Wednesday, July 14, 2010

Pointless Journey But Still Moving On

"What would someone do if it is a rainy afternoon or dusk? The day draws to a close without a sunset but a sorrounding is the only panorama. This one seems to be lonesome. I can only dream of a ballet dancer to be with me... to cheer me up. "

03-CC-04, July 14, 2007, Silang Cavite


IN SEARCH OF A DESTINY AFTER THE STORM

Parang sumabog na lahat ng telescope ko. They are in all direction. I don't even a have a compass to set on a journey after the milestone. Ang buhay ko, it seems that there is no direction. Sa mga nangyayari parang hindi rin ako makahinga. Alam mo yung pakiramdam ng all along may isang sentro yung buhay mo tapos biglang nawala at hindi mo alam kung saan ka na pupunta? Ito yung nangyari kay Kabuto. Nawala si Orochimaru at sa isang iglap nawala rin ang direksiyon ng buhay niya.

Hindi ko alam kung isa sa kasalanan ko na pinabayaan kong kay Lara Faye lang umikot ang buhay ko sa loob ng pitong taon. Para akong 110 V device na isinaksak sa 220 V na outlet. Biglang nabago na lang lahat at tinatanong ang sarili kung nasaan na ang dahilan ng lahat ng pinagpaguran ko. Nawalan ng saysay lahat. Bigla kong naramdaman yung lahat ng pagod ng mga ginawa ko sa buhay na noon di ko alintana na nakakapagod kasi andiyan ang pagasa sa kanya. Sa unang pagkakataon naramdaman ko na talunan ako. Noong sinabi niya na tama na at hindi daw siya ang dapat na pagtuunan ko ng lahat ng atensiyon na binibigay ko, ang nasabi ko na lang-sige. Pero pagkatapos ng lahat ng iyon halos hindi ko na makita yung bukas na naghihintay. Ang dilim dilim. Kailngan ko ring tanggapin na si Ronel na talaga ang mahal niya. Noon, kahit malayo, kahit walang nangyayari, basata walang ibang lalaki sa eksena ng aming buhay... ok lang. Ni hindi ko inisip noon na ganito kasakit kapag sumapit na sa puntong dumating na ang lalaking mamahalin niya. Wala naman kasi akong effort na ginawa noong nakaraang anim na taon kaya talagang understood na sasapit ang araw na ito. Alam ko yan from the beginning. Ang hindi ko alam yung pakiramdam ng sakit kasi pitong taon, na kay Lara Faye lahat ng saligan ng pangarap at pagasa ko. Biglang may darating na Ronel na siguradong hindi mapapantayan ang pagmamamahal ko sa kanya. Ano naman yan!

Seven years ago, sa IJP room, naganap sa araw na ito ang unang paguusap namin ni Lara Faye ng harapan at personal. Ang mga sumunod ay through technology na. Remote conversations na lang lahat either sa text, tawag, at chat sa internet at facebook. Napakahalaga sa kain ng araw na ito. At taon taon inaghahandaan ko ang pagsapit ng July 14. Ngayon, hindi ko alam. May dapat pa ba akong mga i-celebrate na dates? Ano na? Dapat na ba akong maghanap ng ibang babae? Yun ang iniisip ng lahat ng kaibigan ko na pinakatamang gawin pati na rin ng utak ko. Pero sad to say hindi yan kayang gawin ng kaluluwa ko. Nakatatak sa bawat hibla ng pagkatao ko yung mga letrang L-A-R-F-Y-E. Ang pangalang LARA FAYE VILLANUEVA CONOPIO, hindi madaling kalimutan yan. Sigurado ako niyan hindi yan kayang gawin ng puso ko. At kapag ang puso at utak ay hindi magkasundo sa isang tao, tiyak may malaking problema sa kanya. May imbalance. Either, magmukmok at gumawa ng mga abnormal na bagay dahil hindi kaya ihandle o magkaroon ng culture shock dahil mababago ang lahat. Pati body clock mo mbabago. Lahat tuloy ngayon buhos ko na sa sarili ko. Ang sarili ko na matagal kong nalimutan. Si Lara Faye na kasi yung una simula pa noon eh. Ngayon it is time para ma prioritize ang Mama ko, ang sarili ko, ang pamilya ko, ang bukas ko separated from Lara Faye.

Ang hirap pero kakayanin ko. Kasing hirap ito ng nasunugan at nagsisimula muling bumangon. Mahal ko ba si Lara Faye hanggang ngayon? Tatapatin ko ang buong mundo. Isa lang ang sagot--OO! Hindi ko kayang maging sinungaling eh. Msakit pa ba? OO ulit. Kasi si Ronel lang ang tumalo sa akin na tagos hanggang kaluluwa ang sakit. Daig pa ang natalo ako sa laro, sa grades, sa lahat. Matatgalan ito bago magbukas muli ang puso ko at maging handa para magpapasok ng panibagong pangalan na aalalahanin ng puso. Mahirap kasi baka nga hindi mangyari yun. Kung hindi din lang naman si Lara Faye, sino pa ang makakapagpasaya sa akin. Si Lara Faye ang dahilan kaya kinaya ko ang limang taon sa kolehiyo na hindi ordinaryo ang pinagdaanan ko. Siya ang dahilan kaya kinaya kong gumaling sa musika. Siya ang lahat eh. Kaya ang hirap ng hinihingi ng pagkakataon-ang kalimutan yung mismong dahilan.

Handa pa rin ako, ready na ang mga gamit. Time to go ahead for another journey and the direction is uncertain.

No comments:

Post a Comment