Monday, July 19, 2010

Meaningful Weekend After Heavy Storms

Suddenly, I Feel Like Summer

Huwebes ng umaga nang simulan namin ang puspusang paglilinis ng bahay after the typhoon. Maraming mga puno ng saging na natumba at kahit paano basa rin sa loob ng bahay dahil sa mga tulo mula sa butas ng bubong. Wala akong kaalam alam na kaya pala bigay todo ang ginawang pagaayos noong Huwebess ay dahil darating pala sila Kuya Kenneth the next day at grabe pala ang mangyayari pagdating ng weekend.

Hapon ng Biyernes dumating ang pamilya ni Kuya Kenneth. Papunta na kasi siya ng Saudi at gusto kami makita at makasama man lang just before he leaves the country. Sabya din namang dating ni Mama an hour after they settled. Nagluto ng adobong manok as our supper at talaga namang ang saya ng gabi kahit hindi na nga ako uminom dahil kalalasing ko lang last Wednesday. Iwas muna. Alam ko rin naman na sa susunod na araw, Sabado ay mapapainom ako. Inabot ng hating gabi ang inuman habang kami ni Mama nanunuod lang ng TV kasama sila Tare at ang mga bata. For once, muling naulit ang panunuod ni Tare sa bahay kasi matagal na rin siyang hindi nakakapasok sa bahay kahit na kapitbahay lang namin siya.

Maaga kaming nagising noong Sabado. Ginising ba naman ng mga barkada si Kuya Kenneth as expected. Sila Kuya Jojo at mga taga ibaba at mga kabarkadang tricycle drivers ang dumating. Kaya nagumpisa na ang pagiihaw at inuman. Sabik na sabik naman ang mga bata sa swimming but before that, bonding muna kami ni Lester habang nanonood ng Naruto Shippuden marathon. Pang apat ko nang panuod yun nung Sabado. Ang ganda naman kasi. Treasured moments ko yun kasi bonding namin ng pamangkin ko. Habang sa labas ayun nagiinuman na.

By 11:30 tumulak na kami sa ilog para magpaliguan. Grabe ang saya. I don't expect na maduddugsungan pa pala ang saya ng nagdaang summer dahil dito. Ang saya talaga, kasi katatapos lang ng bagyo at biglang uminit ng ganun at parang sumemr vacation na ewan. Dumating rin si Tito Alex at ang magasawa ni Kuay Jojo at Ate Vilma kasama ang anak nilang si Kaye Cee na siya namang naging kalaro nng mga pamangkin ko.

Noong gabi na, doon na natulog si Tito Alex dahil sa kalasingan, naginuman at nagsayawan pa kasi sa bahay pagkaahon. Sobrang saya. Nagawa pa namin ni Kuya Jojo na magturuan tungkol sa leadership kasi kailangan niya talaga ng mga training for leadership now that kasama na siya sa Guardians. Sa salas na rin ako natulog para makasama ko ang mga bata.

Maaga rin naman kaming nagising noong Linggo ng umaga dahil nagpumilit na umuwi si Tito Alex pagkagising niya. Ni hindi na nagkape eh. Dumating din nang maaga sila Kuya Dek Dek at handa nanaman makipaginom si Kuya. Grabe, tatalong araw sunod sunod na inom. Pero kailangang unahin ang pagaayos ng bubungan dahil baka may bagyo nanamang dumating. Nagpabili ako ng Vulcaseal at sa wakas, natapalan na rin ang bubong ng bahay at naayos ang ibang mga parte sa taas dahil na rin sa naandyan na si Kuya at may hagdanan namang nahiram.

Ako naman dali dali dahil sisimba ako by 9:30am. Sa pagpasok ko pa lang nakakita na ako ng kakilala at dating kaklase, si Richelle kasama ang nak niyang lalaki. Grabe may anak na siya. Hindi lang dun nagtatapos. Noong nakaupo na ako sa loob ng simbahan, dumating naman ang adviser namin dati ni Richelle na si Ma'am Degamo kasama rin ang anak niyang lalaki na bata at doon naupo sa tabi ko. Ano ba yan? May ibig sabihin kaya ang mga ito? Napaisip ako sa mga sandaling yaon. Ano naman kaya ang gustong sabihin ng parallel na appearance nilang dalawa. Na ipamukha sa aking wala pa akong anak? Hay...

Pagbalik ko sa bahay, bonding naman namin ni Tetet. Magkasama kami nagpunta sa internet shop at inayos ko ang facebook account niya. Marami pa kasi siya kulang at hindi alam. Nilagyan ko siya ng mga links at tinuruan mag upload ng videos. Nagkita kami doon ni AM sa shop. After an hour umuwi na kami at naku... grabe... ang sarap ng tanghalian namin. Nilagang buto buto. Grabe halos magagawan na kami sa ulam plus may maliliit pang paalat na isinasawsaw namin sa suka oh holy s***! Ang sarap!

Biglang dating ni Kuya right after lunch. Bitin pa pala siya sa inom at dahil nga sobrang init na parang ngayon lang nag summer, nagyaya nanaman ito sa ilog at umagree naman ang mga bulilits. Gusto ni Kuya kami naman ang maginom sa ilog. Bonding ito ngayon ng mga boys. Isinama namin si Beloy kasi wala namng linisin sa car wash kaya ok lang. Lambanog nga lang. Alam namn ng lahat na hindi ako maka lambanog pero sige lang dahil kuya ko yan wala ako magagawa. Ang saya naman ng mga bata sa tubig habang nasa may cottage kami at nagiinom na ga mama. Maya maya umulan na nga at napaisip kaming lumipat sa swimming pool.

Nagbayad kami sa swimming pool at kahit umuulan kailangang sulitin ang bayad. Naalala ko noon ang tapal sa bubong hindi pa tuyo. Hala sige... lkigo kami kahit umuulan. Dumating ang iba pang mga bata from the neighborhood at siya nangang tumpak na nasulit namin ang bayad kasi naligo sila TenTen nang walang bayad. Ok... ayos kahit bumabara na sa lalamunan ang lambanog hulas naman kapag nag dive sa pool.

Siyempre hindi rin sila nakauwi noong hapon kasi pumunta pa ng simenteryo kaya nagpabukas na rin sila. Madaling araw at tulog pa ako.

Alam ko matatagalan na bago ulit maulit ang mga gaya nito. Happy moments with family is worth a million diamonds. Sana safe trip si Kuya at umasenso na sana ang buhay niya kapag nag Saudi na siya. Until then, we will be waiting for another memorable summer to spend with the entire family.

It is an extended summer indeed! =}

No comments:

Post a Comment