Monday, July 26, 2010

Listening To His First Speech In Congress

The president of the Philippines delivered his first state of the nation address kanina lang.

I have the opportunity to watch it habang madagim at nagbabanta ang ulan.

Ok naman. Hindi siya tumitingin sa speech copy sa desk or wala talaga kasi naka powerpoint. Either way, direkta ang mga patama niya at minsan ko siyang nakita na uminom ng tubig sa baso siguro uhaw talaga.

Tip of the iceberg lang ang pinatikim niya. Parang gumala siya sa surface ng mga problema but never offered a very concrete solution sa lahat ng iyon. Ok lang kasi 26 days pa lang naman siya. Ang magagawa lang talaga niya sa maigsing panahon na yon ay i-survey ang lahat ng problema.



Sa mata ng mga political analysts na sanay sa mahabaang speeches, pangit ang SONA pero sa mga kagaya ng marami na naghihintay ng Filipino speech na mauunawaan ng mababaw nilang isipan, napakaganda nito.

Kailangan nating aminin na ang audience talaga ng SONA ay ang mga taong bayan na karamihan hindi naghihintay ng powerpoints at kung ano ano pang pakulo na nasa wikang Ingles. Ang hanap nila yung mababatid nila kahit hindi i-translate.

Sa tingin ko ginawa ng pangulo ang dapat kasi ang mamamayan nga naman ang Boss niya.

No comments:

Post a Comment