Monday, September 27, 2010

Arbiter

It all started with the April 19 issue of Newsweek Magazine with the article written by Evan Thomas and Stuart Taylor Jr. entitled "The Steven's Court" as tribute to his retirement. Naging matunog nanaman ang US Courts at ang mga decision nila. Sadya nga bang may kaakibat na wisdom ang lahat ng desisyon ng Korte Suprema kahit na hindi ito gaya ng simbahan na nagke-claim ng divine intervention. Tanging sa matinong kakayahang intelektuwal lamang ng huwes nakasalalay ang anumang ruling ng isang hukuman. Noong una madalas kong tanong kung papaano nga ba nagiging judge ang isang abogado. Nakabase ba ito sa doctorate ng laws o sa tagal ng law practice nito?

Naging international current events lang ito sa Pilipinas. Not until pumutok ang balita about a Filipino na naging huwes sa California--si Tani Cantil Sakauye. Naging maugong muli ang pride ng judicial bodies here and abroad. Madalas kasi,hindi maramdaman ng mga Pilipino na co-equal branch of government ang husgado. Dahil na rin siguro sa dami ng ConstitutionalCommisions at mas maraming exposures ng DOJ at ng Office of the Tanodbayan.

Sa September 15 Editorial ng Philippine Daily Inquirer, naglabas si Letty Magsanoc ng pangkalahatang tindig tungkol sa hakbang ni court administrator Midas Marquez--ang alokasyon para sa mga huwes. Kitang kita rito ang nakaaawang kalagayan ng judiciary at the mercy of the executive and legislative branch.

Nadagdagan pa ang bigat at kalugmukan nang mabasa ng balana ang katabing artikulo mula kay Solita Monsod patungkol sa nagmamadaling desisyon at palpak na pasya ng Supreme Court. Pinakmagatang "SC in a Tempest" na umikot sa pagtalakay nni mareng Winnie sa speedy justice at False Justice committed by our Supreme Court sa mga nakaraang desisyon nito. Parang gustong tanungin ang sambayanan kung marapat nga ba ang paghingi nito ng 2011 judiciary budget.

Nakakuha naman ng tagapagtanggol ang Korte Suprema sa katauhan ng dating Chief Justice Artemio Panganiban [ isa s apinakarespetado kong tao sa Pilipinas ]. Sa column niyang "With Due Respect" noong Sunday September 19 pinaglaban niya ang importansiya ng paglalaan ng wastong badyet sa mga hukom at hukuman sa Pilipinas. Inisa isa niya ang dapat pagukulan at gugugulin ng dagdag na pananlapi. Inilista niya nag mga pangunahing pangangailangan ng kahukuman at ang pagpapataas muli ng morale ng mga hukom sa Pilipinas matapos ang mga unos n apinagdaanan nito. Muli, ang nais nating ipaalala ay ang gampanin ng Supreme Court na itinadhana ng Saligang Batas. Siya ang ultimong hantungan ng anumang usaping legal matapos isulat ng Kongreso, ipatupad ng mga tagapagpaganap at busisiin ng mabababang hukuman. Sa kanya pa rin nakaatang ang pagpapasya at interpretasyon ng bawat probisyon ng Saligang Batas.

No comments:

Post a Comment