at anuman sa tunay na buhay. Anumang pagkakahalintulad at pagkakatugma ay hindi sinasadya at walang pananagutan ang may-akda sa kalalabasan.

Sa Dulo ng Paghihintay

Kagigising pa lang ni Revilo mula sa maikling tulog. Sapilitan siyang bumangon dahil na rin sa takot na ma-late sa pagkuha ng paninda para makatrabaho. Lasing siya kagabi. Manakanakang nananakit ang batok niya kaya umupo muna siya ng matagal sa kama. Tinitigan niya ang larawan ni Ehra Madrigal sa kalendaryo, sa tabi nito ay imahen at isang kuwadrong nabibili sa mga naglalako sa daan tuwing tanghali. Nakalagay sa itim na plastic layered-display shelves ang mga inipon niyang komiks mula noong binata pa. Paminsan-minsan, sinusubukan niyang isulat ang pangalan mula sa alikabok ng shelves. Sa tagilirang ulunan ng kama niya matatanaw ang isang ilog na nagmukha nang estero dahil sa mga duming isinuka ng mga pabrika. Isang planetang basura ang matatagpuan doon. Nakadaragdag pa sa rimarim ng umaga ang dagang nagpi-field trip sa mga sulok ng kuwartong inuupahan niya.

Dalawampu't anim na taon na si Revilo. May anak siya subalit itinago sa Quirino ng nabuntis niyang babae at hindi na niy tinangkang makita pa at sundan. Third year colleeg na siya sa Technological Institute of the Philippines nang maaksidente ang mga magulang niya. Mula noon napariwara ang buhay niya. Kabikabila ang ang naging barkada niya. Inom dito, yosi doon. Hindot dito, dekwat diyan. Sugal dito rambol doon. Hindi lang iilan ang basag ulong kinadamayan ni Biloy. Kung saan saan siya napadpad hanggang sa makilala niya si Wadsy. Pamangkin ni ALing Bebeng si Wadsy. Kay ALing Bebeng kumakain ng agahan at tanghalian si Biloy. Tubong Isabela ang lahi ni Aling Bebeng pero sa Quirino nakadistino ang trabaho ng mga magulang ni Wadsy. Wadsula ang tunay niyang pangalan. Tunog Igorot [siguro may lahi sila]. Kung gagamitan ng panukat siguro 59 lang ang IQ ni Wadsy. Patay na patay siya kay Revilo at araw araw hinihintay niya itong kumain sa turo-turo ng tita niya.

"Hoy Beloy, di ka pa yata nagaagahan heto oh may palami dito [short para sa palabok-mami]."

"Aba ok yan ah Wads."

Sa mga simpleng usapang ganito, di nagtagal lomobo ang tiyan ni Wadsy. Subalit kasabay ng paglaki ng tiyan nito ang paglaki rin ng utak niya. Naging wais ang promdi at noong patuloy ang pagloloko ni Revilo, natauhan ito at tinangkang tumakas isang araw kasama ang anak. Nagtagumpay si Wadsy at ngayo'y naiwang magisa ang pariwarang si Biloy. Ay naku, kung puwede lang na hindi kumain ang tao, hindi magtatrabaho si Revilo. Siguro gusto rin niyang mapatunayan sa sarili na karapat dapat siya sa anak niyang si Kate. Gustong-gusto na niya itong makita.

Tindero ng honey bee si Biloy. Kinukuha niya ito kay Mang Saldy na may-ari ng pulutpukyutan. Dinadala niya ito sa over pass kung saan niya nakakatabi ang mga tindera ng sigarilyo at basahan. Araw araw ang linya niya'y;

"May honey ka na ba?"
"Miss, gusto mo ng honey?"

Kapag naubos na niya sa gabi ang paninda sa kulay asul niyang balde, naghahanap na siya ng kainuman upang makalibre ng bogchi sa hapunan. Ganito na nga ang naging buhay ni Revilo. Ngunit mukhang hindi na rin ito magtatagal dahil mayamaya lamang, kakatukin ang kuwarto niya at makikita pagbukas ang isang matandang lalaki at nakapatong ang mauugat nitong kamay sa balikat ng batang babae. Tatanungin ni Revilo kung sino siya at sasagot ang bata ng....

"Ako po si Kate."

No comments:

Post a Comment